"Aaaaahhh!" sigaw ko nang magising kasabay nang paghaplos ko sa buong katawan. Dahil hanggang ngayon ramdam ko ang init na dulot ng sunog.
"Shane!" sigaw ni Chase sabay yakap sa akin. Napahagulgol ako nang iyak.
"Kanina pa kita ginigising. Binabangungot ka na naman." bulong niya sa 'kin. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Tinitigan ko siya sa mata at marahang umiling.
"Hindi, Chase. Hindi ako binabangungot. May isang kaluluwa na nagpakita o nagparamdam sa 'kin kung anong nangyari sa kanya." umiiyak na sabi ko.
"S-sino?" tanong niya sabay pagpunas ng mga luha ko gamit ang kamay niya.
"Hindi ko pa ki..." sabi ko pero biglang nagdilim ang paligid.
"Chase/Shane!" tawag naman sa pangalan ng isa't isa dahil sa gulat. Mabilis naming nahawakan ang kamay ng bawat isa.
"Dito ka lang. Titignan ko lang 'yong fuse box." sabi ni Chase.
"Oo, sige." sabi ko. Dahan-dahan siyang tumayo at pakapa-kapang lumabas ng bahay.
Paglabas ng bahay ni Chase, agad nanlaki ang mga mata ko dahil isang puting anyo ang lumitaw sa pinto at papalapit sa akin. Kahit madilim malinaw ko itong nakikita dahil sa liwanag na nagmumula dito.
"Shane." masuyong sabi niya sa isip ko.
"I-ikaw... ikaw ang nagparamdam sa 'kin?" tanong ko.
"Oo. Ako si Wendy." sabi niya.
"Magpakita ka." sabi ko.
"Sigurado ka?" tanong niya. Napakunot-noo ako.
"Shane, sigurado ka ba na gusto mo 'kong makita?" tanong ulit niya.
"O-oo." sabi ko.
Kaya't sa isang iglap, mula sa isang puting anyo na nagsasayaw sa hangin. Isang itim na tao na may mapupulang mga mata ang nasa harapan ko. Napapikit ako sa nakita.
"Akala ko ba gusto akong makita?" tanong niya.
"Oo, gusto kitang makita." sabi ko.
"Bakit nakapikit ka? Natatakot ka ba sa 'kin?" sunod-sunod na tanong niya.
"Hindi, hindi ako natatakot sa 'yo, Wendy. Hindi ko lang kayang pagmasdan na ganyan ang ginawa ng hayop na 'yon sa 'yo." naiiyak na sabi ko.
"Matagal ko ng tinanggap ang nangyari sa 'kin, Shane. Isa na lang ang gusto kong mangyari. Ang makita ng pamilya ko ang katawan ko at mai-ayos ako sa tamang lugar." sabi niya.
"Hahanapin ko, pangako." sabi ko.
"Alam kong gagawin mo, kaya nagpapasalamat na 'ko sa 'yo." sabi niya kasabay ng pagkakaroon ng liwanag at paglaho ni Wendy.
"Wendy/Shane!" halos sabay na tawag namin ni Chase.
"W-wendy? Sinong Wendy?" nagtatakang tanong ni Chase.
"Siya ang susunod nating hahanapin, Chase." sabi ko. Marahan siyang napatango.
"First thing in the morning, hahanapin natin siya. Kumain muna tayo para makapagpahinga." sabi niya.
Tumango ako. Kumain kami kung anong pagkain ang naka-stock sa drawer na karamihan ay de lata at instant noodles. Pagkatapos kumain, nagkanya-kanya na kami sa tinutulugan naming mga kwarto. Naglinis muna ako ng katawan bago nahiga. Dahil sa pagod, agad akong hinila ng antok at agad na nakatulog.
May kaya ang pamilya namin. Dahil parehong may negosyo ang mga magulang ko. Nag-iisang akong anak na babae. Nakukuha lahat ng materyal na bagay na magustuhan. At kapag hindi nakuha ang gusto, nagrerebelde.
BINABASA MO ANG
ABDUCTION
Mystery / Thriller(Warning: Violent content) Si Shane, isang rebellious kid. Akala niya iikot lang ang mundo niya sa puro pasarap sa buhay, barkada at gimik. Pero isang gabi nagbago ang mundo niya. Nakaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. Dahil nag-iis...