Dumiretso kami sa police station para ireport lahat nang nangyari. Maliban sa parteng evil spirit na ang nasa katawan ni papa. Mabilis na gumalaw ang kapulisan. Para puntahan ang isla.
Tinawagan din nila ang mga parents namin. Umiiyak na nagyakapan si Shane at ang magulang niya ng dumating ang mga 'to. Maging si Sandy at ang magulang niya. Maging si kuya Miguel at ang magulang niya. Ako?
Tinawagan naman si mama, kaso nasa america siya. Baka makalawa pa ang dating niya. Nakangiti akong nakatingin kina Shane. Nang mapatingin siya sa 'kin. Hinila niya ang parents para mapalapit sa 'kin.
"Dad, mom. Si Chase, siya ang tumulong at nagligtas sa 'kin." sabi niya.
"Iho, maraming salamat. Alam naming hindi sapat na magpasalamat kami sa 'yo. Hilingin mo kung anong gusto mo. Ibibigay namin. Utang namin sa 'yo ang buhay ng anak namin." sabi ng daddy niya.
"Naku! Hindi po. Hindi po ako naghihintay ng kapalit. Ginawa ko po lahat 'yon. D-dahil, dahil..." nauutal kong sabi.
"Dahil?" tanong ng mommy niya.
"Mahal ko po si Shane!" sabi ko sabay yuko. Natawa ang daddy niya.
"Ano pa bang masasabi ko? Bueno, gusto kitang makilala ng lubusan at ang pamilya mo, syempre." sabi ng daddy niya.
"Dad... Ahm may kailangan kayong malaman." sabi ni Shane.
"Ano?" sabi nito sabay palitan kaming tinignan ni Shane.
"Patay na pong tatay ko. At s-siya po ang k-kumuha kay Shane." sabi ko.
"Ano!" sabay na sigaw ng daddy at mommy niya. At inilayo siya ng bahagya sa 'kin.
"Dad, mom. Walang kasalanan si Chase. Hindi niya alam at hindi niya ginusto ang lahat. Siya ang nagligtas sa 'kin..." umiiyak na sabi ni Shane.
"P-pero. Honey, tatay niya ang kumuha sa 'yo!" sabi ng mommy niya.
"Pero. Dad, mom, siya ang nagligtas sa 'kin. Huwag niyo siyang palayuin kasi mahal ko din siya." umiiyak pa ring sabi ni Shane.
Lumundag ang puso ko sa narinig. Napatingin ako sa kanya. Kumawala siya sa parents niya at lumapit sa 'kin. Hinawakan ang kamay ko. Umiiyak na humarap sa mga parents niya.
"Hindi niyo alam kung anong pinagdaanan namin sa isla. At sa lahat ng oras, hindi niya ako pinabayaan. Masakit din sa kanya ang nangyari. Papa niya 'yon. Kahit anong sama nito. Ama niya pa rin 'yon eh. Pero ako ang pinili niya. You should be grateful dahil buhay ako at dahil 'yon sa kanya." sabi niya.
Masuyo kong hinigpitan ang kapit sa kamay niya. Kung hindi siya ang unang bibitaw, lalo naman ako. Siya na lang ang 'mayron ako ngayon. Kung paglalayuin kami. Para na rin nilang sinabing huwag akong huminga.
"Tama! Tama po lahat ng sinabi ni Shane, tito, tita. At saksi po ako para patunayan kong gaano kahalaga si Shane kay Chase. Buhay niya itataya niya para sa anak niyo." sabi ni Sandy. Magkahawak kamay sila ni kuya Miguel.
"Ahm, si Miguel po. Mamahalin ko." pakilala niya sa mga parents ni Shane at kuya Miguel. Nagkatinginan ang parents ni Shane. Tumingin sa 'min at tumango.
"Bueno, ano pang magagawa namin. I entrust my daughter to you. Patunayan mong mali ako." nakangiting sabi ng daddy ni Shane sa 'kin. Inilahad ang palad.....
"Opo! Makakaasa po kayo!" sabi ko sabay abot sa palad nito at nag-shake hands kami.
"Dad, mom. Thank you!" sabi ni Shane sabay yakap sa kanila.
BINABASA MO ANG
ABDUCTION
Mystery / Thriller(Warning: Violent content) Si Shane, isang rebellious kid. Akala niya iikot lang ang mundo niya sa puro pasarap sa buhay, barkada at gimik. Pero isang gabi nagbago ang mundo niya. Nakaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. Dahil nag-iis...