Chapter Fifteen

187 67 1
                                    

Medyo nakahinga kami ni Chase nang maluwag. Isa na lang ang hahanapin namin. At 'yon ay si Nicole. Nagparamdam na siya sa 'kin 'nong unang araw ko sa isla. Kaya ibig sabihin wala nang magpaparamdam sa 'kin.

Matapos naming maiayos ang labing isang bangkay. Nagpunta kami sa tabing dagat. Kahit mainit ang dampi ng araw sa balat. Ok lang dahil malamig ang hangin na nanggagaling sa dagat.

"Friday na ngayon. Sa Sunday masusundo na tayo ni kuya Miguel." sabi niya pagkaupo namin sa buhanginan. Napatingin ako sa kanya. Buti pa siya alam niya ang mga araw.

"Friday ngayon. Sabado bukas. Ibig sabihin, mag-iisang linggo na ako sa islang 'to. Sabado ng gabi nang magbar kaming magkakaibigan. 'Nong gabi 'ring 'yon nakuha ako nang dumukot sa 'kin." sabi ko.

"Monday nang dumating ako dito sa isla. So, ibig sabihin. May tatlong gabi at dalawang araw ka nang 'andito sa isla bago ako dumating." sabi niya.

"At sa loob ng apat na araw. Nakita natin silang lahat." nakangiting sabi ko.

"S-shane, 'pano ka nakuha ng lalaking sinasabi mo?" biglang tanong niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko at napatingin ako sa kanya. Kung maaari ayaw ko na sanang isipin 'yon. Pinagsisihan ko na 'yon. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan.

"O-ok lang kung ayaw mo pa o hindi ka pa handang magkwen....." aniya na pinutol ko agad.

"May kaya ang pamilya ko. Katulad ng mga babaeng pinatay. Nag-iisang anak kaya lahat nakukuha ko, kahit na anong hilingin o gustuhin ko. Ibinibigay ng mga magulang ko." pag-uumpisa ko tsaka ako tumingin sa malawak na dagat.

"Sumama ang loob ko nang ayaw akong isama ng mga parents ko sa los angeles. May punto naman sila. Final examinations na. Pero, alam mo 'yon. 'Yong hindi makuha ang gusto mo. Ang sakit eh." sabi ko.

"Ang sakit sa ego." sabi niya.

"Siguro, kaya bilang ganti. Nagbar kami ng mga kaibigan ko. Hindi naman sila bad influence. Tapat silang mga kaibigan. Kapag nakaalis tayo dito. Ipapakilala ko sila sa 'yo. Si Samantha, Scarlet at Sandy. Miss ko na nga sila." sabi ko.

"Makikita mo rin sila." sabi niya.

"Pag-aari ng pamilya ni Sandy ang bar. Ang totoo, pinapayagan kami na pumunta 'don para mag-enjoy pero bawal kaming uminom ng alak. Pero dahil sa pagfli-flirt namin sa mga bartender at waiter. Nakakalusot kaming makakuha ng alak." sabi ko.

"Ikaw nagfli-flirt!" medyo galit na sabi niya. Hindi ko siya pinansin.

"Nalasing kami. Sana 'don na lang ako natulog dahil sa taas ng bar, hotel. Pero, inisip ko na kapag hindi ako umuwi at nalaman ng parents ko. Grounded plus no allowance ang bagsak ko." sabi ko.

"Dapat lang naman 'no. Pasaway ka." sabi niya. Hindi ko ulit siya pinansin.

"Lumabas ako ng bar. Kaso walang taxi kaya naglakad ako. Nakatulong 'yon para mawala ang kalasingan ko. Malayo-layo na 'ko ng may marinig akong sumisipol." sabi ko sabay yakap sa sarili ko.

"Nakakatakot at nakakakilabot ang paraan nang pagsipol niya. Isang malungkot at mabagal na kantang pambata. Papalapit nang papalapit sa 'kin." naluluhang sabi ko.

"Shane." masuyong sabi niya sabay hagod sa likod ko.

"Hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Basta bigla na lang may isang kamay na may panyo ang itinakip sa ilong at bibig ko. Hanggang wala na akong maalala." umiiyak na sabi ko.

"Nagising ako, nasa basement na. Nagsisigaw ako. Bumaba 'yong lalaki. Sabi niya hindi na daw ako makakaalis dito. Alam ko may masama siyang balak sa 'kin. Pero, sa tuwing tatangkain niyang galawin ako. Napipigilan siya o may kung anong pumipigil sa kanya."

ABDUCTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon