Chapter 30

5.1K 98 15
                                    

Eto yung continues nung chapter 29

——————————————————

"Jho"

"Gising ka parin. Bakit yon?" Sabi niya

"I love you"

"Clingy naman ni damulag. I love you too" kiniss niya ako sa cheeks

"Jho, ano ang pinaka una sa bucket list mo?"

"Ha? Ano.. Pinaka una yung makapunta ako sa paris kasama yung taong mahal ko." Sagot niya "bakit mo naman natanong beh?"

"Wala lang. Sige na sleep na tayo" kiniss ko siya sa noo.

--

"Beh.. Beh.."

Nagising ako ng may naglalaro ng ilong ko. Nagulat ako pagdilat ko sobrang lapit ng mukha ni jho

"Goodmorning babe"

"Kadiri ka beatriz! *laugh*" sabay hampas ng unan sakin

"Ouch! Yun ba yung pang goodmorning mo? Ganda ha" tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinatak

"Goodmorning din! Wag na magtampo kiniss na kita" sabi niya

Napangiti naman ako. Buong buo na agad araw ko. Sana ganto nalang kami ni jho araw araw.

"Yieee nangingiti siya. Tara na nga beh wag ka ng kiligin diyan, bawal pinaghihintay ang pagkain" sabi ni jho

Tumayo na ako at kumain. Pagtapos namin kumain naligo na ako. Balak ko sumilip sa room nila jia. Nauna kasi kaming umakyat ni jho e kaya hindi ko alam kung ano pa ginawa nila kagabi.

Sumilip ako sa room nila.. Aba! Lumabas pa ata tong tatlong to kagabi. Ang daming pagkain. Kaya pala hindi binigay sakin kagabi yung susi ng kotse ko dahil may nagbalak pa silang lumabas.

"At talagang lumabas pa sila kagabi e no?" Sabi ko pagbalik ko ng room

"ah eh oo beh. Nagtext sayo si ate ells pero dahil tulog ka na ako na nagreply sakanila. Nagpaalam naman sila e so pinayagan ko na." Sabi ni jho

Nagnod nalang ako.

Pag talaga nagsama si jia morado at jorella de jesus puro pagkain.

"Beh what's your plan after finals?" tanong ko kay jho

"ahmm.. Wala pa. Ikaw ba?"

"wala din. Hindi ka ba uuwi sa lipa?" tanong ko

"siguro uuwi ako. Bonding with my family ganon. Sama ka gusto mo?"

"Ofcourse! Namimiss ko na si mama at si jaja e"

"Maka mama naman to. -- Gisingin ko lang yung tatlo ha" sabi ni jho

"Okay" then i smiled

Bumaba ako para sabihin kay tito na dito kami maglulunch. Masarap kasi pagkain dito. Masarap kasi magluto yung chef dito. Siya talaga yung binabalik-balikan namin dito nila mom, yung pagkain na luto niya.

Til i met youWhere stories live. Discover now