Binuhat ko ang babae, inilabas sa mismong master's bedroom at inihiga sa kama. Hinang-hina ito. Kahit sabihing limang dextrose ang isinaksak dito. Pero kung ilang araw naman ng hindi kumakain. Mabilis naman itong tinabihan ni Shane.
"S-sino siya?" tanong ko.
"Siya si Sandy. Isa sa mga kaibigan." Umiiyak pa ring sabi ni Shane.
"Kukuha lang ako ng tubig." sabi ko.
Agad akong lumabas, bumaba at kumuha ng tubig sa kusina. Pinainom namin siya. Halatang gutom na gutom na 'to. Pero tubig lang muna dahil baka kung anong mangyari sa kanya kapag pinakain namin agad.
"S-salamat." sabi ni Sandy.
"Sandy/Shane." magpanabay na sabi nila sa isa't-isa.
"B-buhay k-ka. H-hinahanap k-ka n-namin. S-sobrang n-nag-a-alala s-sina t-tito at t-tita s-sa i-iyo." sabi ni Sandy.
"Oo, buhay ako. At buhay ka rin. Aalis tayo sa islang tayo. Uuwi tayo, Sandy." sabi ni Shane.
"I-isla?" kunot-noong tanong ni Sandy.
"Nasa isang isla tayo." sagot ni Shane.
"M-magmula ng m-mawala ka. B-binabalikan kita sa b-bar. S-sabi ko baka b-bumalik ka. T-tapos 'nong gabi. N-nagsi-cr ako. M-may narinig akong s-sumisipol..." sabi ni Sandy.
"Sumisipol... Sumisipol ng isang kantang pambata!" biglang sabi ni Shane. Napatingin ako sa kanya.
"Kantang pambata? Anong kantang pambata?" tanong ko. Nag-isip si Shane.
"Malungkot/Mabagal na 'Old MacDonald had a farm." magkapanabay na sabi nilang dalawa.
Napaawang ang labi ko. Kumuyom ang kamao ko. Gusto kong umiyak. Dahil ang kantang binanggit nila ay may kaugnayan kay Charity. Paboritong kanta ni Charity noong bata siya.
"Chase, bakit?" tanong ni Shane nang manahimik ako.
" W-wala. Ahm... Sandy. Anong gusto mong mauna, kumain o maligo?" baling ko kay Sandy.
"Maligo sana..." sabi ni Sandy.
"Sasamahan na kita." sabi ni Shane. Inalalayan namin siyang tumayo. Kaya niya kahit nanghihina.
"Ahm, Shane. Bigyan mo na lang siya ng mga damit." sabi ko nang makapasok na sila sa kwarto ni Charity. Ang kwartong tinutuluyan ni Shane.
"Thank you." sabi ni Shane sabay ngiti.
"Sige. Sumunod na lang kayo sa baba." sabi ko. Tumango silang dalawa.
Nagluto ako ng instant noodles. Naglabas din ako ng de lata at binuksan. Umupo ako at napatunganga. Sa dami ng nangyari at nalaman ko. Ayaw gumana ng utak ko.
Hindi ko alam kung may isang oras 'ata akong nakatunganga. Hanggang bumungad sa kusina si Shane na alalay pa din si Sandy. Agad akong tumayo at hinila ang isang upuan. Habang kumakain kami. Panaka-naka ang sulyap sa akin ni Sandy.
"A-anong pangalan mo?" biglang tanong ni Sandy. Oo nga pala, ni hindi pa kami nagpakilala sa isa't-isa.
"Chase. Chase Ortaleza." sabi ko.
"Ahm, bakit ka 'andito? Bakit kayo magkasama ni Shane?" nakakunot-noong tanong ni Sandy.
"Siya ang nakakita sa 'kin, Sandy." sabi ni Shane.
BINABASA MO ANG
ABDUCTION
Mystery / Thriller(Warning: Violent content) Si Shane, isang rebellious kid. Akala niya iikot lang ang mundo niya sa puro pasarap sa buhay, barkada at gimik. Pero isang gabi nagbago ang mundo niya. Nakaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. Dahil nag-iis...