Chapter Seven

219 69 5
                                    

Maraming tanong sa isip ko, na alam kong hindi ko mahahanapan ng kasagutan. Tanging si papa lang ang makakasagot sa lahat ng tanong ko. Maraming bakit, sino o ano? Nakakabaliw!

Una na roon ang... "Bakit nakakulong si Shane sa basement? Bakit siya 'andito sa rest house namin? Sinong nagdala at nagkulong sa kanya dito?"

"Aaaaahhh!" impit akong napasigaw habang nakasubsob ang mukha sa unan.

"Aaaaahhh!" rinig kong sigaw na sumabay sa pagsigaw ko.

Tumigil ako sa pagsigaw at iniangat ang mukha ko mula sa unan. Patuloy ang pagsigaw ni Shane. Mabilis akong bumangon at patakbong pumunta sa kabilang kwarto kung saan ko siya pinatulog.

Binuksan ko ang ilaw at dali-daling lumapit sa kamang hinihigaan niya. Patuloy siya sa pagsigaw, pero nananatiling nakapikit ang mga mata niyang may luha.

"Shane!" malakas na sabi ko sabay yugyog sa mga balikat niya. Pero patuloy siya sa pagsigaw.

"Shane, gumising ka. Nananaginip ka!" malakas na sigaw ko sabay tapik sa mga pisngi niya.

"Aaaaahhh!" sigaw pa rin niya nang magising. Napa-upo siya at humagulgol. Agad naman ko siyang niyakap para pakalmahin. Ramdam ko ang panginginig ng buo niyang katawan.

"Nananaginip ka lang." bulong ko sa kanya.

"H-hindi, hindi. T-totoo sila." umiiyak na sabi niya.

"Shane, you're just having a nightmare. Binabangungot ka lang." sabi ko.

"Hindi... Totoo sila, Chase. Maniwala ka." malakas na sabi niya sabay tulak sa akin.

"Shane." nalilitong sabi ko.

"A-akala ko tatlo lang sila. P-pero marami sila. Hindi ko mabilang, parang ten o twelve?" umiiyak na sabi niya.

"A-ano?" nalilito talagang tanong ko. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.

"Hindi ako baliw, Chase. Totoo ang mga sinasabi ko." malakas na sabi niya sabay punas ng mga luha.

"Hindi ko iniisip na ganyan ka. Hindi ko lang maintindihan ang mga sinasabi mo." sabi ko.

"Magmula ng magising ako sa basement. Nagpakita na sila. Humihingi sila ng tulong para mahanap ko ang mga katawan nila." sabi niya.

"S-sinong sila?" tanong ko.

"Mga babaeng katulad ko. Kinidnap, pinatay pagkatapos pagsamantalahan. Walang awa silang pinatay pagkatapos babuyin. Chase, kaya nga kailangan kong makaalis dito para hindi ako matulad sa kanila." umiiyak na sabi niya.

"S-saan sila nagpapakita sa 'yo." tanong ko.

"Kung 'san sila pinatay, Chase." sabi niya.

Para akong nabingi sa mga narinig ko. Wala akong masabi kundi ang titigan siya ng marahan. Pilit kong inintindi bawat salitang lumabas sa bibig niya.

"Hindi ka naniniwala sa 'kin?" umiiyak pa ring tanong niya.

"H-hindi ko alam, Shane." sabi ko.

"Halika." sabi niya sabay tayo. Hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto. Pinigilan ko ang kilig dahil mas nanaig sa akin ang kuryosidad sa ipapakita niya.

Bumaba kami sa hagdan papunta sa pintuan ng basement. Nakabukas pa rin ito dahil nakalimutan na namin kanina. Dire-diretsong bumaba si Shane dahilan para bitawan ang kamay ko. Lumuhod sa harap ng puting tela na may nakabalot na ano.

"Chase, huwag kang mabibigla ha." sabi niya na nagpakunot-noo sa akin.

Tinitigan ko ang puting tela ng dahan-dahan niyang alisin sa pagkakabalot nito. Nanlaki ang ulo at mata ko sa nakita. Isang putol-putol na katawan pero walang ulo. Bumaligtad ang sikmura ko sa nakita. At nagsuka ako sa gilid.

ABDUCTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon