Sanggol pa lang ako ng ampunin ako ng mayamang mag-asawa na hindi magka-anak. Lumaki ako sa luho at nakukuha lahat ng bagay. Pero lumaki ako sa tinatawag kong lola.
Pakiramdam ko palaging may kulang sa buhay ko. Kahit punung-puno ako ng mga materyal na bagay. Pakiramdam ko kulang ang pagkatao ko.
Nang mag-fifteen ako. Inisip kong tanungin ang mga umampon sa 'kin, kung pwede kong makilala ang tunay kong mga magulang. Dahil pakiramdam ko sila lamang ang bubuo sa 'kin.
Nagalit sila. Bakit kailangan ko pa raw silang makilala? Bakit kailangan ko pa raw silang hanapin? Ano pa daw ang kulang? Ibinibigay naman daw nila lahat ng kailangan ko o maski ang hindi ko hinihingi.
Gusto ko lang silang makilala. Hindi ibig sabihin sasama ako sa kanila. Hindi ko rin naman maiiwan ang mga taong nagpalaki at nagpahalaga sa 'kin.
Gusto ko lang silang makilala. Dahil kapag nangyari 'yon baka sakali, mabuo ang malaking kulang sa pagkatao ko at malaman ko ang tunay kong pagkatao.
Hindi sila pumayag. Dahilan para magrebelde ako. Maliit man na dahilan para sa kanila. Malaking rason naman para sa 'kin para alamin kung bakit ako nasa isang bahay ampunan.
Lingid sa kanilang kaalaman. Lihim akong gumawa ng sarili kong imbestigasyon para alamin kung nasaan ang tunay kong mga magulang.
Sa kahabaan ng paraan, may nakilala akong mga kabataang katulad ko. Kapos man sa pagkalinga at pangangalaga ng mga magulang. Lumaki naman sa mararangya at maluluhong bagay.
Barkada! Kaibigan? Hindi ko alam pero sila ang nagturo sa 'kin ng mga bagay na makapagpapalimot sa bagay na bumabagabag sa puso at isip ko. Pero sila rin ang tumutulong sa 'kin sa paghahanap sa mga magulang ko.
Nagpunta kami sa iba't-ibang bahay ampunan. Hanggang isang impormasyon ang nakapagpalaglag ng balikat ko. Ang bahay ampunan kung saan ako nanggaling ay matagal ng wala.
Ayon sa isang madre na naka-usap namin. Fifteen years na ang nakararaan nang isang lindol ang sumira sa buong lungsod kung saan nakatayo ang bahay ampunang pinagmulan ko.
Kung saan naninilbihan bilang mga katulong ang tunay kong mga magulang. Lalong gumuho ang mundo ko. Lalong nawasak ang pagkatao ko. Wala na ang mga taong hinahanap ko.
Dahil sa matinding lungkot, tanging barkada ang natakbuhan ko para makalimot. At sa tulong ng ipinagbabawal na gamot pansamantalang nakalimutan ko ang lahat.
Pero hindi ko lubos na nakalimutan dahil pilit na nagsusumiksik sa akin. Kailangan kong makita, kahit ang lugar lang ng dating bahay ampunan. Kahit kaunting alala lang.
Sa kadiliman ng gabi, nagpunta kami sa bahay ampunang matagal ko ng gustong makita. Wala na ang gusali, wala ni anumang bakas na may dating gusaling nakatayo dito.
Ang lugar ay napapalibutan na ng mga puno at naglalakihang talahib. Mistulang gubat na napabayaan sa paglipas ng panahon. Isang lugar na nakakakilabot.
Dahil sa kadiliman ng gabi. Malakas ang hampas ng malamig na hangin na may kasamang mahinang patak ng ulan o ambon. At maririnig ang panaghoy at iyakan ng mga kaluluwang hindi matahimik.
Dahil sa takot, nagkakahiwa-hiwalay kami ng magtakbuhan. At ngayon nag-iisa na lang ako. Nang makarinig ako ng isang 'whistle'. Isang tao ang kumakanta sa paraan ng pagsipol.
Nakadagdag ng takot ko, nang isang napakalungkot na 'Old MacDonald had a farm' ang isinisipol nito. Pambata man pero nakakakilabot ang paraan ng pagsipol nito.
BINABASA MO ANG
ABDUCTION
Mystery / Thriller(Warning: Violent content) Si Shane, isang rebellious kid. Akala niya iikot lang ang mundo niya sa puro pasarap sa buhay, barkada at gimik. Pero isang gabi nagbago ang mundo niya. Nakaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. Dahil nag-iis...