Chapter 6

2.5K 70 0
                                    

Heremia's POV

Pasukan na naman at mamayang gabi na ulit ako mag du-duty sa blue magical restaurant. Excited na ako.

Nandito na ako sa classroom. Section 1 ako. Ito ang pina ka higher section sa buong grade 11. Nandito na ang mga famous, nerds, gorgeous, rich kids, at mga anak ng mga business woman at business man. Andito rin ang 7 na anak ng mga top 10 riches in the whole asia. Wala nga lang ang number 1 dahil patay na nga siya.

Classmate ko nga rin si besh e. Kaya walang umaaway sa akin dito. Close ko na din ng konti si blake. Sila palang dalawa ang kakilala ko. Syempre wala naman akong balak na kilalanin ang iba dahil alam ko naman na ayaw nila sa akin.

Habang nakaupo ako dito napangiti ako ng makitang pumasok si blake, agad nawala 'yun ng makita ang tatlo pa niyang kasama. Na ningkit ang mga mata ko at tumaas ang alta presyon ko ng makita ko si kyle! Ang ex boyfriend ni besh!

Sinundan ko ang galaw nila, bawat hakbang nila ay sobrang bagal. 'Yung tipong akala mo nasa isang movie at naka slowmo. Ganun kabagal! Lahat din ng mga kaklase namin ay mukhang mababalian na ng leeg dahil pagsunod nila ng tingin dito.

Mukhang mga tanga. Anong akala nila F4?

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa ex ng besh ko. Biglang kumulo ang dugo ko dahil naalala ko na naman ang ginawa nito sa kaibigan ko.

Tumayo ako at galit na galit na pumunta sa kanila, huminto ako sa tapat ni kyle at walang sabi ko itong sinapak ng napakalakas.

Gigil ako eh!

"WHAT THE FUCK!" Sigaw ni kyle na gulat na gulat. Pati narin ang tatlo niyang kasama.

"What the fuck mo mukha mo!" Sigaw ko sa kanya at pinag sisipa siya.

Bwesit! Nakakagigil ang mga lalaking manloloko!

Mabilis naman akong inawat ni blake at pinalayo kay klye.

"AND WHO THE HELL ARE YOU TO KICKED ME LIKE THAT?!" Sigaw nito, pulang pula ang kanyang mukha dahil sa galit nito.

Well galit din ako kaya hindi ako natatakot sa kanya! 

Tinignan ko siya ng masama. "Wag mo nga akong ma who at ma what! Bwesit ka sinaktan mo ang bestfriend ko. Kulang pa yan sayo!" Ani ko at pinag sisipa siya. 'Di ko naman siya maabot dahil pinipigilan ako ni blake.

May gana pa talaga siyang mag English? Paki ko? Edi siya na marunong mag english! 

"I DON'T CARE! AND BY THE WAY WHO THE HELL IS YOUR SLUT BESTFRIEND?" Mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa sinabi nito.

Slut ba kamo? Ang gago niya naman!

Buong lakas akong pumiglas dahilan para mabitawan ako ni blake, tumalon ako at malakas na sinuntok ang mukha ng bwesit at manlolokong lalaking ex ng kaibigan ko.

"FUCK!" Sigaw nito habang sapo sapo ang mata niyang sinuntok ko.

Buti nga sa kanya! Dapat lang yan sa mga lalaking manloloko!

"Katelyn Chavez ang pangalan ng bestfriend ko na sinaktan mo. So don't you ever called her slut!" Matigas na sabi ko. Paglingon ko sa pintuan ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ang teacher namin na masamang nakatingin sa'min.

"Heremia Teffiey Alfeche and Kyle Lim go to the guidance office now!" Sigaw nito.

Patay! 

Wala naman akong magawa kundi sundin siya.

Pag pasok ko sa guidance office ay kinalibutan ako ng makita ang babaeng nakaupo, sa mukha nito ay alam kong galit ito.

Patay na this.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon