"Aaaaahhh.....!" sigaw ko nang magising. Nangingisay ako dahil ramdam na ramdam ko ang init ng asido at ang sobrang sakit ng buo kong katawan. Para akong binabalatan ng buhay.
"Shane!" umiiyak na sigaw ni Chase. Niyayakap niya ako marahil para pigilan sa pagpupumiglas. Nang mahimasmasan, niyakap ko siya ng mahigpit at napa-iyak.
"Ssshh... Ok lang. 'Andito ako, hindi kita iiwan." sabi niya.
"Bakit 'ganon, sobrang sakit ng pinaggagawa sa kanila." umiiyak na sabi ko.
"Wala na tayong magagawa. Ang maitutulong lang natin ay hanapin ang mga katawan nila." sabi niya.
"Dapat pagbayaran ng kung sinumang hayop na 'yon ang pinaggagagawa niya. Wala siyang karapatan para manakit at bumawi ng buhay. Lalong-lalo nang mga katulad ko." sabi ko.
"Oo, Shane... Gagawin natin ang lahat para mahuli at managot kung sinuman ang gumagawa ng mga karumal-dumal na pagpatay na 'to. Ipinapangako ko sasamahan kita hanggang sa huli." sabi niya.
"Pero sa ngayon kailangan muna nating kumain. Para may lakas tayong hanapin ang dalawang katawan ng mga nagpakita sa 'yo." sabi niya.
"Tatlo sila, Chase." sabi ko. Napatingin siya sa 'kin.
"Tatlo, hindi dalawa... pero dalawang beses ka lang naman..." sabi niya pero pinutol ko.
"Magkapatid ang huling nagparamdam sa 'kin. Si Sandra at Sophia. Magkapareho kung 'pano sila pinatay. Pero 'yong nagparamdam kagabi, hindi ko pa kilala. Hindi siya nagpakilala." sabi ko.
"So, tatlo silang hahanapin natin?" tanong niya.
"Oo. Pero sa tingin ko, hindi naman tayo mahihirapan sa paghahanap. Dahil dito sa loob ng bahay sila nagpakita. Ibig sabihin 'andito sa loob ng bahay ang mga katawan nila." sabi ko.
"Ok. Pero tatlo sila. Baka mahirapan pa din tayo. Kaya kumain muna tayo." sabi niya. Bumaba siya mula sa kama at inilahad ang isang kamay.
"Halika ka na. Baka mamaya may magparamdam ulit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka ako naman ang himatayin. Gutom na kaya 'ko." nagmamakaawang sabi niya.
Napangiti naman ako at tinanggap ang kamay niyang nakalahad. "Halika na nga. Baka mamaya ako pang sisihin mo kapag nahimatay ka. Tsaka, gutom na rin ako." sabi ko.
Bumaba kami hanggang kusina na magkahawak-kamay. Cupped noodles at de lata ang naihanda niya para sana sa breakfast. Kaso almost eleven o'clock na ng umaga.
"Sorry ha, malamig na." sabi niya. Bahagya niyang pinisil ang kamay ko bago bitawan dahil inalis niya ang pagkakatakip ng mga pagkain. Umupo na rin siya.
"Ako nga dapat mag-sorry. Kasalanan ko." sabi ko, nananatiling nakatayo.
"Hindi mo naman kagustuhan ang mga nangyayari. At isa pa, wala ka naman laban kapag nagpaparamdam na sila sa 'yo." sabi niya.
"Ilan pa kaya sila? Ilan pa silang magpaparamdam sa 'kin?" tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa mesa. Nagkatitigan kami.
"Hindi ko rin alam, Shane. K-kung pwede nga lang sana, sa akin na lang sila magparamdam. Para ako nalang ang makaramdam ng sakit na nararamdaman mo sa tuwing nagpaparamdam sila sa 'yo. K-kasi, nasasaktan ako sa tuwing nagpaparamdam sila sa 'yo. Pero wala akong magawa kundi ang panoorin ka lang." naluluhang sabi niya.
"Ok lang, Chase. Ang mahalaga sa 'kin, basta paggising ko mula sa pagpaparamdam. Ikaw ang unang makikita ko. 'Andyan ka palagi para alisin ang takot ko. Ok na ako 'don." naluluha ring sabi ko.
"S-shane." sabi niya at mabilis na nakalapit sa 'kin.
Nanatiling nakahawak ang isang kamay niya sa kamay ko na nasa mesa. Hinaplos ng kabila niyang kamay ang buhok ko pababa sa pisngi ko. Dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha sa 'kin. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
ABDUCTION
Mystery / Thriller(Warning: Violent content) Si Shane, isang rebellious kid. Akala niya iikot lang ang mundo niya sa puro pasarap sa buhay, barkada at gimik. Pero isang gabi nagbago ang mundo niya. Nakaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. Dahil nag-iis...