Chapter 27

1.9K 59 1
                                    

Heremia's POV

Yehey! It's sunday kaya wala kaming pasok. Woh makakapag relax din ako dahil walang kaming homework at project.

"Anak nasa baba ang boyfriend mo" sabi ni mama na kakapasok lang sa kwarto ko.

"WHAT?" Gulat na sabi ko. Ano daw? Nasa baba daw si pipe?

"Sige na, mag bihis ka na diyan at may pupuntahan yata kayo eh. " sabi ni mama at umalis.

Wala naman akong magawa kundi maligo at magbihis. Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin bumaba na ako. At tama nga si mama, nasa baba nga si pipe.

"Hi my princess" bati sa akin ni carter ng makababa ako.

"Princess mo mukha mo. Ulol!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Kitang kita ko ang mukha niya naiinis. Ang pula na naman ng mukha niya!

"Ma alis napo kami!" sigaw ko kay mama pano bigla bigla na lang akong hinila ni pipe.

"Ano ba? Saan mo ba ako balak dalhin?"

"Just shut up" naiinis na sabi niya at pinasok ako sa passenger seat. Nakita ko siya na sumakay din sa driver seat.

"Ikaw mag dra-drive?" gulat na tanong ko sa kanya. Panu ngayon ko lang siyang nakita na mag dra-drive.

"Yeah. Problem with that?" Nakasimangot na sabi niya sa akin.

"Akala ko kasi 'di ka marunog mag
drive"

"I know how to drive"

"Eh bakit may driver ka?"

"I have my own driver, I pay his service so he need to serve me." Sabi niya at pinaharurut ang kanyang sport car.

"Waaaahhhh daaahhhaannn dahan nammmaannn pipee" sigaw ko at kumapit sa dash board ng sasakyan niya. Ang bilis kasi ng pag papatakbo niya!

Hindi niya ako pinapakinggan at mas lalo niya pang binilisan ang pagpatakbo ng sasakyan niya. Hindi na ako humihinga, Ang bilis! Nakakatakot! Napapikit nadin ako.

"Hey we're here" rinig kong sabi niya. Kaya dahan dahan ko minulat ang mata ko.

"Wew!" Sabi ko at tinignan kong saan kami. Sa isang pinaka malaking mall pala kami. Sa 'KM'

Bumaba siya na 'di niya man lang ako pinagbuksan ng pinto. So gentledog isn't? Napa iling nalang ako. The way he treat me, parang 'di niya ako girlfriend. Hah. Sunod lang ako ng sunod sa likod niya, ng bigla nalang akong natapilok.

"Aray" bulong ko sa sarili ko at tinignan ang rubber shoes kong barbie na naka nganga na ngayon. Sira na! Kainis!

"Tsk! So stupid" sabi ni pipe at nilapitan ako.

"Wala na akong sapatos na barbie. Sira na!" Iyak ko. Oo totoong umiiyak ako. Sorry kong masyado akong O.A sadyang love ko lang talaga 'tong sapatos ko.

"Aysh so childish" sabi niya na naka kunot ang noo at pinahid ang tumutulo kong luha.

"Wala na, sira na ang s-apatos ko"

"Sshhhhh stop crying. I'll buy you another one."

"Really?" Kumikinang ang mata ko.

"Yeah. Just stop crying my princess" sabi niya at hinalikan ang noo ko.

*Dug* *Dug* *Dug*

   
Napapikit ako. Ito na naman nararamdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Ba't ganun? Tuwing hinahalikan niya ako sa noo at sinasabi ang mga katagang 'di ko inaasahan na manggagaling sa kanya tumitibok ng napakabilis ang puso ko.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon