Chapter 19

2K 66 0
                                    

Heremia's POV

Bigla siyang lumapit sa'kin.

Oh tukso layuan mo akoooo.

Hindi ba niya alam na naka topless lang siya? Hindi ako tumitingin sa kanya baka mamaya gahasain ko pa siya. WHAT? WHAT DID I JUST SAY? Noo! 'Di totoo yun ah. Never mind!

"Hatid na kita sa inyo." sabi niya sa akin.

"A-h sige." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Kita ko sa gilid ng mata ko na pumasok siya sa kwarto niya. Haaayyy naka relief ako dun ah.

Pag labas niya 'di ko na naman mapigilan na mapahanga sa kanya. Naka sweetpants lang siya na white at t-shirt na itim. Naka jacket din siya. Lumabas kami sa condo niya at sumakay na naman ulit sa kotse niyang magara.

"Saan yong bahay niyo?"

"Sa resort mo nalang ako hatid sa may S hotel." sagot ko

"Bakit dun? Saan kaba nakatira?" Sunod na sunod niyang tanong

"Metro manila" sabi ko sa kanya

"Eh ang layo nun ah? Bakit ka nandito?" Sabi niya na naka kunot ang noo. Omo ang gwapo niyang tignan! Hindi katulad ni pipe na nakakatakot. Eh? Bakit nasali si pipe? Bwesit yun naalala ko na naman ang nangyari! Iniwan ako ng pipe na'yon!

"May activity kasi kami. At dito ang napiling place." Sabi ko sa kanya.

"Saan kaba nag aaral?" Tanong niya.

"Sa sion academy" sabi ko at tumingin sa kanya. Mukhang gulat na gulat naman siya.

"Talaga? Ang yaman mo pala." sabi niya at tumawa. Baliw ba siya?

"Hoy hindi ah. Scholar lang kaya ako"

"Walang scholar sa sion acad." Sabi niya. Hahaha ayaw sigurong maniwala sa akin.

"Meron kaya at ako kaya 'yon!"

"Sino ang sponsor mo?" Tanong niya sa akin. Ayaw niya bang maniwala? Mukha ba akong mayaman? 'Di naman eh.

"Si madam Loren Ann Khun"

"Ah kaya naman pala." Sabi niya at tumango tango. Kilala niya ba si madam loren?

"Kilala mo?" Manghang sabi ko

"Of course. She and her husband are the most powerful in the whole asia. They're the first richest in the whole asia." Sabi niya sa akin. Napamangha nalang ako, kilala talaga si madam Loren ano?

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa parking lot ng resort. Napahaba yata ang kwentuhan namin.

"Thank you. Kung hindi dahil sayo baka napano na ako dun." Sabi ko sa kanya.

Agad naman siyang humarap sa akin.

"Walang ano man." He said and smile at me.

"By the way I'm Heremia. Heremia Teffiey Alfeche" I also said to him and offer my hand.

"Trade. Trade Gonzales" sabi niya at naki pag shake hands sa akin. Parang pamilyar ang pangalan niya pero never mind.

"Thank you ulit." Sabi ko at binuksan na ang pintuan ng car niya.

Nag wave siya sa akin kaya nag wave nalang din ako sa kanya. Pero bago siya umalis bigla niya nalang binuksan ang salamin ng car niya at sumigaw

"SEE YOU AT SION ACADEMY!" sigaw niya at pinararurot ang sasakyan niya. Napangiti nalang ako, ang gwapo niya kasi.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon