Chase Ortaleza
"Sino ka?" malakas na tanong ko sa babaeng nasa ibaba ng basement.
Akala ko, guni-guni lang ang narinig kong sigaw nang maalimpungatan ako sa pagkakatulog. Ipinikit kong muli ang mga mata ko at nakatulog ulit. Nang may marinig ulit akong sigaw ng babae.
Agad akong bumangon at bumaba sa salas. Pinakiramdaman ko kung 'san nanggagaling ang sigaw. Sa basement, pero naka-padlock. 'Shit, nasaan ang susi nito. Minumulto ba ako?'
Pumunta ako sa kusina, diretso sa ilalim ng lababo. Alam kong dito inilalagay ni papa ang mga tools niya. Mabilis kong binuksan ang drawer at kinuha ang martilyo.
Agad ko namang nabuksan ang pintuan ng basement at laking gulat ko ng tumambad sa akin ang isang dalaga na may hinihilang kung ano. Nakayuko ito at tinatakpan ang mukha.
"S-sino ka?" malumanay kong tanong habang unti-unting bumababa ng hagdan. Pero nanatili lang itong nakatungo pagkaraang ibaba ang kamay na ipinantakip sa mukha.
"Miss, sino ka? A-anong ginagawa mo dito?" malumanay ulit na tanong ko. Nakababa na ako sa basement at dahan-dahan lumalapit sa babae. Ayaw ko siyang takutin.
Hahawakan ko na sana siya sa balikat ng bigla niya akong itulak. Hindi naman kalakasan, siguro dahil mahina siya o nanghihina pero dahil sa gulat napa-upo ako.
At singbilis ng kidlat na tumakbo ito pataas ng hagdan. Agad naman akong tumayo at dinalawang hakbang ang baitang ng hagdan at pilit na hinabol ang babae.
"Miss, sandali." sigaw ko. Pero para itong walang narinig. Agad itong nakalabas ng bahay at dire-diretso sa pampang.
"Asan, asan ang bangka?" paulit-ulit na sabi nito habang naglalakad paroo't parito.
"Miss, sandali lang." hinihingal na sabi ko ng malapit na ako sa kanya.
Pero tumakbo ulit ito pabalik. Hinabol ko ulit siya. Dumiretso ka likod ng bahay, pababa sa hagdang bato papunta sa kahoy na tulay. Napaluhod ito at napahagulgol.
"Miss." shit, hingal na hingal na ako. Dahan-dahan itong tumayo.
"Miss, sandali. Pwede ba?" sabi ko sabay yuko at hawak sa mga tuhod ko.
Pero bigla ulit niya akong itinulak at tumakbo na naman pabalik. 'Bingi ba 'to.' Pero pilit ko pa rin siyang hinabol. Bumalik siya sa dalampasigan.
"Aaaaaaahhh." sigaw nito sabay luhod sa buhanginan.
Nakaramdam ako ng awa kaya naman mabilis ko siyang niyakap sa likuran. Iba na ang amoy niya. Nagpumiglas siya pero hindi ko pinakawalan.
"Miss, hindi kita sasaktan. Magtiwala ka sa akin." malakas na sabi ko.
"Bitiwan mo 'ko." sigaw niya.
"Hindi kita bibitiwan hangga't hindi ka tumitigil. Wala akong gagawing masama sa 'yo." sigaw ko rin.
"Bitiwan mo 'ko. Kailangan kong makaalis dito." sigaw niya.
"Pinapagod mo lang ang sarili mo. Dahil kahit libutin mo ang buong isla, hindi ka makakaalis dito dahil walang masasakyan. Inuubos mo lang ang lakas mo." malakas na sigaw ko.
Naramdaman ko ang pagsuko niya. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa braso ko na nakayakap sa kanya. At muling humagulgol. 'Shit, bakit kumikirot ang dibdib ko ng ganito.'
"Akala ko makakaalis na 'ko dito." mahinang sabi nito sa pagitan nang pag-hikbi.
"Maiaalis kita dito. Magtiwala ka lang sa akin." bulong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon. Siguro para kunin ang tiwala niya.
BINABASA MO ANG
ABDUCTION
Mystery / Thriller(Warning: Violent content) Si Shane, isang rebellious kid. Akala niya iikot lang ang mundo niya sa puro pasarap sa buhay, barkada at gimik. Pero isang gabi nagbago ang mundo niya. Nakaramdam siya ng matinding takot sa buong buhay niya. Dahil nag-iis...