Chapter 39

4.1K 72 12
                                    

This is it!! Kabadong kabado ako pero hindi sa laro, sa gagawin kong pag amin kay jho. 😅

Nagchange plan kami ni jia dahil mamaya after ng game may family dinner kami kasama ang family ni jho. Oh diba kahit di pa kami magkakilala na agad parents namin. Alam na nila mom and dad yung plano ko at syempre alam din ni kuya loel. Isa siya sa tumulong sakin bukod kay jia.

Nung una nga balak kong umamin sa harap mismo ng family namin kaso baka mapahiya lang ako. Baka yung ineexpect kong sagot ni jho ay kabaliktaran pala.

Nagexpect lang naman ako na may gusto din sakin si jho dahil kay ate ells. Nagdinner kami ng buong team that night tapos ang topic namin is about lovelife. Napakunot pa nga noo ko nun tapos si jho naman parang nahihiya na hindi ko maintindihan

- flashback -

"So guys after uaap vacation tayo ha?" Sabi ni ate ly

"Ofcourse by! Lagi naman natin ginagawa yun. Kaso lang may iba lang dyan KJ dahil busy sa jowa nila hayz" sabi naman ni ate den

yep, u heard it right? Baby tawagan nila ate ly at ate den. Bago pa magfinals inamin na din ng AlyDen ang relationship nila sa buong mundo. Sobrang kilig na kilig ako nun! AlyDen feels 😍

"Eh pano naman yung mga taong inlove? Makakasama kaya?" sabi naman ni jia sabay tingin sakin

Nilakihan ko siya ng mata. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni ate ells

"Ouch! Aray bes! Inlove na pala si de leon naten. Saklaf naman nun bes!" With matching hawak sa dibdib at hampas sa table

tinignan ko si jho na nasa harap ko na parang galit na ewan. Natawa din ako sa ginawa ni ate ella

"Bakit besh may gusto ka ba kay baby besh?" Tanong ni ate ly

Nanlaki naman ang mata ni jho at ni ate ells bago sila magtinginan

"What?! Hindi ako. Tanungin niyo tong katabi ko kung sino ang inlove dyan kay de leon" sabi ni ate ells sabay turo kay jho

halata ko naman si jho na parang nagulat pa yata

"B-bakit ako a-ate ells?"

"Duh! Bestfriend ka niya diba hay nako napaghahalataan tayo eh" sabi naman ni ate ells habang umiiling iling pa

Naguguluhan ako sa dalawang to promise. Hindi ko sila magets. Pag pinagsama talaga tong dalawang to parang baliw.

- end of flashback -

Naputol ang pagiisip ko ng bigla akong sinigawan sa tenga ni morado

"De leon!!"

Napahawak ako sa tenga ko. Leche para akong nabingi. Kahit kelan talaga tong si jia hay nako wala na kong masabi

"Bakit mo ba ko sinisigawan?!"

"ikaw pa galit dyan! Hoy de leon kanina pa ko salita ng salita dito nihalos matuyo na nga lalamunan ko tapos ikaw hindi ka pala nakikinig dyan? Ano nanaman ba nasa isip mo?" Sunod sunod niyang sabi

"Sorry.. May naalala lang naman ako. Kinakabahan kasi talaga ako ju e"

"hay nako. Wag kang kabahan. Kayo nalang hinihintay nung sinet up naten, ngayon ka pa uurong?" Sabi naman niya

"osiya dyan ka na. Papalapit na prinsesa mo. Baka pati ako pagselosan niyan" natatawang sabi ni jia bago maglakad papunta kela mich

pinagselosan kasi ni jho si maddie at therese dati. Dahil daw lagi kong kasama yung dalawa kesa sakanya samantalang siya yung bestfriend ko. Kinilig nga ako nung inamin niyang nagseselos siya, wala lang ang cute kasi niya. 😍

Til i met youWhere stories live. Discover now