"beh ayun dun tayo"pumunta kami sa tiniro ni jho. Andito kami ngayon sa mall, nagg-grocery kami dahil busy si manang sa paglilinis ng bahay kaya kami nalang ang inutusan ni mom na mag-grocery. May bisita daw kasi kami kaya maghahanda sa bahay. Tinanong ko kung sino pero hindi sinabi sakin. Sino kaya yon?
"oh diba. Dito ka lang pala namin makikita, kanina ka pa namin hinahanap"
"ako ba kausap mo?" Tanong ko
"Hindi, eto oh. Dito lang pala naten makikita to hays"
natawa ako sakanya. Kasi naman kausapin ba naman yung spaghetti sauce. Baka sagutin siya.
"baka naman sagutin ka nyan"
"Oo nga e. Kanina ko pa kinakausap di ako sinasagot" sabi ni jho
"ako nalang kasi, sasagutin kita agad" sabay kindat
"breezy mo de leon! Hahaha tara na nga sa counter. Asan si kuya loel?"
"Nagcr lang. Pabalik na siguro yon" sabi ko
naglakad na kami papuntang counter para bayaran yung pinamili namin. Magpapaspaghetti daw si mom dahil may batang kasama. Pinsan ko siguro.
Nakabalik na kami ng bahay. Wow naman ang linis ng bahay. Malinis naman talaga ang bahay ewan ko ba kung bakit kailangan pang maglinis ni manang.
nilapag namin yung mga plastic sa kusina. Umakyat na ako sa taas, si jho as usual naiwan sa baba. Silang dalawa daw ni mom magluluto. Nagshower nalang ako habang naghihintay sakanila ang init kasi sa labas.
nagpatuyo muna ako ng buhok saka humiga. 9am palang kasi. Maya-maya hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
"Beh.. Beh.. Huy gising na"
kinusot kusot ko ang mata ko.
"ano oras na?" tanong ko kay jho
"7pm"
nanlaki naman ang mga mata kong singkit
"s-7pm?! Seryoso?!" agad kong kinuha ang phone ko sa desk para tignan kung 7pm nga pero putek jho.. nakakainis ka. Ang lakas nanaman ng trip netong maraguinot na to.
tinignan ko si jho ng masama habang siya tawa ng tawa. :/ pero infairness nagising ako dun hahaha antok pa ko e
"HAHAHAHA sorry na beh!" sorry na pero tumatawa paren
"lakas ng trip mo jho!"
lumapit siya sakin at binackhug ako "sorry na nga e.."
napangiti naman ako. Kamusta ang puso? Ayun ang bilis ng tibok. Kilig eh! Sobrang sweet talaga neto. Gustong gusto ko yung nanunuyo siya e.
humaram ako sakanya at hinug din siya "Oo na.. wag mo ng ulitin yun ha. Inaantok pa ko e hahaha"
"ouch!" Pinitik niya ang noo ko.
"yan kulit mo kasi. Magayos ka na parating na daw bisita niyo" sabi niya
"ikaw? hindi ka mag aayos?"
"Huh? Bakit ako mag aayos? hindi naman ako bababa e dito lang ako sa room mo" sabi niya "mahiyain ako beh. Baka maging statwa na nakangiti lang ako dun" tumawa kaming dalawa
maya maya may narinig kaming kumatok "beatriz, jho! Baba na kayo. Andito na sila" sigaw ni mom
binuksan ni jho ang pinto.
"tita hindi nalang po ako bababa. Nahihiya po ako eh, dito nalang po ako" sabi ni jho
"baba ka na, kasama mo naman si beatriz eh. Tsaka mga kamag-anak naman namin yon, wag kang mahiya. Part ka na ng family diba. Tara na baba na kayo"
YOU ARE READING
Til i met you
FanfictionI'm isabel beatriz de leon. I'm inlove with my bestfriend who doesn't love me and here i am trying to be happy with our friendship. "I love you bea! Mahal na mahal kita bilang kaibigan. Sorry yun lang mabibigay ko sayo.. Sana kasi una palang sinabi...