Chapter 26

4.2K 88 7
                                    


Nagising ako ng wala na kong kasama dito sa room. Umalis na yata yung dalawa ng walang paalam e no.

gising na kaya yon? It's 6am sigudo tulog pa yon siya. Pumunta ako sa room namin para silipin kung tulog pa si jho

pagsilip ko walang tao sa loob. Chineck ko din sa cr wala ring jhoana. Nasan kaya yun?

nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako agad sa pinto.

"hinahanap mo ba ko? bumaba lang ako para kumain. Ikaw kumain ka na ba?" sabi niya

nakatingin lang ako sakanya ng diretso. Hindi ko alam ano gagawin ko, tatakbo ba ko palabas o magiistay dito at makipagusap sakanya. Dapat pala hindi na ko sumilip dito hayst

"alam mo kung ice cream lang ako kanina pa ko tunaw dito." tumawa siya "umuwi ka ba sa bahay niyo?"

"h-ha? ah oo dun ako natulog"

tumango tango lang siya.

"saan ka nga pala dumaan? bakit hindi kita nakita sa baba?"

hindi ko na alam sasabihin ko sakanya.

"s-sa harap. Wala namang ibang daanan papasok dito sa dorm ah" sabi ko

"sabagay. Baba ka na beh nagbreakfast ka na ba sainyo?" tanong niya

"Hindi pa nga e" palabas na ko ng kwarto ng bigla niya kong hawakan sa braso

"sabay na tayo bumaba"

nagnod nalang ako

bakit ang aga neto gumising? aga din naligo. Siguro uuwi sakanila pero bakit bihis na bihis?

"jho.. Aalis ka ba?"

"Ay oo nga pala. Beh aalis lang ako, nag aya kasi si marge pumunta sa trinoma. Treat niya din ako so hindi na ko tumanggi."

si marge ba talaga? bakit kasi hindi nalang magsabi ng totoo. Ayan nanaman sa marge na yan pero marci naman pala ang kasama

"Ah ganon ba? Hatid na kita" sabi ko

"hindi na. Susunduin ako dito ni marge papunta na siguro yon tsaka  kumakain ka pa oh hindi ka pa nga naliligo. Baho mo pa" minsan nakakasura din tong kausap si jho e ang sarap batukan pero hindi ko pwedeng saktan si jho.

inirapan ko lang siya dahil hindi ako pwede magsalita dahil may laman ang bibig ko.

maya maya nagpaalam na siya sakin. Bago siya umalis hinug niya muna ako at kiniss niya ko sa cheeks. Hindi na ko nagugulat pag kinikiss niya ko sa cheeks. Lagi niya kasi ginagawa yun pag aalis siya.

tinapos ko nalang ang kinakain ko at aakyat na sana ako kaso bigla akong tinawag ni jia

"umalis nanaman jhowa mo?"

"Oo. Inaya daw ni marge sa trinoma"

"Ganon? Tara trinoma din tayo!" sabi ni jia

"Gagawin natin din?"

"Ahm magvovolleyball? -- aray! Ikaw kasi e! Syempre mamamasyal" napaka pilosopo talaga netong morado na to

"Third wheel nanaman ako ganon? ayoko nga mas lalo ko lang namimiss si jho" sabi ko

namimiss ko na si jho. Pangalawa na to na hindi kami nagkakasama ng matagal.

"Edi magsama tayo ng isa! Sino ba free sa teammates natin?"

"Wala. Tayong apat lang ata nila jho" sabi ko

"Sige bei sama ka na kasi please?" nag pacute si jia "aray!" hinampas ko

Til i met youWhere stories live. Discover now