"love tara sa bahay daw tayo magdinner" pag-aaya ni bea sakin.naexcite ako bigla. Kumpleto daw kasi sila ngayon, andon kuya niya. Teka bakit parang kinakabahan ako?
"uhm beh, kinakabahan ako. Di ko alam kung bakit?" sabi ko
hinawakan naman niya yung kamay ko at hinalikan ito. "Why? parang first time mo naman mameet sila mom" kinurot niya pisngi ko "halika nga dito.. ang cute cute naman ng baby ko! Nakakagigil!" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
pucha nakakaadik talaga amoy ng jowa ko.. ay! Soon to be jowa ko pala hehehe! Alam niyo isa lang masasabi ko.. sobrang swerte ko ka bea. Hindi ko man inasahan na aabot kami sa gantong level pero nagpapasalamat ako sa itaas kasi binigyan niya ako ng isang bea de leon sa buhay ko.
Alam kong nag-iisa lang siya kaya, kayong mga nagbabasa. Sorry hanggang tingin na lang kayo sa bea ko, kase pagmamay-ari na yan ni jhoana maraguinot HAHAHA
"Huy! ano naman nasa isip mo love?"
"H-ha?—sorry love, inisip ko kasi kung gaano ako kaswerte dahil nasa akin ka" sabi ko "like ang dami daming magagandang babae diyan, may mga manliligaw ka pa nga na lalaki eh pero ako pa din yung pinili mo"
"You know what jho, wala sa itsura ang pagmamahal. Once na tumibok to sayo, ikaw at ikaw ang pipiliin neto. And love, maganda ka naman ah. Sino ba nagsabi sayong hindi ka maganda? Bubugbugin ko lang." Natawa naman ako sa sinabi niya "maganda ka ok? Maganda ka kahit maitim kulay mo"
ABA BASTOS TO AH! pagkatapos maging sweet bilang mang lalait. Hay nako bea de leon everyone. The bully beast. 😆
"Aray!" Sigaw niya. Kinurot ko kasi siya sa tagiliran "j-joke lang love huhuhu" sabi niya
"ewan ko sayo bea! Mag aayos na ko, ano oras na oh baka mamaya hinihintay na tayo ni tita" sabi ko papasok na dapat ako sa cr ng biglang nagsalita pa ulit si bea
"Love hindi mo na kailangan mag-ayos maganda ka na kahit di ka na mag ayos" pambobola niya
"Nambola ka pa! Tignan mo naman suot ko naka pajama na ako" pumasok na ako sa cr at nagpalit ng damit
"Love! Bakit dyan ka nagchange ng clothes mo? Bakit hindi dito?" rinig kong sabi ni bea
aba lokohin ko kaya to? lakas manura neto eh siya naman susurain ko.
"Love.." mahinhin kong sabi
"yes love ano kailangan mo?" rinig kong sabi niya
"uhmm.. kasi ano.. hindi ko malock yung bra ko help me naman oh" sabi ko habang nagpipigil ng tawa.
narinig ko naman yung footsteps ni bea na papalapit sa door ng cr. HA HA kala mo de leon ha. Ang hindi mo alam nakabihis na ako kanina pa
"really love? So papapasukin mo ko dyan?" Tanong niya. Kunwari pa pero gusto din naman haaaays
"yes love please.. hindi naman nakalock yung door e kanina pa" sabi ko naman. Hindi ko na talaga mapigilan tawa ko.
bubuksan na sana niya yung door ng bigla akong sumigaw "AY WAIT LOVE! close mo muna yung eyes mo, nahihiya ako eh" Sabi ko
ginawa naman daw niya. Pagpasok niya nakita kong nakatakip nga talaga mata niya. Hinawakan ko kamay niya at inalalayan para makalapit sakin.
"ayan na love open mo na eyes mo" wala pang isang segundo ay naibaba na niya kamay niya na nakatakip sa mata niya
"tara na love alis na tayo" sabi ko sakanya at hinila siya papalabas ng room namin. Hindi pa man kami nakakalabas ng room namin huminto siya kaya pati ako napahinto
"bakit?" Tanong ko sakanya. Nakita kong nakasimangot naman yung mukha niya
"awiee tatampo ka ba? HAHAHA magaling ka mang asar diba? It's my turn naman para gumanti sayo" binelatan ko siya
"Ganon pala mga gusto mo jho ha. Okay" sabi niya at nagkibit balikat naman siya
Oh uh. Mukang mali ata yung ginawa kong pangloloko sakanya. Nagkaroon pa tuloy siya ng idea para ipang ganti sakin. Shet jho, goodluck to you self! Kaya mo na yan. Huhu!! Need helppp
Nakarating na kami sa house nila bea. Buti nalang hindi traffic kaya nakarating kami agad. Pinagbuksan kami ni manang
"Tamang tama ang dating niyo mga iha, kararating lang din ng kuya mo beatriz" sabi ni manang
pumasok na kami sa loob ng bahay nila bea. Nasa sala si tito elmer nanunuod ng tv samantalang si tita det naman nasa kusina nag-luluto ng kakainin namin mamaya. Nagbeso muna kami kela tito at tita bago umakyat sa room ni bea.
Pagkapasok agad namin humiga agad si bea "aaaaah i miss my bed" sabi niya at niyakap yakap yung mga unan niya
natawa naman ako sa ginawa niya "ang cute mo naman love" sabi ko tinignan ko siya, nakangisi yung idol niyo tapos namumula HAHAHA
"love come here" sabi niya kaya lumapit naman ako hindi pa ko nakakaupo sa bed niya hinila agad niya ako kaya napahiga ako sakanya
niyakap niya ako at nanatili kaming ganon ang posisyon. Nakangiti pa rin siya habang titig na titig sakin tinanong ko siya kung bakit
"ang ganda mo love, ang sarap lang titigan" sabi niya, naramdaman ko namang uminit yung buong mukha ko
nakatitig din ako sakanya, nakita kong unting unti bumababa yung tingin niya sa labi ko. Napatingin din ako sa labi niya. Napapikit nalang ako hanggang sa naramdaman ko yung labi niya sa labi ko.
gentle kiss ang binibigay niya sakin kaya nagrespond na din ako sa mga halik niya. Habang naghahalikan kami hindi ko napipigilang mapangiti. Hindi ko alam pero ang sarap talaga sa feeling pag hinahalikan ako ni bea.
Habang tumatagal ay nagiging malalim na ang halik namin. Nakapatapong pa din ako sakanya hanggang sa hiniga niya ako at siya naman ang pumatong sakin. Kinagat niya ang labi ko kaya naman binuksan ko labi ko. Nakipag espadahan ang dila niya sa dila ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya hindi ko maiwasan na mapaunggol. Mahina lang ito dahil baka marinig kami ni kuya loel na nasa gilid lang ng kwarto ni bea.
Nang bumalik siya sa labi ko, hindi ito nagtagal siguro mga 2 minutes lang. kita saming dalawa ang paghabol ng hininga pagtapos namin maghalikan. Humiga si bea sa tabi ko at niyakap ako. "I love you so much jho" sabi ni bea at naramdaman ko naman na hinalikan niya yung noo ko
"I love you too"
————————————————————
WE ARE THE CHAMPIONS!!!
THANKYOU SENIORS!!!
guys may ganap jhobea!! muling buhayin ang jhobea ship! 💙💙💙
YOU ARE READING
Til i met you
FanfictionI'm isabel beatriz de leon. I'm inlove with my bestfriend who doesn't love me and here i am trying to be happy with our friendship. "I love you bea! Mahal na mahal kita bilang kaibigan. Sorry yun lang mabibigay ko sayo.. Sana kasi una palang sinabi...