Chapter 15 (part 2)

4.8K 104 1
                                    

JHO

Nandito na kami sa mall. Dumiresto agad kami sa grocery, nung una nag aya si bea na kumain na muna dahil malapit na rin naman maglunch pero dahil sa plano namin ni kuya loel tumanggi kami. Sinabi ni kuya loel na "later nalang isabel, after maggrocery"

Pumayag naman si bea.

"Isabel, get a cart naman" sabi ni kuya loel kay bea

Tumingin muna si bea ng mga 3secs kay kuya loel bago siya kumuha ng cart

"Kuya oh" sabi ni bea

Binigay niya kay kuya loel yung cart pero hindi hinawakan ni kuya loel

"Ikaw ang magtulak niyan, ako bibili ng grocery eh" sabi ni kuya loel

"What? Me? Ako talaga? Ako nalang kukuha, akin na yung list" sabi ni bea

Mukang hindi pa naman napipikon si bea kasi hindi pa siya nakasimangot

"Walang list, sinabi lang sakin ni manang. Magtutulak ka lang naman eh" sabi ni kuya loel

"Oo nga beh, magtutulak ka lang naman" sabat ko sakanilang dalawa

Hindi na siya nagsalita. Siya na nagtulak ng cart.

Nahalata ko naman si kuya loel na pinagtitripan na si bea kasi kanina pa kami paikot ikot pero onti palang ang nasa cart

"Kuya dapat kasi pinasulat mo nalang kay manang eh, kanina pa tayo paikot ikot" nahalata ko kay bea na naiinis na siya

Hindi naman nagsalita si kuya loel, tinignan niya lang si bea.

Nagikot ikot ulit kami. Tinulungan ko na si kuya loel sa pagkuha ng kailangan nilang bilhin.

"I'm hungry. Kuya ikaw na muna magtulak ng cart, kakain lang ako" sabi ni bea at binitawan niya na yung cart

"Sabay sabay na tayo beh. Matatapos na si kuya loel oh" sabi ko kay bea

Tinignan ako ni bea na parang nag mamakaawa sakin.

"Ok na bey, tara magbayad na tayo" sabi ni kuya loel habang nilalagay sa cart yung kinuha niya

Napangiti naman si bea. Halata na sakanya na nagugutom na siya. Kumukuha rin kasi siya ng kanya

Tapos na magbayad si kuya loel. Dalawa lang naman yung plastik kaya makakaya to ni bea

"Oh bey ikaw na magdala ng plastik" sabi ni kuya loel

"Bakit ako?! Ikaw na! Ako na bibili ng food" nahalata ko na kay bea na naiinis na siya dahil umiiba na yung tono ng boses niya

"May pupuntahan pa ko bey. Kayo na muna ni jho kumain susunod nalang ako" umalis agad si kuya loel.

Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Wala naman siyang sinabi sakin na may pupuntahan siya after mag grocery.

Binuhat na ni bea yung dalawang plastik pero halata na sa mukha niya na naiinis na siya sa kuya niya

Natatawa ako sakanya pero pinipigilan ko dahil baka mainis lalo

Sa bonchon kami kumain ni bea dahil yun yung malapit. Ayaw na kasi ni bea maglakad lakad pa kaya sa bonchon na kami kumain.

Til i met youWhere stories live. Discover now