"Goodmorning tita!" bati ko kay tita det na nagluluto na ng breakfast
"Goodmorning nak, tulog pa din ba si beatriz?" sabi ni tita nagbeso ako sakanya
"yes po tita" sabi ko at umupo sa chair malapit sakanya
"jhow can i ask you something" sabi ni tita det habang nililipat yung niluluto nya sa plate
"hmm ano po yon tita?"
"gusto ko lang malaman kung.. sinagot mo na ba si beatriz?" sabi ni tita na medyo natawa pa sya ng onti
hindi ko alam isasagot ko? kami na ba? kasi kung hindi pa eh bakit nagkaganap agad kami ni bea kagabi?
"ahm tita ano po hin—" naputol ang sasabihin ko dahil may sumigaw mula sa taas
"LOVEEEE!!!" napasapo nalang ako sa noo ko nung marinig kong si bea yung sumisigaw
"LOVEEEY!!" sigaw pa ulit neto
natawa naman si tita det "ahh sige na jho puntahan mo muna yon" sabi ni tita nag nod naman ako at tumakbo paakyat
"what? ang aga-aga sigaw ka ng sigaw dyan" sabi ko pagkapasok ko ng kwarto niya
"san ka ba nagpunta?" tanong naman nya
"sa kitchen. Tinutulungan ko si tita det magluto" pageexplain ko lumapit ako sa sakanya hanggang sa hinila niya ko kaya napatumba ako sakanya
"Let's continue love nabitin ako eh" sabi nya at hinalikan ako
bumitaw naman ako agad sa pagkakahalik niya sakin "ikaw ha! hindi pa nga kita sinasagot gumaganyan ka na" sabi ko pero nakadagan pa din ako sakanya
"edi sagutin mo na ko" pagkatapos niyang sabihin yon hinalikan ulit niya ako sa labi pero hindi ko pa din sinasagot yung mga halik niya
hanggang sa siya na yung bumitaw sa halik "wag na nga lang" sabi niya at inayos nya yung pwesto namin
aba ang aga-aga nagtatampo agad beatriz ko.
"HAHAHA love ang cute mo" sabi ko
"sige na baba ka na ulit don" sabi niya at tatayo na sana siya pero hinawakan ko kamay niya
"oh tara continue na natin love" sabi ko naman at nakita kong lumiwanag yung mukha niya
"after natin kumain sa baba" dagdag ko at tumayo sa bed niya. Natawa naman ako nung makita ko yung reaction ha
Ang cute talaga ng beatriz ko hays
Niyakap ko siya ng mahigpit "harap ka sakin love" sabi ko pero umiling lang siya kaya ako nalang yung humarap sakanya at kiniss siya sa lips. Hindi ko inalis yung labi ko sa labi niya. Hindi kami parehas gumalaw nakatingin lang kami sa isa't isa habang magkadikit ang labi namin.
Maya-maya onti onti ng gumagalaw ang mga labi naming dalawa. At hanggang sa lumalim yung mga halik namin sa isa't isa pinaupo niya ako sa lap niya. Inilagay ko yung mga kamay ko sa batok niya habang yung kamay niya naman nakapulupot sa bewang ko. Napangiti ako ng makita siyang nakapikit habang naghahalikan kami.
natigil ang paghahalikan namin dahil biglang may kumatok sa pintuan "jhow, beatriz baba na daw kayo" si manang
tumayo ako sa pagkakaupo ko sa lap niya at inayos ang sarili samantalang napasapo naman si bea sa noo niya kaya natawa ako ng bahagya
"let's go na. Hindi ko na tuloy natulungan si tita sa baba ikaw kasi eh" sabi ko sakanya
sabay kaming bumaba ni bea. Nakayakap siya sakin habang naglalakad kami papuntang kitchen "goodmorning mom dad!" masayang bati ni bea sakanila "yo kuya goodmorning!"
"aba ang saya naman ata ni beatriz ngayon" sabi ni tita
"baka naka one point kay jho? Hindi kaya dad?" pang aasar naman ni kuya loel
"jhow yung totoo may nangyare na ba kagabi?" pang aasar naman ni tito samin
"daaaad! kuya!" sabi naman ni bea
tumawa naman kaming lahat. grabe hindi pa kami ni bea pero feeling ko part na ako ng family nila. Magbestfriends palang naman kami ganito na sila pero iba ngayon eh. Parang mas mukha pa nga ako yung anak nila eh.
Sobrang saya lang kasi after nung nangyare samin ni bea. After kong saktan yung pinakamamahal nilang anak, welcome na welcome pa din ako dito sakanila. At trinato pa din nila ako na parang walang nangyare sa past. Laking pasasalamat ko talaga kay lord eh kasi kahit na nasaktan ko tong babaeng nasa tabi ko andito pa din siya patuloy na minamahal ako.
Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko na ulit to sasaktan at iiwan dahil hindi niya deserve yung mga iyon. Sobrang bait, mapagmahal, at caring ni bea. Tanga na lang ako kung iiwan ko pa siya. Sobrang swerte ko dahil nakilala ko siya at ngayon na nasa akin na siya.
Kahit anong mangyare samin, hinding hindi ako susuko. Kahit kalaban pa namin ang presidente ng pilipinas hinding hindi ko susukuan tong babaeng to. Gaya nga ng sabi nila kapag mahal mo handa mong ipaglaban no matter what happens.
Ako na ata pinaka maswerteng babae dito sa mundo. Hindi ko inakalang sa katulad ko magkakagusto ang isang bea de leon. Morena is the new beauty nga naman kung sabihin ng iba.
"huy love. Ano iniisip mo at natutulala ka dyan?" naputol ang pag-iisip ko ng kalabitin ako ni bea
"ha? wala love" sabi ko naman
bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Kinuha nya yung gym bag namin sa backseat at magkaholding hands kaming pumasok sa beg. Naabutan namin yung team na nakaupo sa floor habang nagchichikahan
"ayan na pala ang jhobea" sabi ni ponggay
naki join kami ni bea sa chikahan nila hanggat sa dumating na sila coach nagsimula na kami mag training syempre ganon pa din pagoda pa din kaming lahat dahil kay coach haaays
After ng training nagpahinga lang kami. Umupo ulit kami sa floor at nagchikahan. Lumabas si deanna dahil may tumatawag daw sakanya.
"Ate bei!" Sigaw ni deanna kaya napatingin kaming lahat sakanya
nakita namin may babaeng nakasunod kay deanna hindi namin siya mamukaan dahil malayo pa sila ni deanna. Hanggang sa makalapit na sila.. nagulat kaming lahat kung sino yung babaeng kasama ni deanna.
"what are you doing here?" napatayo si bea. Nanatili kaming nakatingin sa babaeng nakatayo sa harapan namin
YOU ARE READING
Til i met you
FanfictionI'm isabel beatriz de leon. I'm inlove with my bestfriend who doesn't love me and here i am trying to be happy with our friendship. "I love you bea! Mahal na mahal kita bilang kaibigan. Sorry yun lang mabibigay ko sayo.. Sana kasi una palang sinabi...