Chapter 15

2.2K 70 1
                                    

Heremia's POV

    

"Kasalanan ko ito kung tinext ko lang sana siya ng mas maaga edi sana hindi ganito ang nangyari" Kate

"Shhhh hindi mo kasalanan ang nangyari" Kyle

"Hoy wag kayong maingay natutulog pa siya oh" Blake

"Kasalanan talaga to ni nick at ang bitch friends niya." Drake

Bakit ba ang ingay ng mga 'to? May fiesta ba? Birthday? Pagmulat ko nakita ko agad ang puting kisame. Nasaan ako? Hindi ko ito kwarto.

"Ouch" Ika ko ng makaupo ako. Ang sakit ng katawan ko.

"MIA GISING KANA!" Sabay na sigaw nila sa akin. Oo lahat sila, mabilis naman akong niyakap ni kate.

"Ay hindi pa." I said with a sacrams. Nilibot ko ang paningin ko nasa hospital pala ako. At sigurado akong private ito dahil may sarili akong room.

"Ano bang nangyari? Ba't nandito ako sa hospital?" 

"Wala ka bang naalala besh?" Tanong ni besh sa akin. Mag tatanong ba ako kung may naalala ako? Ang slow ni besh!

"Hala may amnesia si mia!" Sigaw ni drake. Binatukan ko naman. Maka amnesia wagas?

"O.A mo!" Sabi ko sa kanya.

"Mia yung nangyari sa c.r ." Biglang singit ni blake sa amin. Kaya bigla nalang nag sink in lahat ng nangyari sa may c.r .

"Oo n-aalala ko na."

"Besh sorry kung hindi agad kita na text ah? Masama din kasi pakiramdam ko nun. At nakatulog ako. Sorry talaga. " Malungkot na sabi ni besh at niyakap ako ng mahigpit ako.

"Ano kaba besh. Okay lang 'yun." sagot ko at niyakap din siya.

"T-eka nga bakit dito niyo pa ako dinala? Wala akong pambayad ng bill dito sa hospital." Tarantang sabi ko sa kanila, talaga naman.

"Hahaha ano kaba besh wag kang mag alala sa bill nabayaran kuna. At isa pa may share sina mommy at daddy dito." Besh

"A-h ganun ba, paki sabi kina tita at tito na salamat. Pwede na ba akong lumabas dito? Okay naman na ako eh."

"Okay eh discharge nalang kita mamaya." Sabi ni blake

"Malamang sa malamang na okay kana, akalain mo ba naman natulog ka ng tatlong araw na hindi gumigising. I thought you're dead na eh." Sabi sa akin ni kyle. Agad naman siyang ko sinapak ni drake at ni blake. Buti nga sa kanya! At anong sabi niya? Hindi ako nagising ng tatlong araw?

"What? Tatlong araw akong natulog?" Sigaw ko.

"Paulit ulit?" Sigaw din sa akin ni klye. Bwesit talaga to. Panira moment.

Matapos akong ma discharge hinatid ako ni blake sa amin.

"Thanks blake." Sabi ko bago ako lumabas ng kotse niya.

"No problem mia. Ingat ka palagi ah?" Sabi niya at pinaharurut ang kanyang kotse.

Pagpasok ko sa bahay nakita ko sina mama at papa na kumakain. Himala hindi sila nag away.

"Saan ka galing? Ba't hindi ka umuwi ng tatlong araw?" Tanong ni mama sa akin. Nagulat naman ako, first time niya kasi akong tanungin at first time ko siyang nakitang nag aalala sa akin. Mama ikaw ba yan?

"N-a hospital po kasi ako m-ama. Sorry po, tatlong araw po akong di n-agising." Sabi ko

"B-akit? Bakit napa ano ka?" Nag aalalang tanong niya at hinawakan ang mukha ko na may kalmot pa.

The Childish Heremia Meets The Snobber Carter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon