Chapter Eight

204 69 6
                                    

Kinaumagahan, pagkatapos naming mag-almusal ni Shane. Bumaba kami sa basement para hanapin ang ulo ni Cesca at ang iba pang katawan ng mga kaluluwa na humihingi ng tulong sa kanya.

Dahil simula nang makita ko ang bangkay ng katawan ni Cesca, ang bigat na ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko laging may nakatingin sa akin. Pakiramdam ko may kasama kaming hindi nakikita.

Maging sa pagtulog, hindi ako makatulog ng mahimbing. Dahil kahit nakapikit ako ramdam ko ang mga presensiya ng mga kaluluwa o spirits na gumagala sa buong bahay.

"Chase!" tawag sa akin ni Shane. Nakaluhod siya sa harap ng lumang washing machine. Agad naman akong lumapit sa kanya at nag-squat sa tabi niya.

"Parang nabungkal 'yong lupa sa ilalim at may ibinaon." sabi niya sabay turo sa ilalim ng washing machine.

"Oo nga 'no, sandali." sabi ko sabay tayo. Tumayo rin siya at tinulungan akong mai-usod ang washing machine. Sementado ang sahig ng basement pero binungkal ito hanggang lumabas ang lupa.

"Sandali lang, kukuha lang ako panghukay." sabi ko. Tumango siya.

Pumunta ako sa storage o tool room. Naghanap ako ng maliit na pala, nakakita naman ako. 'Yong ginagamit sa pagtatanim. Agad ko 'tong kinuha at mabilis na bumalik sa basement.

"Ako na." sabi ko sabay luhod at dahan-dahan binungkal ang lupa.

"Chase, dahan-dahan lang baka..." sabi niya.

"Ok." sabi ko at lalo kong dinahan-dahan ang pagbubungkal.

Hindi nagtagal, may naaninag akong puting tela. Inalis ko lahat ng lupa na nakapaligid dito ng halos hindi humihinga. Nanginig ako dahil hugis ng isang ulo ang nakabalot sa tela.

"C-cesca." naiiyak na sabi ni Shane.

Lumuhod siya sa tabi ko at dahan-dahang kinuha ang bagay na 'yon. Dahan-dahan din niya itong ibinaba sa harap namin at dahan-dahang inalis ang pagkakabalot ng puting tela dito.

Huli na para ipikit ko ang mga mata ko dahil nasa harap ko ang nawawalang ulo ni Cesca. Nanlaki ang mga mata ko at tumaas lahat ng buhok ko sa katawan dahil sa kilabot.

Bumaliktad ang sikmura ko. Agad akong tumayo at nagsuka sa lababong 'andon. 'Tang 'nang shit, kalalaking kong tao ako pa ang mahina ang sikmura. Nakakahiya kay Shane nito.'

"Chase, ok ka lang ba?" rinig kong tanong ni Shane.

"O-ok lang a-ako." sabi ko sa pagitan ng pagsusuka.

Nailabas ko halos lahat nang kinain ko sa almusal. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang bibig ko. Binuksan ko ang gripo pero mabaho at itim na tubig ang lumabas mula rito kaya isinara ko na lang dahil nasusuka na naman ako.

Huminga muna ako ng malalim bago lumapit kay Shane sa kama. Nakaluhod siyang umiiyak, sa harap ng katawan ni Cesca. Nadala na niya ang ulo at naidikit na 'to sa katawan nito.

"Ako na magsusulat ng pangalan niya sa papel." sabi ko sabay tayo.

Dahil hindi ko matagalang matignan ang kalunos-lunos na 'itsura ng bangkay. Nasa side table lang papel at pansulat. Nang biglang may malamig na hangin ang humampas sa akin.

Nangapal ang buong mukha ko at pakiramdam ko tumayo lahat ng buhok ko sa ulo at katawan. Nang isang puting anyo ang nabuo sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko at napasigaw ako sa takot.

"S-shane, aaaaahhh!" sigaw ko sabay takbo kay Shane.

At kahit nakaluhod siya, niyakap ko siya sa mula sa likod at ibinaon ang ulo ko sa gilid ng leeg niya. Lalo akong napapikit ng maamoy ko ang bango ng buhok niya. "Tang 'na, this!"

ABDUCTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon