Chapter 11

2.3K 74 2
                                    

Heremia's POV

Habang naglalakad ako ay hindi ko parin maiwasan isipin kung sino ba ang sm na 'yon. Nagtataka ako kung bakit niya nakuhang lagyan ng sticky note ang locker ko. Ibig sabihin lang nun ay alam nito ang password ko. Tapos alam niya din ang number ko, pero ang tanong saan niya ito nakuha? Si besh lang naman ang nakakaalam ng number ko. Ayaw ko namang maniwala na stalker ko 'yon kasi alam kong walang may nagkakagusto sa'kin. Sa panget ko ba naman.

Umiling iling ako at winakli ang bwesit na kung sino man ang sm na 'yon, may pa mysterious pa siyang nalalaman. As if naman lulutuan ko din siya ng tuyo e hindi ko nga alam kung sino siya!

Speaking of tuyo, nilutuan ko na naman ang tatlong patay gutom kanina. Kahit dun ako natulog kina besh ay talagang maaga akong nagising para lang paghandaan sila, as usual simot na naman ang kanin at kahit ang ulo ng tuyo wala ding natira. Para silang isang linggong hindi nakakakain, tapos sabi pa nga ni blake ay magpapabili daw siya ng isang sakong tuyo para may kunsomo daw siya. Baliw talaga 'yon, patay gutom.

Natawa din ako kasi kahit si besh ay sumabay din sa'min, ang awkward nga lang kasi hindi sila nagpapansinan ni Kyle. Pero sureball talaga ako na inlababo pa sila sa isa't isa, nakailang beses ko kasing nahuhuli ang pagnanakaw tingin ni kyle kay besh. Sana lang talaga maayos na ang relasyon nilang dalawa kasi parang ako ang nahihirapan sa sitwasyon nila eh, alam ko naman may dahilan ang lahat  kaya wish ko talaga magkabalikan na sila para maging masaya naman ulit si besh.

Hindi ko din sinunod ang utos ng nagte-text sa'kin, malay ko ba kung nakahihit ng katol 'yon? At nantri-trip lang? Isip bata lang naman ako pero hindi ako tanga nu.

"Aray..." Napaupo dahil sa biglang pagbangga ko sa isang babae.

Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan ko ng makilala ang mukha nito, si Mrs. Loren! Ang investor at business partner ng may ari ng school ng Sion!

Ba't ang clumsy ko? At talagang sa lahat ng tao siya pa talaga ang nabunggo ko!

Ang tanga tanga ko talaga kahit kailan!

"Oh my, I'm sorry iha. Are you okay?" Inilahad nito ang kamay niyang kulay gatas at sobrang kinis. Nahiya naman ang mukha ko dahil mas makinis pa ang kamay nito sa mukha ko. Ang unfair. Tumingin ako sa mukha niya at sobrang napahanga ako sa gandang taglay niya, kahit nung una ko siyang makita sa stage ay kahit malayo ay napakaganda niya na pero ngayon na magkaharap kami ay mas triple yata ang kagandahan nito.

Sana all clear skin!

Mabilis akong tumayo, hindi tinanggap ang kamay nito. Nakakahiya kasi! Baka mamaya ay madumihan ang kamay niya, mukha pa naman akong germs.

"Ma'am, sorry po 'di ko talaga sinasadya,"

"It's okay, are you okay?" Nag aalalang tanong nito, hindi ko akalain na may asawa na siya. Ang bata niyang tignan, parang dalaga. Kapag siguro kinumpara kami ay mas magmumukha pa akong nanay niya.

Kumunot ang noo ko ng mapansin na titig na titig ito sa leeg ko.

Kitang kita ko ang panginginig ng kamay nito ang mata nito ay nakatuon parin sa leeg ko, "C-Can I see your necklace?" Nanginig ang boses nito na para bang ano mang oras ay maiiyak siya.

Kahit naguguluhan at hindi maintindihan ang pinapakitang ekspresyon nito ay kinuha ko parin ang kwentas na natatabunan ng blouse ko.

"Ito po ma'am."

Nanlaki ang dalawang mata nito at umuwang ang kanyang labi, hindi din nakatakas sa'kin ang pagpatak ng luha niya. Mas lalo akong naguluhan ng bahagya itong mas lumapit pa sa'kin.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon