BEA
Late na kami nagising ni jho dahil late na kami natulog kagabi dahil nilisi pa namin yung kitchen.
Hindi ko makakalimutan yung nangyara samin kahapon. Sobrang saya kahapon. Feeling ko yun na yung the best day ever in my life pero sana may sumunod pang araw na katulad ng kahapon.
Nagshoshower na ni jho sa cr ng room ko, ako naman dito sa cr sa baba. After kong magshower umakyat agad ako sa room ko para tignan si jho kung tapos na. Sakto naman pagpasok ko palabas na siya ng cr.
"Let's go na jho sa baba para kumain" sabi ko
"Ha? Late na tayo wag na tayong magbreakfast" sabi naman ni jho
"Pag dating natin don tatanungin tayo tapos pag nalaman nilang hindi tayo nagbreakfast papakainin din tayo kaya tara na dito na tayo magbreakfast, nagluto si manang para saten" sabi ko sakanya
Nagnod nalang siya at bumaba na kami sa baba. Nagulat naman ako bigla niyang hinawakan kamay ko kaya napatingin ako sa kamay namin na magkahawak
"Need ko lang ng alalay.. Antokya pa ako eh" sabi ni jho
Halata sa mukha niya na inaantok pa siya dahil habang kunakain kami napapapikit siya
After namin kumain pumunta agad kami sa car ko. Pag sakay namin inistart ko na agad ang car ko, at si jho naman nakapikit na at nakasandal na sa pinto. Hindi na niya nakabit yung seatbelt kaya ako nalang ang magkakabit
Lumapit ako sakanya para maabot ko yung seatbelt. Mga 2inches siguro ang pagitan ng mukha namin ni jho dahil natakpan ng ulo niya yung seatbelt kaya inusog ko yung ulo niya nang biglang sumandal sakin si jho. Magkadikit ngayon ang noo namin.
Bakit biglang bumilis tibok ng puso ko?? Hindi ako makagalaw. Parang ayokong umalis sa position ko.
Kinuha ko na yung seatbelt at binalik yung dating position ni jho bago pa siya magising.
Pagtapos kong makabit yung seatbelt niya, kinabit ko na ulit yung akin at umalis na sa bahay.
Hindi ko parin maintindihan ang nararamdaman ko? Hindi ko maexplain kung meron ba talaga or wala. What if kung meron, sasabihin ko kaya kay jho? Ano kaya magiging reaction niya? Matatanggap din ba niya ko katulad ni ate den na tinanggap niya si ate ly?
Pagdating namin sa ateneo ginising ko na si jho. Nasa eliazo pa kami, kukuhanin pa namin yung gamit namin sa room. Agad kaming tumakbo sa room para kuhanin yung gamit namin. Pagbalik namin sa car pumunta na kami sa beg.
Hindi pa naman kami super late, mga 10mins lang kaming late kaya okay lang to. Panigurado naman walang parusa dahil may game na kami bukas.
Naglakad lang kami papasok sa beg. Hinawakan ulit ni jho ang kamay ko dahil inaantok parin siya. Hindi parin sapat yung tulog niya sa byahe? ay sabagay medyo malapit lang naman din ang ateneo sa subdivision namin.
Pagdating namin sa loob nakatingin saamin ang buong team. Pero wala don ang mga coach namin. Bakit kaya? Siguro walang training.
"yiee yung dalawa hhww papunta dito sa beg!" pang aasar ni ria
"Kayo na pala! Hindi niyo man lang sinasabi samin ganyanan jho ha!" sabi naman ni mich
"Sinagot mo na pala si bea, jho eh! Congrats bea!" Pang aasar naman nila kim at ponggay
"Guys! Yung jhobea natin relationship goals na!" Sigaw ni ate bea t.
"Our ship is sailing!! Kaya pala nagpaalam si bea kahapon na hindi kayo magttraining kahapon kasi mangliligaw pala siya sayo" sabat naman ni ate ells
YOU ARE READING
Til i met you
FanfictionI'm isabel beatriz de leon. I'm inlove with my bestfriend who doesn't love me and here i am trying to be happy with our friendship. "I love you bea! Mahal na mahal kita bilang kaibigan. Sorry yun lang mabibigay ko sayo.. Sana kasi una palang sinabi...