"Handa ka na ba?" tanong ni Nicole.
"S-san?" nalilitong balik tanong ko sa kanya.
"Ipapakita ko sa 'yo kung anong ginawa sa akin ng hayop na 'yon." sabi ni Nicole.
Napalunok ako ng laway. Handa na nga ba ako na malaman kung 'pano siya namatay? Kakayanin ko ba? Matutulungan ko ba siya? Makakaalis ba ako sa impyernong lugar na 'to? Napabuntong-hininga ako.
Nangako siyang gagawin ang lahat para hindi ako magawan ng masama ng lalaking dumukot at pumatay sa kanya. Tama lamang na tulungan ko rin siya sa abot ng aking makakaya.
"Sige. Kung 'yan ang nais mo. Handa na 'ko." sabi ko.
Mataman niya akong tinitigan. Gumapang ang kilabot sa buo kong pagkatao. Unti-unti siyang lumalapit hanggang maramdaman ko ang sobrang lamig na pumasok sa paa ko pataas sa buo kong katawan.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanghina ako at sa namimigat na mga mata, naaninag kong nag-mistulang puting anyo na naman si Nicole hanggang tuluyan na akong mawalan ng malay.
"Galing ako sa may-kayang pamilya. Nag-iisang anak. Parehong negosyante ang mga magulang ko. Nakukuha ko lahat ng gustuhin ko. Mahilig sa barkada at gimik. 'Yan ang mga pagkakapareho natin, Shane."
Narinig kong sabi ni Nicole. Sa isang iglap, nasa isang malaking bahay ako, sa katauhan ni Nicole. Ako si Nicole ng mga sandaling 'yon. Kasama ko ang mga magulang niya na masayang nagkwe-kwentuhan habang nanonood ng tv.
Isang iglap, nasa isang bar kami. Kasama ko ang mga kaibigan at barkada ni Nicole. Isang iglap, nasa isang beach kami. Nag-iinuman hanggang mag-paalam ako sa katauhan ni Nicole na magsi-cr.
"Habang umiihi ako. Nakarinig ako ng whistle ng isang lalaki. Agad akong ginapangan ng takot sa buong katawan. Kumakanta ito ng isang napakalungkot at nakakapangilabot na 'Old MacDonald had a farm'. At habang tumatagal palakas 'to ng palakas indikasyong palapit din 'to ng palapit sa akin." sabi ni Nicole sa isip ko pero nangyayari sa akin ng mga oras na 'yon. Lahat nang nararamdaman niya ng mga oras na 'yon, nararamdaman ko rin.
"Guys, huwag niyo nga akong lokohin. Humanda kayo paglabas ko dito." nakuha ko pang sabihin, pero patuloy ang pag-whistle ng lalaki at malapit na ito.
Minadali kong mag-ayos. Palabas na ako ng cubicle at pagbukas ko ng pintuan, isang kamay na may panyo ang agad na tumakip sa ilong at bibig ko. Pinilit kong manlaban hanggang manghina ako at mawalan ng malay.
Nagising akong walang damit at may mabigat na nakadagan sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napaiyak dahil ang demonyong lalaking 'yon. Pinagsasamantalahan ako.
Kahit na hinang-hina at napakasakit ng buo kong katawan, pinilit kong manlaban. Sipa, buntal, kalmot at kung anu-ano pa ang ginawa ko para maka-alis sa pagkakadagan niya.
Pero malakas siya. Sinuntok niya ako sa tyan dahilan para halos mawalan ako ng hininga. Tumayo siya at nag-suot ng damit. Mala-demonyong nginisian niya ako at dumura.
"Hayop, demonyo. Papatayin kita." malakas na sigaw ko sabay tayo at pinagsusuntok siya.
Hindi ko na alintana kung wala akong anumang suot. Ang nasa isip ko lamang ay mapatay siya dahil sa kahayupan at kababuyang ginawa niya sa akin.
Malakas niya akong itinulak. Dahilan para tumama ang ulo ko sa gilid ng kama. Matinding sakit at pagkahilo ang bumalot sa akin.
Naramdaman ko ang mainit na bagay na tumulo mula sa noo ko. Pinahid ko 'yon at kahit madilim, alam kong dugo 'yon. At tumawa ito ng isang mala-demonyong tawa, pagkuwa'y tumalikod ito para umalis.
BINABASA MO ANG
ABDUCTION
Mystery / Thriller(Warning: Violent content) Si Shane, isang rebellious kid. Akala niya iikot lang ang mundo niya sa puro pasarap sa buhay, barkada at gimik. Pero isang gabi nagbago ang mundo niya. Nakaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. Dahil nag-iis...