Chapter 1

8K 146 19
                                    

Disclaimer: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, transmitted or distributed in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.

PLAGIARISM IS A CRIME!

Ate Lay: Let me remind you all, that this story is my own work. And don't you ever accusing in me of copying if you haven't yet reading the whole story. And don't you ever compare my works to others works because I have my own plot and I have an originality. And I really work hard for this. Thanks :)

Note: I wrote this story when I first started out writing in Wattpad. So please be reminded that some chapters are NOT YET EDITED! So expect grammatical errors, typo graphical errors, wrong spelling and whatsoever errors. But I have other stories you might be interested and read those to see how my writing skills have improved from this story. Thank you!

© LyksMeNot
All rights reserved


-

Chapter 1

Heremia's POV

"Bes naman sumama kana sa'kin. Kahit saglit lang tayo don." Giit ng bestfriend ko.

Inaaya niya kasi ako mag shoping ek ek na yan. Eh ayaw ko naman! Anong gagawin ko dun tutunganga? Wala kaya akong arep.

I don't have enough money to buy those expensive things like bags, clothes and shoes. I'm not like her, she's rich unlike me... isang kahig isang tuka.

"Ayoko nga sabi eh! Wala akong pera! Ang kulit mo naman bes." I answer with my most irritating voice so she would stop. Mas gusto ko pang sa bahay lang ako at mag laro ng barbie.

Barbie

I couldn't help but to feel excited, gusto ko na tuloy umuwi ng bahay at maglaro ng barbie ko!

Yes! Isipin niyo ng isip bata ako pero who cares? Anong masama sa paglalaro ng barbie? Nakaka enjoy kayang bihis bihisan at pagandahin mo sila.

Well, nandito kasi ako ngayon sa kwarto niya nakahiga sa king size bed niya.

Sana all may king size bed 'nu? Sa'kin kasi banig lang, ayos na ako. Makaraos lang ng tulog.

"Ako naman ang sasagot sa lahat eh! Basta samahan mo lang ako may bibilhin lang ako."

"Tsk! Sige na nga. Mabilis lang ha?" Sagot ko, syempre kailangan munang magpakipot ng konti.

"Yehey! Thank you bes!" Napanguso ako ng yakapin niya ako ng mahigit. Ang saya niya pero syempre mas masaya ako kasi paniguradong ili-libre niya na naman ako.

"C-Can't breath." Mahinang giit ko. Hindi niya pa nga ako nili-libre mukhang papatayin niya na ako.

"Oh sorry bes." She giggle.

Pagkatapos niyang magbihis ay agad kaming pumunta ng mall. Katulad nga ng sinabi ko kanina ay ni-libre niya ako ng barbie.

Yes naman may bago na naman akong koleksyon.

Habang nagbabayad ito ay hindi ko mapigilan na magtaka sa kinikilos nito, kumunot ang noo ko ng makita ang mukha nito, pawis na pawis kasi siya at iba't ibang emosyon ang nakikita ko sa kanya. May lungkot, paghihinayang at sakit.

Dahil kaya 'to sa amount ng barbie?

Ang mahal naman kasi eh!

But in my defense, siya kaya ang kumuha ng lahat na 'yun.

"Natatae kaba?" Mahinang tanong ko sa kanya kasi sobrang sama na ng mukha niya.

Baka kasi taeng tae na siya pero pinipigilan niya lang.

"A-Ah ano kaba bes wala to. Wag mo nalang akong pansinin." Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko ng marinig ang boses nito na parang iiyak na.

Hanggang sa makapasok kami sa sasakyan nito at ganun parin ang mukha niya, sobrang tahimik niya. Hindi tuloy ako mapakali kasi hindi ako sanay makita siyang ganito. Nakakapanibago.

"Bes may problema kaba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya. I'm worried!

"H-Ha? Ah e wala. Oo wala!" Umirap ako, wala daw eh. Halata naman na meron.

"Sabihin mo na, matagal na tayong magkaibigan ngayon kapa ba magsisinungaling sa'kin?" Inihinto nito sa gilid ang kanyang sasakyan at bigla niya nalang akong niyakap ng mahigpit, umiyak ito ng umiyak sa balikat ko.

"Ang sakit bes... Ang sakit makita siyang may kasamang ng iba." Pumikit ako ng mariin ng marinig ang sinabi nito, hindi ko alam kung paano siya papatahanin. Seeing her like this makes me hurt, naawa ako sa bestfriend ko. Hanggang ngayon hindi niya parin makalimutan ang gagong ex boyfriend niyang si kyle.

Kaya ayokong mag ka jowa eh.

Bigla ko tuloy naalala ang movie na napanuod ko dati, one of the character said that when a person need comfort, all you need to do is to hug them. So I hug her while caressing her back, I just wanted her to feel that I am here... that I wouldn't leave her, hindi katulad ng ginawa ng tarantadong ex niya sa kanya. Nakakagigil ang lalaking 'yon! Anong karapatan niya para saktan ng ganito ang kaibigan ko?

"Nakita ko siya kanina nung nagbabayad tayo sa cashier... may kahalikan siyang babae. Bes, hindi ko kaya, bakit ang sakit? Bakit ganito?" Tumaas yata ang alta presyon ko ng marinig ko ang kwento nito, tarantado talaga ang lalaking 'yun! Bastosan? Nasa mall tapos may kahalikan? Nakakagigil.

Pagnakita ko talaga ang kyle na 'yun mapapatay ko talaga siya. Bwesit! Wala siyang karapatan na saktan ng ganito ang bestfriend ko!

"Ba't 'di mo manlang sinabi sa'kin?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Edi sana kung sinabi niya nakatikim na ng sapak sa'kin 'yun!

She sighed and then looked at me. "Ayoko ng gulo bes."

Napabuga ako ng hangin. "Tsk, basta wag na wag siyang magkakamali na ipakita ang mukha niya sa akin kun'di mapapatay ko talaga 'yun!"

She laugh to my statement. "Thank you bes dahil nandito ka palagi."

"Wala yun bes basta palagi mo akong bilhan ng barbie ha?" Biro ko dito.

"Oo naman. Ikaw pa." Aba at bumigay din. Perks of being rich.

Pag katapos ng mahabang kadramahan namin ng bestfriend ko hinatid niya ako pauwi ng bahay namin.

Pagdating ko sa bahay as usual nag aaway na naman si mama at papa. Palagi naman eh, kailan ko kaya sila makitang 'di nag aaway? Oras oras siguro nag aaway sila dahil sa pera. Kaya nga dun lang ako tumatambay sa kwarto ko, dun ko lang kasi nararamdaman ang tinatawag nilang peaceful.

Umakyat ako ng kwarto ko tutal wala naman silang pakialam sa akin. Hindi man lang nila inisip ang nararamdaman ko tuwing nag aaway sila. Nang makapasok ako ay agad na bumungad sa'kin ang mga koleksyon kong mga barbie. Kinuha ko sa paper bag ang bago kong barbie at nag laro hanggang sa nakatulog ako.

Itutuloy...

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon