Chapter 31

2.1K 63 1
                                    

Heremia's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa condominium nila carter. Panu nilalagnat daw siya sabi sa akin kanina ni drake. Napangiti tuloy ako ng maalala ang nangyari kanina.

*Flashback*
   
Nandito ako ngayon sa garden ako lang mag isa dahil si besh nag shooting pa siya. Well, I forgot to tell you na isa siyang commercial model/commercial artist. Pa extra extra nga lang siya dahil ayaw niya talaga na maging sikat na artist dahil alam niya naman na 'di  pang habang buhay ay sisikat ka. Lalaos ka din, ika pa niya. Si keya naman busy sa pag practice ng pageant na gaganapin nitong friday. Siya kasi yung representative sa section namin. And ang partner niya si drake. Si grace naman sinamahan si blake, ewan ko lang kung saan sila pupunta. Kaya ito ako loner.

"Oh mia ba't nagiisa ka?" Tanong sa akin ni drake. Napa kunot naman ang noo ko? Bakit nandito siya? Diba nga may practice sila ni keya?

"May pinuntahan kasi silang lahat. Pero ikaw bakit ka nandito? Diba may practice kayo ngayon?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Ah eh ayoko ng sumali dun! Nakakasuka si keya. Ang panget panget!"

"Wushu ka. Ang ganda ganda kaya ni keya"

"Saan banda? Ang panget panget niya kaya" sabi niya sa akin na naka simangot.

"Bahala ka. Sayang naman kung ganun drake bagay pa naman kayo ni keya eh." Sabi ko sa kanya

"Yak mia! Kadiri ka naman eh, ayoko sa babae na 'yon!"

"Nasa huli ang pagsisisi drake. Bahala ka pag naunahan ka!" Sabi ko sa kanya at tinignan siya sa mata mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon