Nagising ako sa isang tahimik, malamig, may kakaibang amoy at madilim na lugar. Napakasakit ng ulo ko. Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan. Wala naman kakaiba, maliban sa parang puputok na ulo ko.
Marahan kong kinapa ang pinagtulugan ko. Isa itong kama. 'Nasaan ako?' Pinilit kong tumayo kahit na unti-unting binabalot nang kaba ang buo kong pagkatao. Bumaba ako sa kama.
Sinanay ko ang mga mata ko sa dilim. Dahil wala akong maaninag na munting liwanag. Pilit kong inaalala ang mga pangyayari at napamura ako nang maalala ito.
'Nasaan ako?' ulit na tanong ko sa sarili ko. Tuluyan na akong binalot nang takot. 'Lord God. Daddy, mommy. Help me.' tanging naibulong ko at nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko.
"Tulungan niyo ako!" sigaw ko. Napaupo ako at nagsumiksik sa gilid ng kama habang paulit-ulit na sumisigaw.
May narinig akong kalabog mula sa taas. 'What? Nasa isang basement ako.' naisip ko. May mabilis at mabigat na yabag akong narinig. At may nagbukas ng pintuan. Agad akong tumayo at mabilis na pinunasan ang mga luha ko.
Nakita ko ang liwanag na nagmula sa itaas ng hagdan. Medyo malayo ako ng kaunti 'don. At nakita ko ang mga paang pababa. Binuksan niya ang ilaw sa gilid ng hagdan.
Bumaha ang liwanag sa buong lugar. Instinct na naitakip ko ang kamay ko sa biglang pagliwanag dahil nasilaw ako. Nang masanay ang mata ko saka tumambad sa akin ang isang may edad na lalaki.
Nasa forty ito pataas. Marahil matanda lamang kay daddy ng ilang taon. Hindi payat, hindi din mataba. Parang isang militar kung makatayo. Mukha naman siyang kagalang-galang.
Pero agad akong kinilabutan sa paraan nang pagngisi niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik. Napakunot noo siya at nawala ang pagngisi nang magtagal ang paningin niya sa mukha ko. Bahagya niyang ipinilig ang ulo.
"S-sino kayo? Nasaan ako? P-pakawalan niyo 'ko?" sunod-sunod na tanong ko.
"Hahaha, nagbibiro ka ba?" matigas na sabi niya kasabay nang isang malademonyong tawa.
"Sino ba kayo? A-anong kailangan niyo sa akin?" tanong ko at nagsimula na naman akong umiyak.
"T-tumahimik ka!" malakas na sigaw niya. Naweywang siya at yumuko.
Napatingin ako sa hagdan. Nakabukas pa ang pintuan sa taas. 'Kailangan kong subukan.' Mabilis akong tumakbo, nilagpasan ko siya at agad na tumaas ng hagdan.
Nabigla siya kaya hindi agad nakakilos. Pero palabas na ako ng pintuan nang hilahin niya ang isang paa ko, napasigaw ako at padapang bumagsak . Nang makataas siya, sinabunutan niya ang buhok ko sa likod at pilit akong hinihila pababa.
Kumapit ako sa hawakan ng hagdan pero malakas siya kaya sa paisa-isang hakbang ay nagawa niya akong maibaba. Patuloy ako sa pagsigaw, takot na takot na ako. Ibinalibag niya ako pabalik sa kama.
"Anong akala mo ganoon ka lang kadaling makatakas. Hindi ka na makakaalis dito." sigaw niya.
"Parang awa niyo na. Pakawalan niyo na ako. Anong bang kailangan niyo? Pera? Ibibigay 'yan ng mga magulang ko kahit magkano. Pwede natin silang tawagan." humahagulgol na sabi ko.
"Hindi ko kailangan ang pera mo. At isa pa, huwag ka nang magtangkang tumakas. Kahit marunong kang lumangoy, hindi mo kakayanin ang 100,000 kilometrong dagat papunta sa kabilang isla." matigas na sabi niya.
"Sino ba kayo? Bakit niyo ginagawa sa akin 'to? Anong kasalanan ko sa inyo?" sigaw ko habang umiiyak.
"Kung ako sa 'yo. Titigil ako sa kasisigaw dahil kahit maubos lahat nang lakas mo, walang makakarinig sa 'yo." matigas na sabi niya sabay talikod.
BINABASA MO ANG
ABDUCTION
Mystery / Thriller(Warning: Violent content) Si Shane, isang rebellious kid. Akala niya iikot lang ang mundo niya sa puro pasarap sa buhay, barkada at gimik. Pero isang gabi nagbago ang mundo niya. Nakaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. Dahil nag-iis...