Pinagtulungan namin ni Chase na maibaba mula sa attic pababa hanggang basement ang tatlong malalaking maleta. Kung nasaan ang mga bangkay na katawan nina Sandra, Sophia at Stephanie.
Sa basement. "Chase, sige na ako bahala rito." sabi ko.
"Tulungan na kita." sabi niya.
"Ahm, may itinabi kang isang kahon ng mga blue prints?" tanong ko.
Pagkabanggit ko 'non. Bigla siyang tumayo. Bubuksan na sana niya ang isang maleta. Dahil ililipat namin ang mga bangkay sa puting tela at ilalagay sa ilalim ng kama.
"Ahm, ibaba ko lang 'yon. Tapos, babalik din ako dito. Dito ka lang." sabi niya. Napangiti ako.
"San naman kaya ako pupunta?" sabi ko.
"B-basta dito ka lang. Babalik agad ako." sabi niya sabay takbo pataas ng hagdan at labas ng basement.
Napailing-iling na lang ako. Kahit hirap, dahan-dahan at isa-isa kong inilipat mula sa mga maleta ang mga bangkay. Tsaka ko sila masuyong binalot at isa-isang kong pinangalanan.
Pero hindi na sila kasya sa ilalim ng kama. Naisip kong alisin na lang ang kama. Sinubukan kong buhatin pero mabigat. Sinubukan kong hilahin pero hindi ko kaya.
Naisip ko si Chase. Papatulong ako sa kanya. Pagtayo ko para sana puntahan at tawagin si Chase. Nang bigla akong mahilo at mawalan ng malay.
Ako si Tricia. Anak ng mayamang mag-asawang negosyante. Nakukuha lahat ng gustuhin o kahit hindi gustuhin. 'Yan ang pagkakapareho natin, Shane.
Isa rin ako sa mga kabataang uhaw sa pagmamahal ng mga magulang. Kaya sa murang edad, hindi na mabilang ang mga naging boyfriend ko. Pero, sad to say. I'm still a virgin.
Si Jack ang huling boyfriend ko. Bwisit 'yon. Hindi lang two timer. Five timer. Pero minahal ko siya. Pero ginagago niya 'ko. Dahil hindi ko lang maibigay ang gusto niya.
Aalis ang mga magulang ko papuntang Hawaii. Nakiusap na 'ko. Nagmakaawa na 'ko. Halos lumuhod na ako sa mga paanan nila para lang isama ako. Pero ayaw nila.
Gusto ko lang naman makalimot. Gusto ko lang kalimutan si Jack. Pero hindi nila ako isinama. Kaya sumama na lang ako sa mga barkada ko.
Barkadang halos lahat ay uhaw sa pagkalinga, pag-aalaga at pagmamahal ng mga magulang. Nakakalungkot isipin na kami-kami ang nagdadamayan sa tulong ng alak, yosi at drugs.
Barkadang iba-iba ang trip para lang mapalaya ang sakit na kinikimkim. Barkadang halos lumuwa na ang mga tonsils sa katatawa sa mga simpleng biruan para maitago ang lungkot na kinikimkim sa dibdib.
Bangag na naman kami. Lasing sa pinaghalong alak at droga. Nang makarinig kami ng sirena. Sirena ng mobile ng police. Nagising sa katotohanan at nagkanya-kanyang takbo.
May mga nahuli at isa na 'ko 'don. Dinala kami sa presinto. Pinatawagan ang mga magulang namin. At dahil wala ang mga magulang ko na nagpapakasaya sa Hawaii. Wala akong natawagan.
Inihatid ng ibang pulis ang mga kasama ko. May natirang dalawa para magbantay sa akin. Ipinasok ako sa isang kulungan. 'Don daw ako magpapalipas ng gabi.
Hindi ko gusto ang tingin ng may-edad na pulis. Halos hubaran na ako nito kung makatitig. Binulungan nito ang kasama. Sabay silang napangisi nang tumingin sa akin.
Lumapit sila sa rehas. Napaurong naman ako at napasandal sa dingding. Nang ilabas ng may-edad na lalaki ang susi. Sususian na nito ang kulungan ng biglang tumunog ang telepono.
Napamura pa 'to ng tumalikod at sagutin ang telepono. Nanatili namang nakatingin sa 'kin ang kasama nito. "Ano? Saan? Sige, on the way na kami!" malakas na sabi nito at ibinaba ang telepono.
BINABASA MO ANG
ABDUCTION
Mystery / Thriller(Warning: Violent content) Si Shane, isang rebellious kid. Akala niya iikot lang ang mundo niya sa puro pasarap sa buhay, barkada at gimik. Pero isang gabi nagbago ang mundo niya. Nakaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. Dahil nag-iis...