Chapter Sixteen

181 67 13
                                    

Chase

Umiiyak akong tumakbo at pumasok sa bahay. Nasaktan ako sa sinabi ni Shane. Bakit niya sinabi 'yon. Bakit sa kanya pa mismo nanggaling 'yon? 'Yon ang mas masakit.

Hindi ko ipagkakaila. Unang kita ko pa lang kanya, may kakaiba na akong naramdaman. At lalong lumala 'yon sa bawat araw na magkasama kami. Mahal ko siya. Hindi dahil may hawig sila ni Charity.

Pero papa ko 'yon. Hindi niya magagawa ang mga bagay na 'yon. Kilala ko si papa. "Aaaaahhh" impit na sigaw ko. Pinagsusuntok ko ang unan na yakap ko. Hindi ko na alam ang iisipin. Hanggang makatulog ako.

Nagising ako. Tinignan ko ang orasan. Past eight na ng gabi. Naisip ko si Shane. Napabalikwas ako nang bangon at lumabas sa kwarto. Pumunta sa kwartong tinutuluyan niya. Wala siya 'don.

Halos mahulog ako sa hagdan sa pagmamadaling bumaba. Wala siya sa salas. Pumunta ako sa kusina. Wala rin siya. Lumabas ako ng bahay. Tumakbo ako papunta sa tabing dagat.

Tumakbo ako pababa sa hagdang bato papunta sa tulay. Halos malibot ko na ang buong isla. Naisip kong baka 'andon siya sa isa sa mga kwarto sa taas na hindi ko natignan.

Ang sakit na ng paa ko, ni hindi ako nakapagtsinelas sa pag-aalala sa kanya. Pero tumakbo ulit ako pabalik ng bahay. Tataas na sana ako sa taas nang mapansin kong bukas ang pintuan ng basement.

Bukas ang ilaw. Alam kong 'andon siya. Nagdadalawang isip ako kung baba. Nasaktan ko siya. Marahan kong iniuntog ang ulo ko sa dingding. Umatras ako. Dumiretso sa kusina at nagluto. Peace offering.

Nang matapos, bumaba ako sa basement. Nakaupo siya, nakaharap sa mga bangkay. Tumikhim muna ako at lumunok ng laway. Ang sikip ng dibdib ko.

"Ahm, S-shane." tawag ko. Nagulat pa siya at napatingin sa 'kin.

"A-ano. N-nagluto na 'ko. K-kumain na t-tayo." sabi ko sabay dahan-dahang inilahad ang kamay.

Dahan-dahan siyang tumayo. Dahan-dahan naglakad palapit sa 'kin. Nananatili siyang nakatingin sa 'kin. Napangiti ako ng malapit na siya sa 'kin pero dagli ring nawala nang lampasan niya ako.

At dire-diretso siyang tumaas sa hagdan. Mabilis ko siyang hinabol. Pero dumiretso siya sa salas at tataas na sa hagdan pataas sa ikalawang palapag.

"Shane!" masuyong tawag ko sa kanya. Napahinto siya.

"A-alam ko galit ka o masama ang loob mo sa 'kin. I'm sorry. Sorry kung nasigawan kita. Nabigla lang ako." totoo sa loob na sabi ko. Hindi siya kumibo.

"Please naman oh. Ayaw mo akong kausapin, ok lang. Basta kumain ka lang." tang 'nang shit naiiyak na 'ko.

"Hindi ako gutom." walang emosyong sabi niya.

"Shane, please. Hahanapin pa natin si Nicole bukas. Kailangan mong kumain." nakikiusap na sabi ko.

Humarap siya. Lumakad papunta sa kusina. Kumuha ng plato nagsalin ng pagkain at dire-diretsong tumaas sa hagdan papuntang sa ikalawang palapag ng bahay.

Napaluha ako. Gusto ko siyang sundan. Napa-upo ako sa harap ng mesa. Hindi pwedeng ganito kami. Hahanapin pa namin si Nicole. Isa pa, aalis na kami sa linggo. Hindi pwedeng ganito kami.

Napilitan akong kumain at nag-ayos. Pagtaas ko sumilip ako sa kwarto niya. Tulog na siya. Kalahati ang nakain niya sa itinaas na pagkain. Atleast kumain siya.

Dahan-dahan akong pumasok. Lumapit sa kama at lumuhod. Masuyo kong inalis ang ilang buhok na tumatabing sa mukha niya. Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya gamit ang likod ng daliri ko.

ABDUCTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon