Chapter 35

2.4K 63 0
                                    

Heremia's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto nila mama at papa. Hindi ko alam kung ano ng mangyayari sa akin habang wala sila. Hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas, hindi ko alam kung paano gigising na wala si mama ang sakit sakit lang.

Iyak lang ako ng iyak. Ma, Pa, kaya ba kayo kagabi nagpapa alam sa akin kasi 'di na kayo babalik? Ang sakit sakit eh. Alam ko naman na nagkulang sila sa akin pero binawi nila 'yon. Andito ako sa kama nila, hawak ang damit nilang dalawa ng sa ganun maramdaman ko naman ng kahit konti ang amoy nila.

Napahagulgul ako ng maalala ang mga masasayang alala namin. Ma, pa? B-akit niyo ako iniwan mag isa? Ang sakit sakit eh. Ang sakit sakit dahil wala kang kaibigan na dadamay sakin ang masakit pa don itinaboy ako ng best friend ko. Ang boyfriend ko din oh I forgot ex boyfriend ko din na niloko at pinaglaruan niya lang pala ako all this time. Putek! Napakasakit, sana nandito kayo pero wala eh. Iniwan niyo kong mag isa. Pero mahal na mahal ko sila.

Napatayo ako at nilibot ang tingin sa kwarto nila mama at papa. Nakakamiss silang dalawa.

"Kyaahh" napasigaw ako ng may ipis na dumaan sa paa ko. Bw*sit naman eh. Kinuha ko agad ang tsenilas ko at dahan dahan yumuko sa ilalim ng kama nila mama at papa para patayin ang ipis.

Hindi ko na ito nakita, pero napatingin ako sa itim na kahon. Tatayo na sana ko ng makita ang ipis sa taas ng itim na kahon kaya dahan dahan kong kinuha ang itim na kahon.

"Kyaahh" napasigaw na naman ako ng gumapang ang ipis sa kamay ko kaya nabitawan ko ang itim na kahon. Mag kaka heart attack yata ako sa ipis na 'to ah. Ng makita ko ang ipis inapakan ko ito. Err kainis ah! Oh ano ka ngayon? You're dead!

Napatingin ako sa nagkalat na mga gamit sa itim ng kahon. Bakit? Bakit nasa ilalim ito ng kama nila mama at papa? Dahil sa na curious ako kinuha ko ang nagkalat na mga gamit at inilagay ulit sa itim na kahon. Binuhat ko ito at pumasok sa kwarto ko. Umupo ako sa kama ko at dahan dahan binuksan ang itim na kahon, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Parang may nag udyok talaga sa akin na buksan ito.

Pagbukas ko may nakita akong isang papel at madaming gamit ng pambata. Dahan dahan kong kinuha ang papel at binasa ito.

Dear: Anak

Siguro pag nabasa mo na 'to, wala na kami ng papa mo. Anak sana mapatawad mo ako at ang papa mo. Pasensiya kana kung palagi ka namin pinapagalitan ng papa mo kailangan eh. Pero itong tatandaan mo anak, mahal na mahal ka namin ng papa mo. Mag iingat ka palagi nasa tabi mo lang kami. Anak, patawad pero hindi kami ang tunay mong mga magulang. Pasensiya kana kung nilihim namin ito sayo.

Noong nakatira pa kami sa probinsiya ng tatay mo. Masaya kami kahit na wala kaming anak, pero minsan nalulungkot din kami dahil wala kaming anak. Isang araw, may kapitbahay kaming nagdiriwang ng kanyang kaarawan. Inimbitahan niya kami ng papa mo sumama sa isang resort. Sumama naman kami dahil malapit naman kami sa isa't isa. Nung nandon na kami, masaya kaming kumakain at naliligo sa dagat. Ng malapit na ang gabi napagpasyahan na namin umuwi. Habang nasa byahe kami bigla nalang tumigil ang sinasakyan namin, bumaba kaming lahat dahil na flat daw ang gulong nito. Nag kawatak watak kami para humingi ng tulong. Ang papa mo ang kasama ko. Napadpad kami sa isang madilim na lugar at walang tao. Napahinto nalang kami ng may nakita kaming limang lalaking armado at dalawang batang babae. Yung isang batang babae ay umiiyak na nagmamaka awa na wag siyang patayin habang ang isang batang babae naman ay walang malay at ikaw 'yon anak. Nagtago kami ng papa mo anak, nakita namin hinubaran ka ng swim suit at pinasuot yun sa batang babae na kamukang kamuka mo. Niloblob nila yun sa tubig hanggang sa namatay ito at naging kulay violet at nangitim na ang kulay ng balat nito. Hinding hindi mo na talaga siya makikilala. Napatago pa kami ng papa mo ng umalis silang lahat at naiwan kang mag isa anak. Hindi namin alam ang gagawin namin anak, kung aalis nalang ba kami na parang walang nangyari o kung tutulungan ka namin. Napag desisyunan namin ng papa mo na kukunin ka namin, dali dali ka namin kinuha dahil alam namin na ikaw na ang susunod nilang papatayin. Wala kang malay nun pero kinuha ka parin namin. Pagdating namin sa bahay pinatulog at ginamot namin ang sugat mo. Habang nanunuod kami ng t.v ng papa mo nagulat nalang kami sa balita, namatay na daw kasi ang anak ng pinaka mayaman sa buong asia na si Mrs. Loren Ann Khun. Namatay daw ang anak nito dahil nalunod ito. Mas nagulat nalang kami ng papa mo ng pinakita ang picture ng anak nito dahil siya yung batang nilunod ng armandong limang lalaki. Hindi kami pwedeng magkamali, yung damit niya. 'Yon yung damit na hinubad nila sayo. At 'yong mukha niya. Siya yun! At napag alaman namin ng papa mo na planado lahat ng nangyari. Napag alaman namin, na kaarawan mo pala nun kaya pumunta kayo sa isang resort na pag mamay ari ng mama at papa mo. May naglunod sayo at yung batang babae ang pinalabas na ikaw 'yon at patay na. Pero ang hindi nila alam ang totoong ikaw ay nakaligtas. Pag gising mo wala kanang maalala, tinanong namin ang pangalan mo pero hindi mo na ito alam at nakalimutan mo na ito. Napag alaman namin, na nag karoon ka ng amnesia. Pero alam namin ng papa mo na balang araw babalik din lahat ng alaala mo.

Minahal ka namin anak, ginawa namin lahat para hindi ka mapahamak. Tinuring ka namin na parang tunay na anak pero nagbago ang lahat ng 'yon ng malaman nila na kami ang nakakuha sayo. Natakot kami na mawala ka, kaya ang ginawa  namin ng papa mo sumugal at  palaging kaming mag aaway para hindi ka mapalapit sa amin at para pag nawala kami hindi ka masasaktan. Para madali mo kaming makalimutan. Ang masakit pa donbinigyan kami ng ilang araw na mabuhay, kaya napag isip namin ng papa mo na magbago na. Pinakita ulit namin ang pagmamahal namin sayo anakMinahal ka namin anak. Palagi mo yan tatandaan. At sana pag nabasa mo ito wag mo kaming kamuhian. Ginawa lang namin ang makakabuti sayo, maging matapang ka mia. Madami kapang hindi nalalaman at patuloy ka pang masasaktan. Palagi mong tatandaan na mahal ka namin. Mag iingat ka hanggang sa huli..

             

                             - Love, Mama At Papa

Ng mabasa ko ito, napahagulgul ulit ako. Ang sikip sikip na ng dibdib ko gusto ko ng sumabog. Ang daming nangyari sa araw na'to. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ang hina hina ko. Iyak lang ako ng iyak, hindi ko pala totoong magulang sina mama at papa. At ang sakit lang. Oo inaamin ko na masakit malaman na tinago nila sa akin 'to, pero nagpapasalamat ako sa kanila. Dahil kung hindi dahil kay mama at papa baka wala narin ako. Baka namatay narin ako. Naiinis parin ako sa sarili ko, kung hindi dahil sa akin baka buhay pa ngayon sina mama at papa. Mahal na mahal talaga nila ako na kahit buhay ang kapalit nila iniligtas parin nila ako.

Wag kayong mag alala ma, pa hinding hindi ko kayo kakamuhian at simula ngayon magiging malakas at matapang na ako. Ayoko ng maging mahina, pagod na pagod na ako.

Dahan dahan akong naglakad palabas ng bahay namin hindi ko alam pero may gusto akong puntahan. Napatingin ako sa malaking bahay nila, nakakamis din palang matulog dito katabi si.... besh.

"Ma'am mia?" Gulat na gulat na tanong ng guard nila.

"Pasok po kayo ma--"

"Ay hindi napo manong, paki bigay nalang to kay bes-h" sabi ko at binigay ang isang pirasong papel sa guard nila. Hindi ko na siya pinakinggan bagkus tumakbo ako ng tumakbo. Hanggang sa pagtawid ko sa kalsada

*Beep*

Napatilapon ako ng masagasaan ako ng itim na kotse, hindi ko alam kung mabubuhay pa ako. Pero sana hindi na. Napatingin ako sa driver na hindi man lang bumaba para tulungan ako, bagkus pinaharurut niya ito ng mabilis. Pero mas lalo pa akong kinabahan ng makita ang mukha niyang naka ngisi. Madami narin ang nawala sa aking dugo, at malakas ang pagkakauntog ng ulo ko sa kalsada hindi ko alam pero unti unting dumidilim ang aking paningin.

And everything went black.

Itutuloy...

*****************************
Sana magustuhan niyo yung chapter na ito

Read.Comment.Vote

Love,Ate Lay 💋💄

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon