Chapter 30

2.1K 59 3
                                    

Grace's POV

"Sige na grace, pumayag kana kase. Promise madali lang 'to." Sabi ni kate sa akin.

"Oo nga grace. Pretty please?" Sabi naman ni keya at nag puppy eyes pa. Wew! Kadiri.

"Ayoko nga eh."  Sabi ko na nakasimangot pano gusto nila akong ayusan. Ayoko naman, wala naman mali sa itchura ko diba? Kahit na hindi ako girly manamit ayos lang naman diba? Dito kasi ako comfortable eh.

"Sige na kasi grace. Ang dami mo pang sinasabi eh." Sabi ni mia. Ay ang loka akala mo naman magpapa ayos din siya.

"Eh ayoko nga! Ikaw nalang kaya ayusan namin mia? What do you think?" Sabi ko at nag smirk nakita ko naman na agad lumaki ang mga mata ni mia.

"H-uh? Hihihi ayoko nga." Sabi niya at nag iwas ng tingin.

Aalis na sana ako ng bigla nila akong hinila at pinasok sa kotse ni kate.

"Hoy! Kidnapping to ah!" Sigaw ko sa kanila.

"Just shut up" sigaw nilang tatlo sa akin. O-kay. Pinagkakaisahan yata nila ako.

Si kate nag dri-drive habang ako nasa backseat pinapagitnaan ni mia at ni keya.

Ng makarating kami sa 'KM' hinila na naman nila ako at pumasok kami sa isang parlor.

"Jessa ikaw ng bahala sa kaibigan namin ah?" Sabi ni kate sa isang staff ng parlor.

"Yes ma'am katelyn" sabi ni jessa.

"Grace dito ka lang ah? Bibili lang kami ng mga precious dress mo." Sabi ni keya.

Sinamaan ko lang sila ng tingin bago sila lumabas ng parlor.

Pinaupo na ako ni jessa at sinimulan ng ayusin ang buhok ko. May kung ano ano pa siyang nilagay sa buhok ko. Mga pang kulay at ginupitan niya din nito. Pagkatapos niyang ayusan ang buhok ko.

Ako ba talaga to? Ba't parang naging babae na yata ako? Ang ganda talaga ng buhok ko, bagay na bagay sa akin.

"OMG ma'am ang ganda ganda niyo." Gulat na gulat na sabi ni jessa.
See? Pati siya na gandahan sa akin.

"Jessa where's grace?" Tanong ng kakapasok lang na si kate.

"Hoy! Andito ako." Sigaw ko sa kanila panu kung saan saan pumupunta ang mga mata nila.

"Oh gosh. Ikaw ba yan grace?" Gulat na gulat na tanong nilang tatlo.

"Ay hindi! Picture ko lang 'to!" Pilosopong sabi ko sa kanila.

"Ang ganda mo" keya

"Ang dyosa mo" mia

"Ang taray ng buhok mo" kate

"Hays. Oo na" sabi ko na nahihiya.

"Itong floral dress suotin mo pati narin ang floral high heels mo para--" naputol ang sasabihin ni kate sa akin ng biglang sumigaw si keya at si mia ng

"BONGGA!"

"Hahaha" natawa nalang ako sa kanila. Panu para silang bata lalo na si mia. Kinuha ko ang floral dress at high heels at sinukat ito. Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin. Hindi mo talaga aakalain na ganito na ang itsura ko, ibang iba na ito. Napaka eligante ko na ngayon tignan. Para bang model at artistahin. Hahaha Yung dating boyish na manamit ngayon girly na girly na.

Paglabas ko ng fitting room nakita ko ang mga naglalakihan nilang mata.

"Miss pwedeng manligaw?" Sabay sabay na sabi nila at tumawa ng malakas. Ano ba yan. Nakakahiya na!
 

Ng matapos kaming kumain at nag malling sa KM umuwi na kaming lahat. Hinatid kami ni kate sa sarili sarili naming bahay.

"Thank you kate, keya at mia." Sabi ko sa kanila bago ako bumaba ng kotse ni kate.

"Ano kaba wala yun 'no!" Sabi nilang tatlo.

"Basta thank you pa din sa inyo. Bye bye." Sabi ko at hinalikan ang pisnge nilang tatlo. Kahit na nahihiya ako na hinalikan sila eh ginawa ko pa din dahil kaibigan ko naman silang tatlo. At parang pasasalamat ko nadin yun sa kanila.

"No problem. Love you!" sabi nila

"Sige mag inggat kayo. Love you too guys!" sigaw ko at lumabas na ng kotse ni kate.

Pagpasok ko sa malaking bahay namin. Hindi pa ako pinapasok ng security guard namin dahil 'di niya ako kilala. Ayun sinapok ko nga. Ganun naba ako ka panget dati na hindi na makikila ngayon? Ayun naniwala naman na ako nga ito. Hindi lang daw talaga siya makapaniwala na ako si grace dahil napaka ganda ko daw.

Napakunot ang noo ko ng makita si blake na nakaupo sa sofa namin.

"Hoy mokong anong ginagawa mo dito ah?!'' Nakasimangot na tanong ko.

"Huh? Sorry po hindi po kita kilala eh."

"Gusto mo makatanggap ng isang malakas na sapok?!" Sigaw ko dito.

"Ano po? Wala naman po akong ginagawa sa inyo ah" naka kunot na sabi nito sa akin. Hays bakit ganun? Pati ba naman siya 'di na ako kilala?

At dahil sa sobrang inis ko sinapak ko siya. Kainis na mokong na'to ay.

"Problema mo ba miss?" Naiinis na sabi nito.

"Problema ko? Ikaw! Tanga kaba? Pati ba naman ikaw hindi ako nakilala? Mokong ka talaga! Ako to si grace." Naiinis na sabi ko sa kanya.

Nakita ko naman yung mukha niya na gulat na gulat.

"I-kaw ba talaga yan?" 'Di makapaniwalang tanong niya at tinignan ako ulo hanggang paa.

"Ang gan-da mo"

"Ano?" Nakangiti kong tanong sa kanya kahit na narinig ko naman ang sinabi niya.

"Sabi ko ang ganda mo."

"ANO? 'Di ko talaga marinig eh''

"Aish! Sabi ko ang ganda mo!"

"Lakasan mo kasi. 'Di ko talaga marinig--"

"SABI KO ANG GANDA GANDA MO!" sigaw nito. Napatahimik nalang ako.
It is so easy to believe someone when they tell you exactly what you want to hear. Ay tae naman eh! Pumula ang pisnge ko mga tol! Pumula as in para na akong kamatis. Si blake kasi siya yung tipong lalaki na sobrang bait pero kahit na sobrang bait niya pag nagsama kaming dalawa rambulan na. Palagi kaming nag aaway nag babangayan at kung ano ano pa. Pero 'di naman umabot sa point na nagkasakitan kaming dalawa. Oo inaamin ko minsan sinusuntok ko siya pero mahina lang naman. Pano naiinis ako sa kanya minsan, kung makaasta kasi kala mo siga! Lalo na  pag may mga babae na lumalapit sa kanya 'di niya man lang kayang tabuyin. Kainis!

Napa singhap nalang ako ng bigla niyang nilapit ang bibig niya sa tenga ko at binulong ang katagang hindi ko inaasahan na marinig galing sa kanya.

''You're so gorgeous babe"

Itutuloy...

Floral dress and floral high heels see at the right side
--------------------------------------------------------->

************************************
May p.o.v na si grace at buo pa talaga ah. Wag kayong mag alala gagawan ko din si keya ng isang chapter at kay katelyn.

Read.comment.vote

Love,Ate Lay💄

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon