GAME DAYnandito pa rin kami sa loob ng bus, kadadating lang kasi namin dito sa moa arena. Marami na agad tao dito na naghihintay. Nagsigawan ang lahat nung bumaba yung mga rookies para ibaba yung mga gamit. Sunod-sunod na kaming bumaba. Nauna si bea na bumaba para matulungan sila deanna sa gamit. Nahuli naman ako dahil ako yung nakaupo sa pinaka dulo.
Hindi ko mababa yung maleta ko. May nakaharang ata na di ko alam kaya hindi ko siya mababa. Habang binubuhat ko yung maleta ko para ibaba, biglang dumating si bea kaya't nagsigawan ang mga tao. Dahil bumalik ulit si bea dito sa bus
"ako na dyan" sabi niya, "bitbitin mo nalang yung backpack mo" dagdag niya
pagkababa namin ni bea nagsigawan muli yung mga tao, meron pa nga na tumatawag sa pangalan ko eh. Gustuhin ko man siya lapitan kaso bawal kami mag entertain ng mga fans eh, after ng game pa kami pwede. We need to focus in our game daw kasi and lagi kaming naka earphones nakikinig ng music. Pang-parelax lang saka para makapagfocus talaga sa game.
Andito kami sa dug-out naghihintay matapos yung laro. Hanggang sa natapos yung unang game, dumaan sa gilid namin ang mga tiga UP. Nagbatian naman kami. Ang UP kasi talaga ang pinaka kaclose namin dito sa uaap, syempre parehas tiga katipunan eh. Saka palagi din kaming nagkikita sa uptc kaya nagkakabonding namin sila paminsan-minsan.
"uy congrats!" bati ko kay ariel
nagbeso kaming dalawa sa isa't isa. "thanks, goodluck sainyo!" sabi niya
napalingon ako sa kaliwa ko. Nakita ko sila bea at deanna na kausap si tots carlos. Nagtatawanan silang tatlo. Hindi na ko magtataka kung bakit kaclose agad ni deanna si tots, pagkakaalam ko kasi kababata ni bea si tots so for sure bata palang eh kilala na ni deanna si tots.
Sa totoo lang, kung hindi siguro ako player ngayon. Kung isa lang din ako sa mga tiga-hanga dito sa uaap, siguro isa na din ako sa mga fans nilang tatlo. Ang ga-gwapo't ganda nilang tatlo. Ang papii jusq!! 😍 nakakainlove.. si bea. Hahaha
Lumabas na kami ng dug-out para makapag simula nang mag warm-up. Kasabay din naming lumabas ang lasalle. Kaya naman parang sasabog yung moa arena sa sobrang lakas ng mga hiyawan ng mga fans. Unang pinagawa samin ni coach tai ang blockings, kaya pumila na kami ng tatlong linya.
Nakita ko naman yung lasalle, at ganon din ang ginagawa katulad ng sa amin. Kaya naman nakaka face-to-face namin sila pag nag bblock. Nang si bea na yung susunod na magb-block hindi siya nakatalon, at ganun din yung nasa lasalle na katapat niya. Tinignan ko iyon kung sino, at nakita kong si kianna pala yon.
Nagtawanan silang dalawa. Namiss siguro nila yung isa't isa. Sobrang close talaga nila sa isa't isa. Magseselos na dapat ako ng bigla kong naalala boyfriend nga pala ni kianna si marck so malabong maging sila duh!
Natapos ang laro at kami ang nagwagi. Unang set palang dikit na ang laban pero nagawan pa din namin ng paraan para lamangan sila, 23-25 ang score. Pag dating ng set 2, natambakan namin sila. 19-25 ang naging score. Ngunit pagdating naman sa third set, nung una nilimangan kami ng lasalle pero hindi nagpatalo si ate ly kaya naabutan namin sila. 26-28 ang naging score. Yung dalawang huling puntos ay nanggaling kay jia, dahil sa 1-2 play niya.
Sobrang saya ng buong team dahil syempre unang laban namin to ngayong season at dagdag mo pa na lasalle agad ang una naming kinalaban. Nag-aya sila coach na mag 4 seasons, celebration lang namin at birthday din kasi ni coach o kaya nag aya din siya.
Balak sana namin sa loob nalang ng mall eh pero sabi nila coach mukang marami pang tao sa mall. Kaya dito nalang kami sa seaside. Paglabas namin ng arena, nagsigawan agad ang mga fans. Narinig namin ni bea na may mga sumisigaw ng
"Jhobea! Jhobea! Jhobea!" nginitian namin sila at nag wave kami parehas ni bea.may isang babae na may gustong ibigay sakin kaya nilapitan ko siya. Habang palakad ako papunta sa direksyon nung isang fan lumapit sakin si bea at inakbayan ako at naging dahilan kaya nagsi-tilian ang mga fans.
"thankyouu" bati ko sa isang fan. At nakipag selfie ako sakanya, sumali din si bea.
"where's mine?" Sabi naman ni bea. Tumawa kami parehas nung fan na nag bigay ng regalo sakin
"next time po ate bea" nahihiyang sabi nung fan
"nah, just kidding" sabi naman ni bea. Nakipagpapicture din kami sa iba pang mga fans. Sa sobrang daming cellphone na naka taas hindi na namin napansin yung iba. Tinawag na kami ni ate mona dahil aalis na daw kami.
Pagkadating namin sa four seasons buffet, agad-agad kaming pumasok. Nang mabigyan na kami ng table, sabay-sabay na kaming pumunta sa buffet. Onti lang naman yung tao kaya hindi nakakahiya kumain ng marami 😂
kumuha agad ako ng Sczechuan Shrimps, one of my favorite dito sa 4 seasons. Pumunta kami nila maddie at gizelle sa japanese station. Kumuha ako ng salmon sashimi. Nakita ko si deanna na kumuha ng pasta kaya pati ako napakuha na din, kumuha ako ng Camaron con Pasta muka kasing masarap.
Habang kumakain nagkkwentuhan lang kami. Ang mga kasama ko sa table ay sila deanna, syd, bea, ponggay, jia and maddie. Paubos na yung kinakain ko pero sila deanna at maddie kumukuha pa din.
"gusto mo pa ba ng sashimi jho?" Tanong ni bea sakin
"ayoko na busog na ako" sagot ko. Hindi ko na nga maubos tong pasta eh. Kahit na dadalawang tinidor nalang siguro to.
"uhm. Desserts? you want? kukuha kita" sabi niya
"hindi na buso—" naputol ang sasabihin ko. Tumayo na si bea at nalakad para kumuha ng desserts. Binubusog talaga ako ni bea eh.
"alam mo ate jho, natatawa ako kay ate bea pag nagiging clingy at sweet siya sayo" sabi ni deanna
"bakit naman deans?"
"hindi naman kasi ganyan talaga si ate bea. Saming magpipinsan, siya pinaka bully. Ayaw na ayaw niya may clingy sakanya and madalas lang siyang tahimik, minsan nga nasa room niya lang siya eh gumagawa ng lego" sabi ni deans "pero you know what ate, seeing ate bei right now, she's really happy when she's with you." Sabi ni deans
Nakinig lang ako kay deanna. "Yung dating ate bei na masungit, tahimik lang at bully, ngayon sweet at clingy na sa ibang tao." Dagdag ni deanna "sa totoo lang ate jho, ate bei really loves you. Bukang bibig ka nyan palagi eh"
Maya-maya dumating na si bea. Binigyan niya ko ng Crepe na may peanut butter filling with vanilla ice cream and mango over a drizzle of caramel. Favorite daw niya yon kaya yun yung ginawa niya para sakin.
Pagkatapos namin kumain tumambay muna kami sa may seaside. Nag-chikahan lang kami doon. Balak pa nga nilang sumakay ng moa eye pero hindi na pumayag sila coach dahil babalik na din kami ng ateneo. Pagbalik namin ng eliazo nagpahinga na ang lahat.
YOU ARE READING
Til i met you
FanficI'm isabel beatriz de leon. I'm inlove with my bestfriend who doesn't love me and here i am trying to be happy with our friendship. "I love you bea! Mahal na mahal kita bilang kaibigan. Sorry yun lang mabibigay ko sayo.. Sana kasi una palang sinabi...