Chapter 5

2.7K 72 2
                                    

Heremia's POV

Nagising ako sa kalabog ng pinto ng kwarto ko.

"Mia! Mia!" Rinig na rinig ko ang sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko, hindi pa ito na kontento sa pagbubulabog sa'kin at kinalampag niya pa ng malakas ang pintuan ko.

Wala akong magawa kundi tumayo habang kusot kusot ko pa ang mata ko. Ano naman bang problema ni mama?

"Bakit ma?" Tanong ko dito ng pagbuksan ko siya ng pintuan, masama ang mukha nito na halatang galit na galit.

"Pautang naman mia. Kahit 500 lang. Ibabayad ko lang kay madring. Naniningil na ang gaga e!" Sabi nito at diretsong pumunta sa bag ko para hanapin ang pitaka ko.

Napailing iling ako. Pera na naman. "Ma, wala po akong pera. Kahit na tignan niyo pa diyan ang pitaka ko."

"Napaka damot mo talagang bata ka! 'Di ka talaga maasahan! Bwesit! Walang kwenta ka!" Sigaw nito at mabilis na umalis ng kwarto ko.

Napapikit ako ng mariin. Anong magagawa ko? E wala talaga akong pera? At kung meron man bakit ipagdadamot ko pa? Hindi naman nila ako binibigyan ng baon.

Tumingin ako sa orasan at napa buntong hininga ako ng makitang 11:30 na ng gabi. Ang haba naman ng tulog ko.

Kinuha ko ang jacket kong itim at cap na barbie, sinuot ko narin ang tsinelas kong barbie.

Lumabas ako sa bahay na ang suot ko ay tanging pajama, t-shirt na white, jacket at naka tsinelas lamang. Nag cap narin ako.

Pumunta ako sa pinag tratrabahuan ko dati, sa isang restaurant. Ang trabaho ko dito dati ay isang waitress. 3 years din ako dito, kaso lang nag leave muna ako dahil kailangan kong asikasuhin ang mga requirements ko sa pagiging scholar sa sion academy.

Pagpasok ko konti lang ang tao dahil hating gabi naman.

"MIA!" Sigaw ng mga kasama ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Hoy! Hindi na maka hinga si mia!" sigaw ni Ken sa mga nakayakap sa akin. Nasa harapan ko kasi siya, nakangiti sa akin.

Bumitaw naman sina Bela, Talyn at Rose sa pag yakap sa'kin. Lumapit naman sa'kin si ken at niyakap din ako ng mahigpit.

"Hoy! Hindi na makahinga si mia oh!" gayang sabi nilang tatlo kay ken at tumawa.

Pina upo nila ako at umupo narin silang apat.

"So kamusta kana mia?" Tanong ni ken sa akin.

"Okay lang naman,"

"So kailan ka babalik dito?" Tanong ni bela sa akin

"Bukas ng gabi."

"So okay na ang requirements mo?" Nakangiting tanong ni talyn.

"Ay hindi pa okay talyn. Kaya nga siya babalik diba?" Sarcastic na sabi nito at inirapan siya.

Ngumisi nalang ako sa pag aasaran nila. Sanay na ako at isa pa namiss ko din sila.

"Shut up! 'Di ikaw kinakausap ko!" Sagot naman ni talyn.

"Pwede bang wag muna kayong mag away ngayon? Kadadating lang ni mia oh." Sabat ni bela sa kanilang dalawa.

"Okay! Sorry naman po!" Sabay na sagot nila na siyang ikinatawa naming lahat.

Npatigil kami sa pagtawa ng biglang tumayo si ken at hinila ako palabas ng Blue magical restaurant. Itong restaurant nato hindi ito yung tipong pang high class na restaurant. 'Yong tama lang. 'Yong kayang ma afford ng mga tao ang price dito.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon