Chapter 34

2.2K 66 1
                                    

Heremia's POV

Nagising ako ng may mabigat sa loob ko. Hindi ko alam pero parang ayokong pumasok. Tinatamad ako.

"Anak pumasok kana. Baka malate kapa" rinig kong sigaw ni mama. Kaya wala na akong magawa kundi maligo at magbihis.

Paglabas ko ng kwarto ko kumain na ako kasabay sila mama at papa.

"Anak mag iingat ka" sigaw nila sa akin bago ako lumabas sa bahay.

"Sige po ma" sabi ko at naglakad na papuntang sion academy. Pag pasok ko sa sion academy bigla nalang akong kinabahan. Hindi ko nalang 'yon pinansin.

Habang naglalakad ako nakita ko ang mga estudyante na masamang nakatingin sa akin. Pero kakaunti lang sila.

"Kadiri siya"

"Akala mo kung sinong matinong estudyante"

"Slut"

"Nasa loob nga naman ang kulo ng panget na mia na yan"

"Mang aagaw ng boyfriend"

Marami pa akong naririnig na negatibo pero hindi ko nalang 'yon pinansin. Basta ang alam ko sa sarili ko wala akong may inaapakang tao.

Papasok na sana ako sa classroom namin ng biglang may dalawang lalaki na humila sa akin at dinala ako sa gymnasium ng sion academy.

Napakunot ang noo ko ng makita ang maraming estudyante ay nandito. High school, k-12 at college.

"Nandiyan na pala ang hinihintay natin." Rinig kong sabi ng isang babae sa stage. Lahat naman ng estudyante ay tumingin sa akin. Binigyan nila ako ng daan, dahan dahan akong pumasok sa gym.

"Halika dito sa stage mia" sabi pa ng babae. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero umakyat parin ako.

Napalingon kaming lahat sa malaking t.v ng bumukas ito. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nasa larawan, si kyle at ako nasa kama at mukha kaming naghahalikan. At may naka caption din dito.

Heremia Teffiey Alfeche is a slut! Alam niya naman na ang ex boyfriend ng bestfriend niyang si Katelyn Chavez ay si Kyle Lim pero inahas niya ito. MANG-AAGAW! AHAS! FAKE!

"Hindi totoo yan!" sigaw ko at pilit tinatakpan ang malaking t.v. Narinig ko naman ang mga estudyante ng bigla silang umingay, at nagbulungan.

"Kadiri naman siya"

"Napaka landi niya"

"Bitch"

"Slut"

"Ahas"

Napatingin ako kay kate ng bigla siyang umakyat at lumapit sa akin. Napapikit ako ng bigla niya nalang ako sinampal ng malakas. Ang sakit grabe, ito na yata ang pinaka masakit.

"Totoo ba 'yon? Ha mia?" Walang emosyon na sabi nito sa akin.

Tinignan ko siya sa mata.

"H-indi totoo 'yon" umiiyak na sabi ko at napaupo nalang ako. Hindi naman talaga totoo 'yon.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon