chapter 42

5.4K 132 91
                                    

(Nagising si jho na walang kamalay-malay na nasa kwarto siya ni bea. Masakit pa ang ulo niya kaya hindi pa siya bumabangon. Hanggang sa may pumasok sa kwarto.)

"Iha ito oh kape para mawala kaonti yang sakit ng ulo mo"

manang? bakit nandito si manang? Asan ba ko? shet hindi ko maalala nangyare kagabi. Teka kwarto ni bea to ah. Bakit nandito ako?

"manang ano oras na po?" Tanong ko

"ala-una na iha. Okay lang iha bilin naman ni bea na hayaan ka lang daw dito sa kwarto niya. Magpahinga ka nalang muna iha masyado yata naparami inom mo kagabi eh" sabi ni manang

magshoshower nga muna ako para mahimasmasan. Pero wait! Paano ako magshoshower??? Wala akong damit dito. Jusko naman jhoana! Bakit ba kasi ako naginom kagabi hays

"Jhoana kung gusto mo magshower eto damit oh. Binilin ni bea na ibigay to sayo kapag nagising ka na" dagdag ni manang. Nilagay niya sa bed yung towel at damit na pinapabigay ni bea

"asan po pala si bea?" tanong ko

"umalis eh. May bibilin daw siya. Sige na jhoana bababa muna ako at may aayusin pa ko sa baba" lumabas na si manang

Nagshower na ko. Mga 30mins na kong nandito sa cr. Wala lang sinadya ko lang. Pakiramdam ko kasi ang init ng buong katawan ko eh

Habang nasa cr ako may nagtext sa phone ko.

From mama ella 🐷:

Hoy jhoana! Asan ka na? Gumising ka na!

Nagpatuyo muna ako tapos sinuot ko na yung damit na binigay ni manang. Pagkalabas ko sa cr saka ko lang nireplyan si ate ells

To mama ella 🐷:

Andito pa ko sa bahay nila bea. Ikwento mo nga sakin ano nangyare kagabi? Bakit ako nandito?

Sinend ko na at sakto namang pumasok na si bea. Hindi ko alam kung magtatanong ako sakanya about last night. Nahihiya ako 🙈

"gising ka na pala. Kain ka na sa baba" sabi ni bea

"ahm.. Bea" pag tawag ko sakanya

"yes?"

"Wala-wala" tumango lang siya.

Pagtapos ko kumain inaya ako ni bea na bumalik ng dorm. Sumama nalang ako baka pumunta pa dito yung babaeng kalandian ni bea kagabi e. Baka masampal ko pa e charot

"Jho, are you jealous last night?" tanong ni bea habang nagddrive

Selos? Sus di kaya. Dun sa babaeng yon? Mas maganda pa ko don e tss

"kanino? Wala kasi akong maalala about last night e" sabi ko.

Nakita ko siyang nakangiti. Hindi ko alam pero parang kinikilig siya na ewan.

"Pero seryoso bea, wala talaga akong maalala. Kwento mo ngaa" sabi ko

"Wala naman nangyare sayo kagabi. Nalasing ka lang and then ako nag alalay sayo and nag-alaga. Thanks to me hindi ako masyadong nakainom kagabi."  Wow himala hindi siya uminom ha first time yata yon.

"and kelan ka pa natutong uminom?" Dagdag niya

"Kagabi lang" sagot ko

Til i met youWhere stories live. Discover now