Chapter 36

2.5K 72 1
                                    

Katelyn's POV

Iyak lang ako ng iyak. Ang sakit isipin na pinagkaisahan ka ng taong mahal mo at ang bestfriend mo. Kyle? Bakit? Besh? Bakit? Bakit niyo ginawa sa akin 'to? Wala naman akong ginawang mali sa inyo diba? Umaga na pero wala akong ganang pumasok sa sion, nandito pa ang sakit eh. Hindi ko kayang harapin si Mia at Kyle na nanloko sa akin.

"Anak" Nag punas ako ng luha bago binuksan ang pintuan ng kwarto ko. At bumungad agad sa akin ang nag aalalang mukha ni mama.

"B-akit ma?"

"Anak pinamimigay daw ni mia. Kagabi pa niya 'to binigay kay manong guard pero tulog naman na tayong lahat." Sabi ni mama at inabot ang isang pirasong papel. Kahit na ayokong kunin, kinuha ko parin sa kamay ni mama para hindi na siya mag tanong pa. 'Di niya kasi alam ang nangyari.

Ng makaalis na si mama dahan dahan ulit akong naupo sa kama ko. Napatingin ako sa papel gusto kong itapon to. Pero may nag uudyok na basahin ko ito, kaya binasa ko nalang ito.

Dear: Besh

Besh sorry ah? Kung umiyak ka ng dahil sa akin. Besh hindi ko naman talaga ginawa ang mga sinasabi nila, mga paratang nila.

Gabi yun, may sama ako ng loob kay c-arter kaya napag desisyunan ko na lumabas ng bahay kahit na madilim na. Habang naglalakad ako nakita ko si kyle na nakahiga sa kalsada na maraming pasa at sugat sa kanyang mukha. Lasing din ito, tinulungan ko siya. Naaawa kasi ako sa kanya, hindi ko dala ang cellphone ko that time kaya hindi kita natawagan ganon din si kyle, hindi niya din ito dala. Akay akay ko lang siya hanggang sa pumasok na kami sa condo unit niya. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong tinulak sa kama niya at pumatong sa akin. At lumabas sa bibig niya ang katagang 'mahal na mahal kita katelyn' sa sobrang gulat ko naitulak ko siya. At sinabi na hindi ako si katelyn.

'Yon ang totoong nangyari besh, walang nangyari sa amin ni kyle. Hindi kita kayang lokohin, ikaw lang ang nag iisa kong bestfriend. Hindi ko nga alam kung bakit ganun ang sinabi ni kyle. Alam kung may tinatago siya, at sana maayos niyo na besh. Palagi mong tatandaan na hindi kita kayang lokohin. Mahal na mahal kita besh. I really do. Again, I love you so much my besh.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon