chapter 45

2.1K 45 3
                                    


Nakabalik na kami ng pilipinas pero hindi pa din nagpakita samin si bea. Dalawang beses na kaming muntik magkita sayang talaga. Pagkabalik namin lahat ng dorm, nagdadalawang isip ako kung uuwi muna ako ng batangas or hindi. Tutal wala pa naman kaming training baka mag bakasyon muna ako samin.

"te ells uwi kaya muna ako bukas sa batangas?" pag-papaalam ko kay ate ella

"pwede naman, wala pa naman training saka baka namimiss ka na din ni tita at janel don" sabi naman ni ate ells

natulog na kami ni ate ells pagkatapos ko magpaalam sakanya. Pagoda kasi kaming lahat syempre kakauwi lang namin galing california.

kamusta na kaya si bea? kelan kaya siya babalik? may balak pa ba siyang bumalik sa team? sana naman meronn

"Goodmorning jho! Kain ka na breakfast" bati sakin ni ate den pagkababa ko

"thankyou nalang ate den, aalis na kasi ako eh baka matraffic ako" sabi ko naman

Nagnod naman si ate den. Lumabas na ko ng eliazo. Tutulog nalang ako ulit sa byahe. Kulang pa din yung tulog ko.


12:45pm

nandito na ko sa bahay namin. Gosh namiss ko bahay naminn. Pagkapasok ko dumiretso agad ako sa dining area, for sure kumakain palang sila ng lunch. At yun nga naabutan ko silang dalawa na patapos ng kumain

"hi ma!!! hi jaaa!" bati ko sakanila at kiniss ko sila parehas sa cheeks

"oh nak, hindi ka man lang nag text na uuwi ka pala dito. Kumain ka na ba? kain ka na muna" sabi ni mama

inabutan naman ako ng plato at kutsara't tinidor ni janel. Hmm namiss ko luto ni mama mukang mapapadami ako ng kain dito.

"kamusta California? nagkita ba kayo don ni bea nak? Kinamusta mo ba ko kay bea at kela det?" sabi ni mama napatingin naman ako kay janel

umiling ako.. "hindi po ma eh.." mahina kong sabi. Napayuko nalang ako

"baka busy lang yon sila o baka malayo sila dun sa pinuntahan niyo. Malay mo naman bumalik na sila ng pinas. Nakwento kasi sakin ni det na doon na destino yung work ni elmer kaya sila pupunta ng california. Pero ang alam ko silang dalawa lang, hindi kasama sila bea at ang kuya niya" kwento ni mama na napatingin agad ako sakanya

"talaga ma? so hindi talaga sila doon titira for good?? so it means... andito si kuya loel sa pinas?" sagot ko tumango naman si mama

chineck ko ig story ni kuya loel.. pero nasa california siya. Pero hindi talaga for good sila bea don. Naalala ko din na nabanggit nga pala ni bea kay jia na baka babalik na sila ng pinas nung narinig ko silang nag uusap sa call. Totoo kaya? kung totoo man kelan kaya sila babalik?

pagtapos namin kumain umakyat muna ako sa room ko at humiga. Nag check ako ng social media account ko, sinearch ko acc ni bea sa ig, nakadeactivate pa din siya tinignan ko din sa iba pero ganon din naka deactivated pa din. Habang nag sscroll ko sa instagram feed ko nakita ko post ni tita det

 Habang nag sscroll ko sa instagram feed ko nakita ko post ni tita det

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

gandang gwapo talaga ni bea 😍 haaay namimiss ko na tuloy siya lalo. Ngayon alam ko na talaga yung katangahan na ginawa ko ewan ko ba at yun yung nasabi ko sakanya nung nag confess na siya sakin. Hindi ko kasi talaga inexpect na ganon, na may feelings din siya sakin. Kasi para sakin ang labo non mangyare ang dami dami kaya nagkakagusto sakanya na mas maganda pa sakin kaya bakit ako pa diba?

dapat pala nakinig ako kay ate ells e no. Kinailangan pa tuloy umalis at magpakalayo ni bea dahil sakin 😕 ang tanga mo jho, ang laki mong tanga.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, chineck ko ang phone ko.. 8:58pm na?? Napahaba nanaman yung tulog ko. Nag-ayos na agad ako dahil tinawag ako ni mama para kumain sa baba.



After 1 month.


Nagbabalik ang... training!!! eto nanaman tayo sa pamatay training na ituuu. Todo na to! HAHAHA nag wwarm-up na kami ng buong team. Pinatakbo kami ni coach tai sa buong court ng 30 na ikot daw

Maaga natapos yung training, first time to ah lalo na ngayon dahil unang training namin to for this season. Hindi na din kasali sila ate ells this season dahil graduate na nga sila pero lagi silang nandito ni ate den kasi syempre andito pa si ate ly eh. Nakaupo kami ngayon sa floor, nag papahinga.

maya-maya tinawag nila coach tai si ate ly. Tinignan namin sila dahil mga dakilang tsismosa kaming lahat. Nakita namin na parang nashookt na naeexcite si ate ly so kami ayon nagtataka kami at gustong gusto na namin malaman kung ano yon

excited at nakangiting lumapit samin si ate ly "guys, may bago tayong teammate. May dalawang madadagdag sa team" paninimula ni ate ly habang nakangiti pa din

natuwa din kaming lahat at excited na kaming makilala kung sino yung dalawang yon. For sure, rookie lang sila.

"sino yon ate ly?" pinaka tsismosa naming teammate, ponggay. HAHA

"secret na muna. Bukas niyo malalaman" sabi naman ni ate ly "ay hindi pala sa wed pala, start ng training nila sa wed" dagdag ni ate ly

hanggang sa shower room yun pa din yung topic namin. Pinipilit pa din namin si ate alyssa kung sino yung dalawang yon. Nakakaexcite kase malaman!

"feeling ko si bea yung isa don" sabi ni maddie

napatingin kaming lahat kay maddie "panong si bea? eh nasa california yon" sabi naman ni ponggay

"malay niyo naman umuwi na diba pero sana si bea nga yon" sabi ni maddie. Oo nga mads sana nga si bea yon "jho, ikaw feeling mo din ba si bea yon?" tanong sakin ni maddie

"ewan baka bago yon. Kasi kung si bea yun sasabihin naman agad ni ate ly satin e, diba ate ly?" sabi ko kay ate ly. Tumango lang sya at ngumiti

Pagdating namin sa dorm, yun pa din talaga topic nila maddie at gizelle. Sila na yung bago kong ka-roommate eh kasi nga umalis na si ate ella. Nung nalaman ko nga na si maddie roommate ko na excite ako non e. Umupo ako sa bed ko at umupo din si maddie sa bed niya. Magkatabi lang kase bed ko saka bed niya

"uy pero feeling ko pa din si bea, pero feeling ko din rookie. Hay nacucurious na talaga ako kung sino yon" sabi ni maddie

"impossible nga kasing si bea yon kasi ang alam ko for good na sila don. Atsaka diba sabi nga ni jho kanina kung si bea yon for sure sasabihin na agad saten ni ate ly" sabi ni pongs "kasi syempre alam ni ate ly kung gaano natin kagusto na bumalik si bei" dagdag ni pongs

nacucurious na din tuloy ako. Haynako kasi tong dalawang to kanina pa nila topic yon. Si ate ly kase e pa-secret secret pa kasi nalalaman ayan tuloy yung dalawang tsismosa hindi makatulog dahil don. Hahaha

"hay nako kung ako sa inyong dalawa matutulog nalang ako dahil may klase pa ng maaga" sabi ko at umayos na ng higa at nagtaklob ng kumot.

nakapikit na ko pero naririnig ko pa din silang nag-uusap about don sa dalawang bagong teammate. Ganito pala tong dalawang to maging roommate ang dami nilang chika. Hirap naman magka-roommate na tsismosa hahahaha!



————————————————————————

Nakow wag na muna umasa maddie, masakit umasa. Hahaha!!

sorry nalate ng update si author nasa probinsya kase ako eh hirap maghanap signal dito mga besh 🤣

-isabeljhoana

Til i met youWhere stories live. Discover now