Chapter 37

4.5K 79 15
                                    

(Fast forward na tayo dun sa game2)

—•—

BEA

"Ciacia manunuod ka ba bukas?" tanong ni jho

"ofcourse! Pati sa game 3 dapat champion kayo ha"

"oo naman! mamimiss kita pag alis mo huhuhu" sabi ni jho

"Mamimiss din kita huhu sana next na uwi ko hindi ka na masyadong busy" sabi ni ciacia

"Drama niyo!"

"Uyy selos.. yieee!" sabi nilang dalawa

sobrang close na nila sa isa't isa. Pag magkakasama nga kami laging op ako sakanila. Lagi lang silang mgkausap na parang silang dalawa lang ang magkasama. Nakakaselos na....jk cousin ko si ciacia no

"eww maiwan ko muna kayo bababa lang ako"

lumabas na ko para pumunta sa room ni jia. Magpapatulong lang ako

"jujubear! ano na?" sabi ko pagkapasok sa room nila

"sigurado ka na ba dyan bea? nakoo patulong ka kay ate ly" sabi ni jia

"siguradong sigurado na ko! Kasalanan mo eh kaya di ko pa nasabi sakanya nung araw na dapat ko ng sasabihin yon"

"sorry na di ko naman alam eh. Osige basta kung sigurado ka na talaga go ako! Payag ako sa desisyon mo pero pag nareject ka wag kang iiyak sakin ha"

ARAY JIA! WALA PA NGA EH DI KO PA NGA NASASABI REJECT AGAD

"masakit yun jia ha.. kinakabahan tuloy ako!"

"ang bonga naman kasi ng gagawin mo. Aamin ka lang naman! Dami pang paflowers ni mayor!" sabi naman ni maddie

yep. Andito si maddie kanina pa. Nagpatulong din ako sakanya eh

"masasayang lang yang pera mo girl!" dagdag ni maddie

tinutulungan ba talaga ako ng dalawang to!??

"tiwala lang. Kahit maubos pa pera ko kung para naman sa taong magal ko okay lang"

"nababaliw na tong babaeng to! Di pa naman alam kung parehas silang nararamdaman sa isa't isa hahahaha" pang aasar ni maddie

"wow thankyou maddie ha! Nakakatulong ka po grabe" inirapan ko siya, siya naman tinawanan lang ako

ang naisip naming plano.. ako lang pala, after ng game namin dadalhin ko si jho sa isang park tapos may mga batang lalapit sakanya isa-isa na may dalang sunflower tapos ayun after nila ako naman yung magbibigay ng isang bouquet ng sunflower. Alam kong medyo corny nun pero yun talaga yung unang lumabas sa isip ko eh

"Ate ly! Ate ly!" Pagtawag ko kay ate ly

nakaupo kasi ako dito sa sala tapos saktong papasok si ate ly dito sa loob

"ano yon bei?" sabi ni ate ly pagkalapit niya sakin

"nakapagdesisyon na ko ate ly. Aamin na ko kay jho sigurado na ko dito" masayang sabi ko

"huh? eh bea.. diba bali-balita na mag-on na daw sila ni marci?"

nagulat naman ako sa nalaman ko kay ate ly. Ang sakit. Sobrang sakit marinig na mag-on na sila. Wala akong narinig na balita na ganun ngayon ko lang narinig. Pero di ako naniniwala. Hinding hindi. Dahil sabi sakin ni jho hindi niya type si marci. May pagkabadboy daw yon. Walang chance si marci! Wala!

Til i met youWhere stories live. Discover now