Chapter 38

2.6K 70 0
                                    

Heremia's POV

Ng bumukas ang mga mata ko nakita ko si mommy at daddy. Sobrang saya ko dahil naalala ko na lahat, gumaling na ako.

"Precious.." umiiyak na sabi ni mommy at niyakap ako ng mahigpit ganun din si daddy. Niyakap ko din sila ng mahigpit at napaiyak nalang ako dahil sa sobrang saya. Ngayon alam ko na may masasandalan ako. Ang mga pamilya ko.

~

It's been 10 days. Nandito ako sa mansion namin. Hindi parin ako makapaniwala na dito na ako nakatira mas malaki pa ito sa mansion ng ex ko. Alam niyo naman na siguro kung sino 'yon.

"Anak are you ready?" Nakangiting sabi ni mommy sa akin.

"Yes mom" masayang sabi ko.

Sumakay na kami sa kotse ni dad. Pag dating namin sa airport bumaba na kaming tatlo.

"Anak mag iingat ka don." Naluluhang sabi ni mama at niyakap ako.

"I will mom" sabi ko at niyakap din siya.

"Always remember what I've told you anak." sabi naman ni daddy at niyakap din ako.

"I will never forget that dad" I said and kiss them on there cheeks.

"I love you mom and dad." Sabi ko bago pumasok sa private plane namin papuntang state. Gusto sana nila mommy at daddy na sumama sa akin sa state pero alam ko naman na marami silang trabaho dito sa pinas. At sabi naman nila dadalaw naman sila sa akin. Napatingin ako sa paligid bago pumasok sa private plane namin. Kailangan kung umalis para mag aral dun, at para nadin makalimutan ang masasamang nangyari sa akin dito sa pinas. I want to forget my pain here.

Goodbye Besh, I just wanted to say thank you for all the memories that we've shared together. Sobrang swerte ko kasi nakilala kita. Alam kong galit ka ngayon dahil tingin mo niloko kita pero hinding hindi ko 'yon magagawa sa'yo. Para na kitang kapatid at alam ko kung ga'no mo kamahal si Kyle. Saksi ako sa mga luhang nilabas mo para sa kanya. Kaya sana dumating ang araw na malaman mo ang totoo. Mag iingat ka palagi, wala man ako ngayon sa tabi mo pero palagi mong tatandaan na nandito ka lang sa pusp ko. I will see you soon bestie. I love you!

Keya, sobrang humahanga ako sa'yo kasi napaka buti mong tao. Sana wag kang magbago. Sobrang swerte ni Drake sa'yo kaya wag kang papayag na saktan ka niya.

Grace, ang cool mo alam mo 'yon? Tuwing kasama kita tawa lang ako ng tawa. Tipong lahat ng problema ko nakakalimutan ko kahit panandalian lang. Thank you for making me happy to your silly jokes. Be happy with Blake. Sobrang swerte niya sa'yo kaya sana hindi ka niya paiyakin kasi nako! Lagot talaga ang lalaking 'yon sa'kin.

Jane, you're so pretty baby girl. Sana balang araw maintindihan mo ako. I could still remember your question before, when you asked me If I'm inlove with your cousin. I answered, yes. Kasi totoong inlove na ako sa pinsan mo. Hindi ko nga alam kung bakit... kung bakit siya pa. Kasi wala naman siyang ginawa kundi paiyakin at saktan ako. Pero ganun naman talaga ang pagmamahal. Hindi natin madidiktahan ang puso natin kung sino ba ang dapat mahalin at hindi. Kusa nalang natin 'tong mararamdaman. Kusang titibok ang puso natin. Kusa tayong mahuhulog sa taong hindi natin inaasahan. Sobrang mahal na mahal ko pinsan mo pero anong ginawa niya? Niloko niya ako... pinaglaruan at ginawang tanga.

Blake, naalala mo pa ba ang unang pagkikita natin noon? When I slapped your cheeks? Haha that was funny! Akala ko naman kasi hahalikan mo ako that time! Oo na! Inaamin kong naging crush kita noon. Sino ba naman kasi ang babaeng hindi mag kaka crush sa'yo? Napaka bait and ang gentleman mo. Unlike sa kaibigan mo na masama ugali. Hindi ko sinasabi na si Carter 'to ha? Pero parang ganun na nga. Kaya ikaw ha! Ingatan mo si Grace! Kasi kung hindi? Lagot ka sa'kin.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon