Chapter Five

241 69 1
                                    

May kaya ang pamilya namin. Wala na akong ama. Ang ina ko naman ay nakapangasawa ulit ng isang mayamang amerikano. Labas masok ito sa America dahil citizen na ito roon.

Dahil na rin sa pambubuyo ng ina ko. Nakapangasawa rin ng isang amerikano ang ate ko. Para raw sa kabutihan namin. Para raw hindi namin maranasan ang maghirap.

Nagkaroon ng dalawang anak ang ina ko at ang asawa nito. Kaya naman halos mawalan na siya ng panahon sa akin. Hindi naman ako naghihingi ng maraming oras. Anak pa rin naman niya ako.

Minsan nai-isip ko na sana siya na lang ang nawala. Hindi rin naman niya maibigay ang pagkalinga ng isang ina na hinahanap-hanap ko. Sana buhay pa ang ama ko. Sobrang bait 'non.

Pumasok man ako o hindi sa eskwelahan. Balewala sa aking ina, dahil ang nasa isip niya ihahanap rin niya ako ng isang amerikano. Sa piling ng mga barkada, alak, sigarilyo at minsan ipinagbabawal na gamot, nagiging masaya ako.

Nakakalimutan ko na nag-iisa ako. Kahit 'andyan ang ina ko, pakiramdam ko nag-iisa ako dahil sa kawalan niya ng oras at pagkalinga sa akin.

Isang gabi, nagkaroon kami ng session ng barkada. Halos lutang na ang pakiramdam ko dahil sa ipinagbabawal na gamot. Gusto ng isa kong barkada na makipag-sex sa akin. Dahil sa asar at inis ko, umalis ako sa lugar na 'yon.

Dahil high ako sa drugs hindi ko napansin na nasa isang liblib na lugar pala kami. Kahit hilo, pinilit kong lumakad para makarating sa highway at makapara ng masasakyan.

Walang pampasaherong sasakyan kaya naman isinisenyas ko ang 'hitch', sa bawat private car na dumadaan. Paisa-isa ang dumadaan at ayaw akong hintuan kahit halos mabunggo na nila ako sa kapapara ko.

Sa likod ko ay may matataas na talahiban. Bigla nag-iba ang pakiramdam ko ng minsang paglingon ko rito. Nakaramdam ako ng kaba. Kaya nagpasya akong maglakad-lakad habang pumapara.

Tahimik ang paligid ng makarinig ako ng tunog, whistle ng isang lalaki. Nadagdagan ng takot ang kaba ko sa katawan. Isa lamang ba itong hallucunation?

Kumakanta ito ng isang napakalungkot at nakakapangilabot na 'Old MacDonald had a farm'. At habang tumatagal palakas 'to ng palakas indikasyong palapit din 'to ng palapit sa akin.

Binilisan ko ang paglalakad na halos tumakbo na ako. Hindi 'to hallucination, dahil naririnig ko rin ang mabigat at mabilis na yabag sa likuran ko. Hinahabol ako ng kung sinuman.

At dahil madilim, hindi ko makita ang daang tinatahak ko nang matalisod ako at madapa. Mabilis akong kumuha ng mga bato at pinagbabato ito sa pinanggalingan ko.

Mabigat ang aking paghinga habang nakikiramdam. Nang walang anu-ano'y isang kamay na may hawak na panyo ang tumakip sa ilong at bibig ko. Nanlaki ang mata ko.

Pinilit kong hindi huminga para hindi pumasok sa akin ang gamot. Inilapit nito ang bibig sa tenga ko at nagsimulang mag-whistle sa tono muli ng 'Old Macdonald  had a farm'.

Dahan-dahan akong kumapa ng bato. Pero nahihirapan na ako. Nang bigla niyang akong sakalin, wala na akong nagawa kundi malanghap ang nakakasulasok na amoy. Hanggang mawalan ako ng malay.

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Babangon sana ako, pero nakatali ang magkabilang kamay ko sa ulunan ng kama at ang dalawang paa ko sa magkabilang gilid ng kama.

ABDUCTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon