Chase
"Huuwwwaaaag!" sigaw ni Shane na nagpagising sa 'kin.
Agad akong tumayo at mabilis na tumakbo papasok sa dating nursery. Agad na tumaas at kumulo ang dugo ko sa katawan sa nakita. Si papa nakapatong kay Shane.
"Hayop ka!" sigaw ko sabay daluhong kay papa.
Pareho kaming nahulog at bumagsak sa sahig. Ang sakit pero pinilit kong pumatong sa kanya. Namimilipit din siya sa sakit. Inipon ko lahat ng lakas ko at pinagsusuntok siya nang maka-upo ako sa tyan niya.
"Bakit? Bakit? Bakit?" malakas at paulit-ulit kong sigaw sa kanya.
"Chase!" malakas na sigaw ni Shane.
Napatingin ako sa kanya. Naka-upo na siya sa kama. Punit ang suot na t-shirt. Umiiyak, takot na takot. Nanginginig ang mga kamay na hawak ang baril at nakaturo ito sa amin ni papa.
"Shane." bulong ko na siyang pagkakamali ko.
Dahil sa isang iglap si papa na ang naka-upo sa tyan ko. Mabilis nitong napagpalit ang pwesto namin. Isang malakas na suntok sa mukha ang nakuha ko. Mahilo-hilo ako. Tsaka nito ako sinakal ng mahigpit.
"Pakialamero ka! Papatayin kita!" sigaw niya. Hindi na nga siya ang ama ko dahil ang tingin ko sa kanya isa ng demonyo.
"Chase!" muling sigaw ni Shane.
"I-i-pu-tok-mo-na!" sabi ko pero hindi ko mailakas dahil nawawalan na ako ng hangin.
"H-hindi, hindi ko k-kaya..." nanghihinang sabi ni Shane.
"Hindi niya kaya kasi ako ang papa mo." sigaw ni papa na patuloy ang pagsakal sa 'kin.
Hawak ng dalawang kamay ko ang dalawang kamay niya na nalagay sa leeg ko. Pilit kong inaalis. Nakatingin ako sa nanlilisik at galit na galit niyang mga mata.
"Pero ako kaya ko!" malakas na sigaw ni kuya Miguel.
Binaril niya si papa. Napahiga ito. Tinamaan ito sa tagiliran ng tyan. Alam ko sinadya niya 'yon. Dahil hindi rin niya magawang patayin si papa. Malapit rin siya dito.
Agad akong tumayo at sumampa sa kama. Umiiyak na niyakap ko Shane ng mahigpit. Yumakap naman siya ng mahigpit sa 'kin.
Nakita kong nilapitan ni kuya Miguel si Sandy at ginising 'to. Mabilis niyang kinuha ang panyo sa likurang bahagi ng pantalon at agad na itinali sa binti ni Sandy na nagdudugo. Pagkuwa'y tumayo at inalalayan si Sandy na tumayo.
"Chase, kailangan nating madala dito sa loob ng bilog si tito Charles." malakas na sabi kuya Miguel sabay hila sa mga paa ni papa.
Tumayo ako at bumaba sa kama. Pinagtulungan naming hilahin si papa sa loob ng bilog na napapalibutan ng asin. Nang maihiga namin siya. Nilagyan namin ng asin ang lugar na nadaanan ng katawan ni papa.
"Palibutan natin ang bilog. Pero huwag kayong papasok sa loob at huwag niyong tatapakan ang linya!" sabi ni kuya Miguel.
Ginawa namin ang sinabi niya. Tapos pumikit siya. Ilang sandali lang, may ibinubulong na siya. Palakas nang palakas. Hindi maintindihang lengguwahe. Nagkakatinginan kaming tatlo nina Shane at Sandy.
"Hahaha... Akala niyo kaya niyo 'ko." malakas na sabi ni papa. Nagpatay-sindi ang ilaw.
"Chase!" sigaw ni Shane. Natumba siya dahil hinihila siya ni papa sa loob ng bilog.
BINABASA MO ANG
ABDUCTION
Mystery / Thriller(Warning: Violent content) Si Shane, isang rebellious kid. Akala niya iikot lang ang mundo niya sa puro pasarap sa buhay, barkada at gimik. Pero isang gabi nagbago ang mundo niya. Nakaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. Dahil nag-iis...