Chapter 8

2.4K 69 2
                                    

Heremia's POV

Nandito ako ngayon sa bahay papa alis palang. Late na nga ako eh! Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi, ang daming tanong na nasa isip ko at lahat ng 'yon ay wala akong makuhang sagot, kahit ako ay naguguluhan narin.

Hinawakan ko ang kwentas na suot suot ko, bakit kaya sa lahat ng tao ako pa ang makakakita nito? Ano kaya ang ibig sabihin nun?

Napabuntong hininga ako at umiling iling. Mamaya ko na nga itong isipin! Late na ako!

Lumabas ako ng bahay at mabilis na tumakbo papuntang sion academy. 'Di na ako nakapag suklay! Bahala na! Panget naman ako kaya walang kaso.

Hingal na hingal ako ng dumating ako sa classroom. Ngumiti ako ng makitang wala pa ang professor namin kaya dali dali akong umupo sa proper seat ko.

Saktong pag upo ko ay nakita ko din si blake at ang mga barkada nito na kakadating lang. Nginitian niya lang ako at umupo nadin sa proper seat niya which is sa likod ko lang.

Umupo sa tabi ko si carter, iyong kaibigan ni blake. Siya din 'yung sinasabi ni blake na anak siya nitong may ari ng school nato. Tahimik lang ito at hindi man lang ako sinulyapan, syempre sino ba naman ako?

Napatingin ako sa kakapasok lang at napasinghap ako ng makita si nick. Umiindayog ang balakang nito habang naglalakad, para bang isa siyang modelo. Nagkasalubong ang tingin namin at napanguso ako ng inirapan niya ako. Umupo ito sa tabi ni carter, bali napapagitnaan namin si carter.

"Hi dee." Anito at hinalikan ang pisnge ni Carter.

Hindi ko mapigilan na hindi matawa ng hindi man lang siya pinansin ni Carter. Tinakpan ko ang labi ko ng tignan ako ng masama ni Nick. Para niya akong kakainin ng buhay sa tingin nito sa'kin, alam kong napahiya siya sa inakto ni Carter.

Hindi nagtagal ay dumating na ang professor namin. Nag di-discuss ito sa gitna pero hindi ako makapag focus dahil sa naglalandiang carter at nick.

Hindi ko tuloy maiwasan na isipin kung bestfriend lang ba talaga sila. Sa tingin ko hindi eh, there's something special between them.

Hindi ko mapigilan ang pag irap ko ng marinig si nick. "Dee can I go to your condo later?"

Tumango naman si carter. Ano ba yan 'di ko pa narinig na nag salita siya ng mahaba! Masyadong maikli ang mga sinasabi niya. At kung hindi naman siya nag sasalita, tango lang siya ng tango. Mabuti 'di napapanis laway nito? Ay baka naman bad breath siya kaya ayaw niyang mag salita?

Napailing iling ako sa mga iniisip ko. Ang bad ko! Kung ano ano na naiisip ko!

"Thanks dee," Napairap na naman ako ng halikan nito ang pisnge ni Carter. Mas lalong lumaki ang ngisi nito ng akbayan siya ni carter.

Tsk! Ang sakit sa mata! Masyado na silang PDA! Hindi man lang sila nahihiya sa harapan ni ma'am!

Teka, ba't mukhang apektado ako? Ano naman ang pakialam ko kung maglampungan sila sa harapan ko?

"No problem mee." Bahagya akong nagulat ng magsalita si Carter. Hindi ko mapigilan na hindi mapahanga sa boses nito, masyado itong masculine at ang sarap sa tenga. Dahil magkatabi kami ay amoy na amoy ko ang hininga nito at aaminin kong napaka bango niya.

Oh my gulay!

Tinignan ko si nick na malaki ang ngiti, abot tenga eh. Kinikilig si ate girl.

"Herimia, what is the meaning of PDA?" Gulat akong napatingin kay ma'am ng bigla niya akong tanungin. Hindi ko maiwasan na magtaka sa tanong nito. Bakit napunta sa PDA ang question niya? Hindi naman related 'yon sa lessons namin.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon