Chapter Four

270 73 2
                                    

Nagising ako na nasa isang malaking bahay. Lumabas ako ng kwarto, bumaba sa hagdan at nakarating sa kusina. May isang babae na marahil nasa late thirties ang edad. Nakatalikod ito.

"Good morning, sweetheart." sabi nito sabay harap at yakap sa akin nang maramdaman ang presensiya ko. Inakay ako nito sa mesa at pina-upo. Bumalik ito sa harap ng kalan at pinagpatuloy ang pagluluto.

"Good mornin', Denise." pormal naman na sabi ng isang lalaki na marahil nasa early forties ang edad. Nakaupo ito at nagbabasa ng newspaper. May kape sa harap nito.

"Sweetheart, anak. Kumain ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo." sabi ng babae sabay lapag ng pagkain sa mesa at hinalikan ako sa ulo.

Sa isang iglap nasa isang bahay na naman ako. Pumasok ako sa loob at naabutang naghahalikan ang isang lalaki na marahil nasa early forties din ang edad at isang babae na marahil nasa early twenties ang edad.

"Good evening, sweetheart." bati ng lalaki nang maramdaman ang presensiya ko. Agad itong lumapit at niyakap ako. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap ng babae.

"Good evenin', Denise." oa na pina-sweet nito ang boses para palabasing magaan ang loob nito sa akin.

"Dad, i need money. My gig ang barkada." sabi ko.

"Alam na ba ng mommy mo? And where will you go this time?" tanong ng lalaki.

"At kailan pa naging concern sa inyo kung anong sasabihin ni mommy o kung saan ako pupunta." pokerface na sabi ko.

"Oh, Denise... sweety. Don't talk to your father like that." oa na sabi ng babae.

"And don't talk to me like that. Ano bang pakialam mo?" marahas na sabi ko babae.

"Denise!" malakas na sigaw ng lalaki.

"Babe, it's ok..." sabi ng babae.

"Bibigyan mo ba ako o aalis na lang ako?" tanong ko sa lalaki sabay talikod at punta sa pintuan para lumabas.

"Sweetheart, wait..." sabi ng lalaki sabay habol sa akin. Inilabas ang wallet at naglabas ng lilibuhin. Nagbilang ng sampu at agad na inilagay sa kamay ko.

"Sweetheart, just be safe ok. Alam mong mahal na mahal ka namin ng mommy mo." sabi nito. Hinalikan ako sa noo at niyakap ako.

'Mahal? Kung mahal ninyo ako, hindi kayo maghihiwalay.' naisip ko.

"Ako si Denise. Mayaman dahil parehong may business ang daddy at mommy ko. Dahil sa trabaho nila, lumaki kami ng kapatid kong lalaki sa mga katulong." sabi ng tinig sa isip ko.

Sa isang iglap, nasa isang sementeryo ako. Nakaluhod sa isang puting lapida. "Siya si Danny, ang kapatid ko. Namatay siya dahil nalunod sa swimming pool namin. Napabayaan ng mga katulong. Nagsisihan ang mga magulang ko hanggang humantong sa paghihiwalay."

"Doon ako nagrebelde. 'Andito ako, buhay pa ako'. Pero parang wala na akong halaga sa kanila. Nagkanya-kanya sila ng buhay. Kinuha ako ni mommy, nangako naman ng pera o sustento si daddy."

"Nakahanap ako ng pamilya sa piling ng mga barkada. Kahit papano napupunan ang kulang sa buhay ko. Masaya ako kapag kasama sila."

Sa isang iglap nasa isang bar ako. May kasamang mga kaibigan at barkada. "Katatapos naming kumanta dahil isa kami sa mga banda na nagpepe-perform dito. Marami-rami na rin kaming na-inom kaya halos lasing na kami.

Nagpaalam ako at lumabas ng bar. Papunta na ako sa sasakyan ko. Pero naramdaman kong masusuka ako. Pumunta ako sa likod ng bar para sana pumasok sa cr, pero hindi na umabot. Nagsuka na ako sa kanal, sa gilid ng daan.

ABDUCTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon