Chapter Fourteen

184 68 1
                                    

Galing ako sa mayamang pamilya. Isang drug lord ang daddy ko. Kaya naman ang mommy kong galing sa hirap. Diyosa na ang tingin nito sa sarili. Magaling siyang magsugal.

Ako si Jasmine. May kuya ako, pero patay na. Na-overdose sa drugs. Akala ko magbabago na ang mga magulang ko sa pagkawala ng isang anak. Pero hindi, lalo silang naging gahaman. Paano naman ako?

At dahil isang kampon ng droga ang daddy ko. Maraming drugs sa bahay. Drug adik ang daddy ko. Drug adik ang mommy ko. Drug adik ang kuya kong namatay. Kaya drug adik din ako.

Sawang sawa na ako sa buhay ko. Lahat na ng pagrerebelde, nagawa ko na. Pero balewala sa mga magulang ko. Ilang ulit ko na ring sinubukan na wakasan ang buhay ko.

Pero dahil mayaman kami. Lagi akong naililigtas. Tama ang kasabihan, na kung hindi mo pa oras. Hindi talaga. Katulad ng ibang kabataan. Barkada ang takbuhan.

Pero sa aming magbabarkada. Ako ang nagturo sa kanila para uminom, manigarilyo at ang gamot ng buhay ko, drugs. Kung drug lord si daddy, ako ay isang alagad para magkalat ng droga.

Para maiba naman, habang lasing sa pinaghalong alak at droga. Napagkatuwaan naming pumunta sa isang amusement park. Kaso hindi kami papasukin ng mga guard. Kasi hatinggabi na.

Pero drug adik din pala ang mga guard na 'to. Nasuhulan namin ng droga. Sige, pakasawa kayo! Pero kanya-kanya na kaming takbo papasok sa park.

Kanya-kanyang ride. Sasakay ang isa, mag-ooperate ang isa. Tapos palitan. Kaso, nagkandasuka kami. Letseng mga rides 'yan. Kaya nagkasundo kaming pumasok sa horror house.

Ewan ko ba kung kinilabutan ako. Pagtapak pa lang sa entrance ng lugar. Pumasok kami kaso unang bagay na bumulaga sa amin. Nagsigawan at nagtakbuhan na kami kaya nagkahiwa-hiwalay kami.

Binalot na ako ng takot. Nag-iisa ako. May naririnig akong sumisipol. Isang mabagal at napakalungkot na 'Old Macdonald had a farm' ang isinisipol nito. Akala ko parte ng pananakot.

Kabi-kabilaan ang naririnig kong sigawan ng mga kasama ko. Pero sa tuwing tatakbo ako para puntahan sila. Nawawala sila. At ang sipol ang lalong lumalakas sa pandinig ko.

Hindi ko alam kong ako ang napapalapit dito o ito ang sumusunod at lumalapit sa 'kin. Nang makita ko ang isang kasama ko. Nakatayo na parang may tinitignan.

Nilapitan ko siya pero bago ko mahawakan ang balikat niya. Isang kamay na may hawak na panyo ang itinakip sa ilong at bibig ko. Isang kamay naman ang humila sa beywang ko at inilayo ako sa lugar na 'yon.

Pinilit kong manlaban. Pero huli na, pumasok na sa buong sistema ko ang mabaho, nakakasuka at nakakasulasok na amoy. Nagdilim ang paningin ko hanggang wala na akong maalala.

Nagising akong masakit ang buong katawan. At walang anumang damit. At sa harapan ko nagbibihis ang isang lalaki. Pinagsamantalahan at binaboy ako ng lalaking 'to.

"Hayop!" tanging naisigaw ko sabay hagulgol.

"Hahaha!" dumadagundong sa lakas ang tawa nito.

Tumaas ito sa hagdan at lumabas. Nasa isang basement ako. Hindi ko ininda ang sakit ng katawan. Agad akong tumayo mula sa sahig at mabilis na tumaas at lumabas ng basement.

Madilim ang buong kabahayan. Madilim rin sa labas, ibig sabihin gabi pa. Napunta ako sa kusina, naghanap ng maaari kong ipantanggol sa sarili ko. Isang patalim ang nakuha ko.

Dahan-dahan akong lumabas mula sa kusina. Hinanap ko ang main door. Bubuksan ko na sana pero isang tusok ng karayom ang naramdaman ko sa leeg ko.

ABDUCTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon