Habang binubutasan ni Chase ang isa pang tangke. Masuyo kong ibinalot sa tela ang katawan ni Dianne. Nang isang malakas na hangin ang humampas sa 'kin. Napapikit ako.
"Dianne." bulong ko.
"Salamat, Shane. Hindi mo 'ko binigo." sabi niya sa isip ko.
"Shane." na-inhale ko ang mabangong hininga ni Chase dahil sa lapit ng bibig niya. Agad kong naimulat ang mga mata kong at halos lumabas na ito sa laki dahil sa lapit ng mukha niya sa 'kin.
"Ahm, nagdadasal ka ba?" inosenteng tanong niya.
"H-hindi, kausap ko si Dianne." sabi ko.
"Ahm, ok. Pwede na nating ilabas 'yong isa." sabi niya.
Tumango ako, kinuha ang isang puting tela at sumunod sa kanya. Pinagtulungan naming ilabas ang katawan ni Wendy. Sunog ito pero naaagnas na rin. Dahan-dahan naming inilagay sa telang inilatag ko. Masuyo ko itong binalot.
"S-shane." mahinang sabi ni Chase habang kinakalabit ako. Pag-angat ko ng mukha ko isang puting anyo ang sumasayaw at sumasabay sa hangin.
"Wendy." sabi ko. Nang bigla siyang naging isang sunog na tao. Maitim na tanging pulang mata ang makikita.
"Aaaaahhh." sigaw ni Chase. Nanlaki ang mata ko dahil babagsak siya. Agad ko siyang sinalo, napaupo ako na yakap ang kalahati ng katawan niya. Nahimatay siya sa takot kay Wendy.
"Sorry naman." sabi ni Wendy sa isip ko. At sa isang iglap bumalik siya sa talagang anyo niya bilang isang tao. Napangiti ako.
"Salamat, Shane. Maraming salamat." sabi niya sabay abot ng palad.
Inabot ko ito at nahawakan ko ang malamig kamay niya. Nang mula sa kung saan lumabas din si Dianne sa tunay na anyo niya bilang isang tao.
"Hindi ka namin makakalimutan. Ipagdarasal ka namin lagi." sabi niya.
Hinawakan din niya ang kamay kong hawak ni Wendy. At sa una at huling pagkakataon, nasilayan ko ang magagandang ngiti mula sa mga labi nila. Kasabay ng unti-unti nilang paglaho.
Iniunat ko ang mga paa ko at inayos na inihiga si Chase. Inilagay ko ang ulo niya sa kandungan ko. Naawa ako sa kanya. Hindi siya sanay na nakakakita ng mga multo. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya habang nakatanaw sa dagat.
Magaan sa pakiramdam, bawat bangkay na matagpuan namin. Dahil nakakalaya sila sa impyernong lugar na pinaglagyan sa kanila. Pero ilan pa kaya ang kailangan kong hanapin?
Mahahanap ko ba silang lahat habang 'andito ako? Siguro naman, 'andito si Chase para tulungan ako. Dahil gusto ko bago makaalis sa impyernong islang 'to, mahanap ko lahat ng hihingi ng tulong. Nang mahinang umungol si Chase.
"Asan na? Sinaktan ka ba?" hysterical na sabi niya ng magising.
"Chase, calm down..." sabi ko.
"Tang 'shit, pano ako magka-calm down. Kung anu-anong nakikita ko. Konti na lang, mababaliw na 'ata ako. Baka sa susunod hindi ko na mapigil at maihi ako sa harap mo." malakas na sabi niya.
Ikinulong ko ng dalawang palad ko ang mukha niya. Natigilan siya, namula at matamang napatitig sa akin. Napangiti ako.
"Chase, kahit 'ganon silang nakikita mo. Hindi ka nila sasaktan." sabi ko.
"K-kahit na... A-alam ko... P-pero, nakakabigla kasi..." pautal-utal na sabi niya sabay kawala sa pagkakahawak ko sa mukha niya.
"Masasanay ka rin." sabi ko sabay tayo at kinuha ang tali para itali ang mga puting tela kung saa nakabalot sina Wendy at Dianne para maibaba namin sila sa lupa.
BINABASA MO ANG
ABDUCTION
Mystery / Thriller(Warning: Violent content) Si Shane, isang rebellious kid. Akala niya iikot lang ang mundo niya sa puro pasarap sa buhay, barkada at gimik. Pero isang gabi nagbago ang mundo niya. Nakaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. Dahil nag-iis...