Chapter 15

5K 94 5
                                    

(This time si jho naman)

JHO

Late na ako nagising sa sobrang pagod sa training kagabi. Ganun parin ginawa ni coach tai saming tatlo nila ate ly. Pagbangon ko sa kama ko nakita ko si bea na busy sa pag peprepare ng breakfast namin.

Talagang bumabawi tong si beadel.

Ang cute niyang tinignan pag siya yung nag aayos ng kakainin namin. Ang papi niya lalo pag nakatalikod, ang gentlewomen pa. Hays. Talagang biniyayaan tong si de leon.

"Gising ka na pala. Maghilamos ka na at kumain na tayo mukang napagod ka kagabi" sabi ni bea

Agad naman akong naghilamos dahil naamoy ko na yung bacon.

Pagkatapos kong maghilamos umupo agad ako sa table.

"Hmmm mukang masarap ah. Kelan ka pa natutong magluto beh?" Pangaasar tanong ko sakanya

"ah-eh ang totoo niyan jho nagpatulong ako kay ate mae" nahihiyang sabi niya

"eto naman hiya ka pangsabihin. Okay lang yan atleast nageffort ka kahit na may sunog na isa *laugh*" natatawang sabi ko

"yung sunog ako yung nagluto niyan, yung iba si ate mae na. Mahirap pala pag first timer ka no? Ilang beses akong natalsikan *laugh*" sabi ni bea.

Halata naman eh. Kanina pa niya hinagawakan kamay niya. Halatang puro talsik ng mantika

"Osiya mamaya na tayo magchikahan. Late na tayo sa training. Bilisan na natin ang pagkain. Naligo ka na ba?" i said.

late na kasi kami eh

"no, hindi tayo magttraining today."

What? Hindi kami magttraining ngayon? Bakit ano meron? Walang training? Pero mukang malabo naman yun may game na kami sa susunod na araw

"walang training?" tanong ko sakanya

"meron, pero tayong dalawa hindi tayo magttraining ngayon. Nagpaalam ako kay coach na kung pwede hindi muna tayo magtraining ngayon kasi sobrang napagod tayo kahapon. And para makabawi din ako sayo" sabay kindat

Minsan si bea yung pagiging papi niya nakakainlove eh kaso mukang straight tong babaeng to. Daming nagkakagusto dito eh lalo na si isaac. Isa siya sa mga kaibigan ko sa Mens Basketball, gwapo, matangkad, seryoso siya magmahal kaso iniiwan din siya hahaha! Nung unang training namin nandun ang mens basketball kaya niya napansin si bea. Nakita niyang kaclose ko si bea kaya kinausap niya ako about kay bea. Hanggang ngayon nagpapatulong parin siya sakin kay bea, sinasabi ko na lang na "sige tutulungan kita" pero ang totoo, hindi ko siya tinutulungan. Hindi ko pa nga pinapakilala kay bea yun eh.

"bilisan mo na dyan beh maligo ka na after" sabi ni bea

wow ngayon niya lang ako tinawag na beh

"eto na eto na. Sabi ko naman kasi sayo wag ka ng bumawi eh" binilisan ko ang pag kain

pagtapos ko, pumasok na agad ako sa cr tutal siya naman daw magliligpit at maghuhugas eh kaya naligo na ako

"ang tagal, 30mins ka na dyan. sayang oras!" sigaw ni bea

hala naiwan ko yung damit ko

Til i met youWhere stories live. Discover now