JHO
1 week ng nakalipas nung umamin sakin si bea. I know nasaktan ko siya and i feel so bad sa ginawa ko sakanya.. Nagsinungaling pa ko sakanya. Sinabi ko pa na kami na ni marci kahit hindi totoo 😔
- flashback -
"j-jho.. I l-love you"
Ayy.... Akala ko naman kung ano sasabihin niya. Halos mamatay pa ko sa kaba yun lang pala
"i love you too beh! yun ba yung sasabihin mo? grabe! Pina kaba mo pa ko"
Nakita ko naman siya na parang nagulat pa sa sinabi ko.
Ano ba nangyayare ngayon?
"no, i-i mean i love you more than f-friends" napapikit siya samantalang ako naman parang natulala ako sa sinabi niya "i love you jho. Sa unang pagkikita naten nakaramdam na agad ako ng ibang effect sayo.. Jho. I love you, jho. Mahal na mahal kita. And i hope you too..."
whaaat??? mahal niya ko higit sa pagkakaibigan?? Ano to?? Bakit biglang ganto?? naguguluhan ako.. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"B-bea.. I'm s-sorry..."
yun lang ang lumabas sa bibig ko. Sa totoo lang hindi ko talaga alam sasabihin ko sakanya.
"B-bea kasi.." Hinawakan ko ang kamay niya
nakita kong may mga luha ng tumutulo sa pisngi niya. I'm sorry bea.. Hindi ko sadyang saktan ka. 😢
"K-kami na n-ni... M-marci" napayuko nalang ako sa sinabi ko
maski ako napaluha na sa sinabi ko. Alam kong nasaktan ko si bea, double ang sakit sakin nun. Pero kasi.. Naguguluhan pa ko.
- end of flashback -
Pagkatapos nung nangyare nung gabing yon hindi ko na nakita si bea. Isang linggong walang paramdam si bea
Malamang jho sinaktan mo yung tao eh. Satingin mo ba pagtapos mo siyang saktan may mukha pa siyang maipapakita sayo.
anuna self. Parang maski sarili ko galit sa ginawa ko kay bea. Hindi ko naman sinasadya na saktan siya😭 yun kasi ang tama diba?
"Hoy bruha! Ano tulala nanaman? yan kasi! Andyan na pinakawalan mo pa" sabi ni ate ella sabay batok sakin
"Aray naman te ells! Naguguluhan pa kasi ako ate ells tsaka hindi pa ko handa sa ganung relationship no"
napasapo si ate ells sa noo niya
"alam mo jho darating din yung araw na marerealize mo kung ano yung sinayang mo. Kung ako sayo jojowain ko na yan si bea. Duh! Bea de leon na yan oh! Ano pang hahanapin mo e nasa kanya na lahat."
napairap nalang ako sa sinabi ni ate ella. Hindi ko alam kung tinutulungan niya kong makamove on sa ginawa ko o pinaparealize niya sakin na maling mali yung ginawa ko kay bea.
nagbihis na ko ng damit na susuotin ko para mamaya. Syempre champion kami, yung promise ni ate ly na walwalan ngayon lang matutuloy kaya ready na ready kami.
YOU ARE READING
Til i met you
FanficI'm isabel beatriz de leon. I'm inlove with my bestfriend who doesn't love me and here i am trying to be happy with our friendship. "I love you bea! Mahal na mahal kita bilang kaibigan. Sorry yun lang mabibigay ko sayo.. Sana kasi una palang sinabi...