Chapter 23

2K 55 0
                                    

Heremia's POV

"Tulala kana naman diyan!" Sigaw sa akin ni grace. Bwesit talaga tong tomboy nato! Makaalis na nga at nababadtrip lang ako!

Lumabas ako ng room at pumunta sa pinagtatambayan ko dati, sa likod ng ABM building. Sumandal ako sa puno at nag muni muni. Naiinis ako tuwing naaalala ko ang nangyari kahapon! Bwesit na pipe yun. Kainis! Sarap itapon sa ilog. Ganito kasi yun...

*Flashback*

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nag re-review, kasi may long test kami bukas. So kailangan ko talaga mag aral ng mabuti para ma maintain ang grades ko.

"Anak may naghahanap sayo sa baba" sabi ni mama na kakapasok lang sa kwarto ko.

"Ha? Sino naman po? Eh gabi na ah" nakasimangot na sabi ko. Syempre sino ba naman ang aasahan ko na pumunta dito sa bahay? Wala naman, dahil kung si besh yun siguradong didiretso na siya sa kwarto ko.

"Hindi ko kilala anak, basta gwapo siya." Kinikilig na sabi ni mama. Hay si mama talaga feeling bata!

"Ah sige po susunod nalang po ako." sabi ko kay mama bago siya lumabas ng kwarto ko.

Pagbaba ko, nagulat ako dahil si pipe pala ang bwesita ko! Nakaupo siya sa upuan namin na yari sa kahoy. Naka poker face lang siya.

"Ano naman ginagawa mo dito huh?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya

"Well, I'm just visiting my future girlfriend." Nakangising sabi niya sa akin.

Ano daw? Future girlfriend?

"H-uh?"

"Never mind." Sabi niya at tumayo.
"Ang liit ng bahay niyo, parang c.r ko lang 'to" sabi niya bago siya lumabas ng bahay namin.

Ano daw?

Ang liit ng bahay niyo, parang c.r ko lang to

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon