Chapter 32

2.1K 62 8
                                    

Heremia's POV

Nagulat man ako sa sinabi ni trade sa akin, hindi ko nalang 'yon pinansin. Siguro tama nga naman siya, in love na yata ako sa mokong na 'yon. Kahit na palagi niya akong sinasaktan siya parin pinili ng puso ko. Siya parin ang mahal ko. Ang sarap siguro sa pakiramdam kong ang mahal mo mahal ka rin diba? Pero anong magagawa ko? Hindi ko siya kayang diktahan na mahalin rin niya ako dahil puso niya 'yon at nararamdaman niya 'yon. Its so easy to fall in love but hard to find someone who will catch you. Pero napapangiti nalang ako tuwing naalala ko siya, siya yung first kiss ko, first hug, first love at first heartbreak ko and my first pain.

Nandito ako ngayon sa shop namin. Nag tratrabaho parin ako dito pero hindi na palagi, ayoko naman kasi na pabayaan ang pag aaral ko lalo na scholar ako ni Mrs. Loren Ann Khun. Ng mag out na ako hindi na ako sumakay nag lakad nalang ako dahil sayang naman ang pamasahe kahit na 11:30 na ng gabi.

Lakad lang ako ng lakad ng biglang may lalaking humablot sa kwentas ko. Kaya hinabol ko ito, hindi niya pwedeng kunin yan binigay sa akin ni Mrs. Loren niyan! At madami ng unforgettable moments ang nangyari sa kwentas na yan. Hinabol ko ang lalaki at 'di naman ako nabigo, nahawakan ko ang damit nito.

"Akin na nga yan!" sigaw ko dito at hinablot sa kamay niya ang kwentas. Ng makuha ko ito ako naman ang tumakbo ng mabilis at hinabol niya naman ako.

Kahit na pagod na pagod na ako tumakbo parin ako ng mabilis. Sa hindi inaasahang mangyayari nadapa ako. I'm dead!

"Palaban ka din 'no?!" Sigaw niya sa akin at nilabas ang patalim niya.

Kinakabahan na tumingin ako sa kanya at sa hawak niyang kutsilyo.

"Si kuya naman 'di mabiro. J-oke ko lang naman 'yon" sabi ko na nanginginig.

"Ako ba ginagago mo?"

"Huh? Syempre hindi po!"

"Pwes ako na ang tatapos ng buhay mo!" Sigaw niya at lumapit sa akin habang hawak parin ang patalim.

Napapikit nalang ako. Good bye philippines and good bye world. Ng lumapit siya sa akin hinawak niya ang panga ko at dinampi ang kutsilyo sa pisnge ko.

"Sayang ang cute mo pa naman tapos dito na matatapos ang buhay mo?" Sabi niya na naka ngisi at nilapit ang labi niya sa labi ko.

Napapikit nalang ako at hindi huminga ng maamoy ang mabaho niyang hininga. Yak! Kadiri naman 'to. Ang baho ng kanyang hininga! Ng mas nilapit niya pa ang labi niya sa labi ko buong lakas ko siyang dinuraan sa mukha.

"Putsa!" Sigaw niya at tinignan ako ng masama.

"Ang baho ng hininga mo! Kadiri ka. Hindi ka siguro nag to-toothbrush 'no?" Sigaw ko sa kanya. Napatigil naman siya at tinakpan niya ang kamay niya sa bunganga niya at huminga para maamoy ito.

"Mabaho nga". sambit nito  na nakakunot ang noo

"See? May bad breath ka."

"Wala kang paki alam! Magbabayad ka sa ginawa mo sa pag dura sa aking mukha." Sigaw niya at saka tinutok ang patalim sa akin tyan. Sasaksakin niya na sana ako ng bigla siyang bumagsak sa sahig. At pag angat ko ng tingin ko, nakita ko si carter na galit na galit na nakatingin sa lalaki at pinagsusuntok ito hanggang sa mawalan na ito ng malay.

Lumapit sa akin si carter na nag aalala. Binuhat niya ako at pinasok sa sasakyan niya.

"I'm sorry" malungkot na sabi nito sa akin

"Saying sorry doesn’t mean there isn’t guilt and forgiving doesn’t mean the pain is gone." Sabi ko sa kanya at yumuko.

"Sorry. Sorry dahil nasaktan na naman kita, sorry dahil tinaboy kita, sorry dahil sinigawan kita at sorry dahil umiyak ka. Sorry sa nagawa ko." Sabi nito at hinawakan ang mukha ko. Pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon