Chapter Eighteen

167 65 9
                                    

"Bang!" tunog ng baril.

Nagsigawan sina Sandy at Shane sabay punta sa likod ko. Nanlaki naman ang mga mata kong napatitig kay kuya Miguel. Nanlalaki rin ang mga mata niya sabay agos ng dugo mula sa kaliwang balikat. Tsaka siya bumagsak sa sahig nang padapa.

Sa diretsong tingin ko tumambad sa akin ang mukhang matagal ko nang hinahanap. Ang taong pinagkakautangan ko ng buhay. Ang taong ayaw kong paniwalaang makakagawa ng ganito. Kusang tumulo ang mga luha ko.

"Pa." tanging nasabi ko.

Nakatutok sa 'kin ang umaasok pang baril. Nasa harap ko siya at napagtanto kong totoo ang lahat ng mga hinala ko at ni Shane. Siya nga ang may kagagawan ng lahat.

"Ibigay mo siya sa 'kin." mariin at matigas na sabi niya sabay turo ng baril kay Shane.

"Hindi." umiiyak na sabi ko.

"Ibigay mo siya sa 'kin. Umalis ka sa islang 'to. Kung ayaw mong masaktan." sigaw niya. Hindi ako nagpatinag.

"Hindi ko siya ibibigay sa 'yo, papa. Tama na." sigaw ko rin.

"Hayop ka! Ikaw ang kumidnap sa 'kin!" ng biglang sigaw ni Sandy.

Hindi agad ako nakakilos ng sugurin niya si papa. Pero isang malakas na sampal ang ibinigay ni papa dito. Dahilan para bumagsak ito kay kuya Miguel.

"Sandy!" sigaw ni Shane. Muli hindi agad ako nakakilos sa bilis ng mga pangyayari nang takbuhin ni Shane si Sandy. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng biglang hiklatin ni papa si Shane at itutok dito ang hawak na baril.

"Huwag!" magkapanabay na sigaw namin ni Sandy.

"Pa, parang awa mo na. Akin na si Shane." umiiyak na sabi ko.

"Hindi. Hindi ko siya ibibigay sa 'yo. Dahil siya ang kukompleto sa ritwal!" malakas na sabi ni papa.

Unti-unti siyang lumalakad patalikod palabas ng nursery. Dahan-dahan naman akong sumusunod sa kanya. Ayaw kong mabigla siya at baka mabaril niya si Shane.

Paglabas sa master's bedroom nanlaki ang mga mata ko at umawang ang labi ko. Nang makita sa liwanag ang kabuuan ng mukha ni papa. May mahaba siyang pilat sa mukha.

Sa paraan ng pag-ngisi niya. Nakakakilabot. Parang hindi na siya ang ama ko. Mukha na siyang demonyo. Nabaling ang tingin ko kay Shane. Tulad ko nakatingin din siya sa 'kin.

Puno ng takot ang lumuluhang mga mata. Lalo akong napa-iyak. Gusto ko siyang hilahin at yakapin. Ikulong siya sa mga bisig ko para hindi siya masaktan.

"Pa, ibigay mo sa 'kin si Shane." mahinahong sabi ko. Sabay lahad ng palad.

"Hindi! Hahaha...." malakas na sigaw ni papa. Dumadagundong parang hindi siya.

"Hindi mo rin naman kaya." mahinang sabi ko na nagpatigil sa kanyang tumawa. Napatingin siya sa 'kin.

"Dahil sa tuwing susubukan mo siyang galawin. Napipigilan ka. Dahil mukha ni Charity ang nakikita mo. Dahil nakikita mo si Charity sa kanya." sabi ko.

"Hahaha. Hindi na ngayon. Gusto mo, gawin ko pa sa harap mo." nanlilinsik ang mga matang sabi niya. Kasabay ang paghalik sa leeg ni Shane. Napasigaw si Shane.

ABDUCTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon