Chapter One

651 80 1
                                    

This is a work of fiction.
Names, characters, businesses, places and incidents are product of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual events, places, person, living or dead is purely coincidental.
No part of this story may be used or reproduced in any manner without the permission from the author.
Remember... PLAGIARISM is a crime!
All Rights Reserved.
Thank You!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Shane Lacsamana

"Dad, mom. Sama ako." sabi ko sa mga magulang ko.

Nasa harap kami ng hapag kainan. May dalawang katulong na nakatayo sa magkabilang gilid, naghihintay nang anumang ipag-uutos sa kanila.

"Shane, for the 10th time. No, alam mong hindi pwede. May pasok ka." sabi ng ina ko.

"Dad, bakit hindi ako pwedeng sumama?" naiinis na tanong ko sa ama ko.

"Shane Lacsamana, my goodness. Naiirita na ako sa iyo. Ilang beses ba naming sasabihin na hindi nga pwede at may pasok ka. We will only be gone for only two weeks or three. Can't you just bear with that?" nakakunot noong sabi ng ama ko.

"But, i want to go with you." pangungulit ko.

"Honey, hindi kami pupunta sa los angeles para magrelax. We're going to fix some of the company's problem. Isa pa, your exam is fast approaching. You need to study." sabi ng ina ko.

"But..." pamimilit ko.

"Stop it, Shane. No more buts. Maiiwan ka dito at mag-aaral. That's final." sabi ng ama ko sabay tayo at labas sa dining room.

Ako si Shane Lacsamana. Seventeen. Second year college. Beauty, brainy, rich kid and only child. Kaya naman nagagawa o nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. But i think not this one...

Kaya masama ang loob ko dahil hindi ako isasama. Naiintindihan ko naman, malapit na ang exam. Gusto lang ng mga magulang ko na magconcentrate muna ako 'don.

Pero perks on being an only child na nakukuha o nasusunod ang lahat nang gusto, pakiramdam ko talo ako. Masakit sa ego na hindi ko nakuha o nasunod ang gusto kong mangyari.

Kinabukasan, sa campus, during breaktime.

"Ano? Shane, isasama ka na ba?" tanong ni Samantha.

"No." mabigat sa loob na sagot ko.

"Kahit nagmakaawa ka to the max?" tanong ni Scarlet.

"Yes." still mabigat sa loob na sagot ko.

"Alam mo, Shane. Ikaw lang naman 'tong umaasa eh. Sinabi na sa 'yo una pa lang na hindi ka pwedeng sumama. Makulit ka lang." sabi naman ni Sandy.

Napatingin ako sa kanya. Nagkibit balikat lang naman siya. Sila lang naman ang mga kaibigan ko. My bff's, since i don't know when. Ang mga kasama ko sa lahat ng bagay.

"Kailan ba sila aalis?" tanong ni Sandy.

"Mayang hapon." sagot ko.

"E di wala na sila 'mayang gabi?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Scarlet.

"Malamang." sabi ko sabay pinanlakihan din siya ng mga mata.

ABDUCTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon